Higad

2 0 0
                                    

Dati'y rinig na rinig ating mga tawa
Dati'y bakas pa ang mga tuwa sa ating mga mata.
Dati'y tayo'y masayang nagsasama-sama,
Ngunit bakit ganoon, ang lahat ay nagbago na?

Nagbago na ang bawat isa.
Nagbago na pati ang mga pagsasama,
Nagbago na takbo ng puso't isip ng bawat isa.
Simula noong naging mas kaibigan niyo sila.
Ang lahat ay nagbago na.

Ako tuloy ngayo'y nag-iisip,
Nagtataka kung bakit.
Bakit ganoon kadaling manakit?
Bakit ang dali nilang dumikit?
Simula noong sila na ang naghari.

Ganyan na lang ba lahat sa akin?
Akala ko nung una hindi na ulit mangyayari sa akin.
Yung gamitin ka lang ng mga kaibigan mo
Kasi alam kong dito sa atin lahat tayo'y matalino,
Alam ko kasing dito sa atin ang mga bata'y matitino.
Akala ko.
Akala ko magiging tunay na ang mga kakaibiganin ko.
Akala ko lang pala yun.
Kasi hindi talaga yun totoo.
Ginamit niyo lang din ata ang talino ko.

Pasensya na kung masyado itong mayabang,
Pero sino pa ba ang mas yayabang sa kaniya?
Isa talaga siyang higad.
Higad na dikit nang dikit.
Higad na mahilig manakit.
Higad na nang-aagaw na lang ng lahat.
Inagaw niya na ang rango ko
Pati ba naman kayong mga kaibigan ko?

Ewan ko ba,
Pero kinaiinisan ko talaga siya.
Sa una, aakalain mong napakabait niya,
Pero sa huli, masamang tao pala siya.

Sige, siya na ang magaling,
Sige, siya na ang laging uunawain.
Pero natitanong niyo ba ang aking damdamin?
Sa tuwing kasama niyo yang pabibo't magaling?

Lahat na lang gusto niyang gawin,
Lahat na lang aagawin.
Lahat na lang kaniyang poproblemahin,
Para siyang ewan na pagiling-giling.

Akala mo naman, magaling talaga,
Porkit ba kinaya niya?
Magyayabang agad siya,
Kapag ang isang bagay ay nakuha niya.

Binago niya ang buog pagkatao ko,
Binago niya ang dadamin ko.
Pinuno niya ng sakit ang puso ko,
Tapos ngayon magmamakaawa sa iba, mukha naman siyang aso!

Tibok ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon