Late

3 0 0
                                    

Sa tuwing naririnig ko ang salitang "Late",
Naalala ko ang Room 3.
Basta kasi Room 3, late na yan.
Lagi na nga tayong napapagalitan,
Palaging nasasabihan,
Maingay daw,
Pasaway,
Magulo,
Maraming isyu,
At siyempre,
Laging late.
Pero ang hindi nila alam,
Masaya dito,
Ito nga ang pinakamasayang room para sa akin.
Aaminin ko, sa una nagsisi ako.
Ayaw na ayaw ko, hindi ko naman kasi ka-close kayo,
Pero kalaunan, natuto na rin ako.
Natuto akong makipagkaibigan sa inyo.
Natuto akong sumaya't tumawa,
Natuto akong maging open sa iba,
Natuto akong mag-ingay at maging makulit.
Natuto nga rin akong manira ng gamit.
Pero kahit na maraming masama ang sabihin nila,
Dito pa rin ay masaya,
Atleast hindi nagtatago ng kasamaan,
Atleast hindi plastik kayla Ma'am.
Di tulad ng iba diyan,
Aba'y ewan ko na lang.
Nagpapasalamat ako nang marami sa inyo,
Sapagkat nariyan kayo.
Nariyan kayo sa tuwing kailangan ko.
Nariyan kayo nung ako na'y sumusuko,
Siguro hindi lang halata, kasi nga nariyan kayo.
Nariyan kayo nung feeling ko mag-isa na lang ako.
Ok na sa akin noon kahit malungkot ako sa school, nasasaktan,
Atleast pagbalik ko dito sa dorm, puro kalokohan,
Kasiyahan lang ang nananaig sa atin,
Walang pakialam kahit na anong gawin,
Basta ang importante ay maging masaya sa gagawin.
Minsan nga'y naitanong na rin sa akin,
"Gusto mo bang ika'y aking palipatin?"
Sabi ko kay Ma'am, "Naku, 'wag nyo na pong gawin"
Hindi ko na sinabi kung ang pa ang dahilan,
Basta dito kuntento na ako magpakailanman.
Kahit na nadadamay rin ako minsan.
Hindi na nila ako kailangang palipatin,
Kasi dito ay perpekto na rin para sa akin.
Kahit na ang iingay ng mga kasama ko,
Kahit na masyadong magulo,
Hindi na pumasok sa isip ko,
Na iwan ko kayo.
Kasi nga kuntento na ako.
Para ko na rin kasi itong bahay,
Masyadong maingay,
Nariyan si nanay,
Nariyan din ang magkakapatid na nag-aaway.
Feeling ko talaga hindi na ito bahay,
Tahanan na rin kasi kung ituring.
Nais ko lamang na malaman niyo,
Mami-miss ko lahat kayo.
Hindi ko man masabi ng personal,
Pero kayo'y mahal na mahal.
Mami-miss ko yung kaingayan natin,
Tawanan natin,
Pag-uusap tuwing hating-gabi,
Pag-aasaran ng isa't isa.
Basta mami-miss ko kayo sa tuwina.

Ngayon, alam kong lahat may hangganan,
Na hanggang dito na lang.
Pero ang hiling ko lamang,
Walang limutan.
Yun lang.

Sa muli, maramig maraming salamat,
I Love You (AYIEEEE)
(PS. Sorry ah, masyado lang akog madrama HAHAHHHAH gusto ko lang malaman niyo:)

Dedicated to my roommates :)

Tibok ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon