Bago pa sumikat ang araw,
Kami ay ginigising na.
"Girls, goodmorning! Goodmorning, gising na!"
Isang nakayayamot na sigaw ang sasalubong sa amin.
Babangon ako, pero hihiga rin ulit.
Sa bawat paggising ko sa umaga,
Lumalaban ako sa paghila ng aking kama.
'Pag nakabangon na,
Mag-iisip,
Kung maliligo muna
O kakain na.
Laging sinisigurado kung malinis at 'di gusot ang uniporme,
At kung ang sapatos ay makintab na.
Pipila at magiging sardinas
Kung nakasakay na sa bus.
Araw-araw aakyatin ang mala-bundok na kalsada
Patungong paaralan
Araw-araw natutulog sa klase ng ilan.
Gabi-gabi isu-surrender ang gadgets.
Gabi-gabi magpupuyat dahil sa gawaing 'di natapos, Pagkatapos ay matutulog nang mahimbing Kinabukasan, lahat ay uulitin. Tuwing Linggo ay lalabas at magsisimba, Kasama ang mga kaibigan kung hindi pamilya. Tuwing Linggo ay sinusulit na, 'Pagkat minsan lang makagala.Pagkagising ko'y nagulat nang ako'y nakapasa na,
At ito ang buhay nakinilala.Pero, sa isang iglap ang lahat ay nagbago na.
Kahit anong oras magising ay maari na.
Hindi na, "Girls, good morning! Good morning, gising na!"
Ang maririnig mo tuwing umaga,
Bagkus ay "********* bata ka, gumising ka na!".
Hindi mo na kailangang palaging manigurado,
Maari mo nang suoting kahit anong gusto.
Hindi ka na makikipagsiksikan sa bus,
Nariyan ang kotse bagkus.
Hindi mo na aakyatin ang malabundok na kalsada,
Nandoon ka lang sa bahay at nagpapahinga.
Hindi mo na kailangang maghabol ng tulog sa klase,
Kahit anong oras maari kang matulog kase.
Hindi ka na mag-su-surrender ng gadgets tuwing gabi,
Kung gusto mo, gamitin mo ito palagi.
Hindi mo na kailangang gawin pa ang lahat ng ito,
Sapagkat ang lahat ay nagbagonna.
Ang lahat ay bumalik na.
Bumalik na sa tunay na buhay kung saan namulat ka.Ngunit maya-maya'y matatanto mo,
Na ito lamang ay bakasyon ninyo
Na hindi pa dito nagwawakas ang buhay mo sa dormitoryo
Ito lamang ay panandaliang pahinga,
Wari'y panandaliang pagkalaya.
Kaya, ikaw ay mangamba na,
Sapagkat iilang araw na lang ang natitira."Hinihintay na kita."

BINABASA MO ANG
Tibok ng Puso
PoesiaKoleksiyon ng aking mga tula patungkol sa pag-ibig (maliban sa bayan) at ibang personal na bagay sa aking buhay.