Paalam

2 0 0
                                    

Naalala mo pa ba?
Naalala mo pa ba noong una kitang makilala?
Naalala mo pa yung mga araw na tayo'y magkasama?
Oo, hindi buong araw pero sa loob ng ating silid-paaralan.
Naalala mo pa ba yung mga araw na tayo'y sabay na tumatawa?
Tumatawa,
Tumatawa sa mga jokes na corni't masaya.
Tumatawa sa mga kalokohang ating nagawa.
Muli aki'y kitang tinatanong,
Naalala mo pa ba?

Naalala mo pa ba
nung ika'y aking binigyang halaga?
Oo malamang hindi mo iyon maaalala,
Kasi hindi mo pala iyon nalalaman pa.
Naalala mo pa ba
Nung ika'y aking binigyan ng letra?
Letrang hindi basta-basta,
Kasi oo nga pala,
Liham pala siya't hindi letra.

Kasi,
Alam mo ba?
Crush kita?
Oo,
Crush kita.
Hindi crush sa eroplano,
Kundi crush sa puso.
Hindi puso ng saging,
Kundi puso ng tao.
Malamang sa malamang kung naalala mo,
Itong mga linyang ito'y nandoon sa sinulat ko.
Pero sana naman kasi,
Hindi na ako nagkubli.
Bakit kasi hindi mo naintindi?
Na ikaw ang siyang aking sinasabi?
Na ikaw ang siyang aking gustong makatabi?
Na ikaw na ang lahat para sa akin DATi.
Pero dati lang iyon at hindi ngayon.
Katulad nga ng laging sinasabi mo sa akin noon,
"Past is past never come back."
Kasi hindi na kita crush.
Mahal na kasi kita.

Napakakomplikado diba?
Napakakomplikadong malaman mo na mahal kita.
Napakakomplikadong malaman mo na ang dating katabi mo lamang ay mahal ka na.
Napakakomplikadong malaman mo na nagkagusto pala sa iyo ang walang iba't nag-iisa,
Ang dating presidenteng lagi kang nililista,
Na ngayo'y nagpapapansin na lamang sa iyo sa tuwina.
Walang iba kundi ako aking sinta.

Ewan ko ba,
Ewan ko ba kung bakit,
Kasi sa tulad kong pangit,
Ba't pa ako maghahangad ng hindi kalait-lait?

Hindi ko rin naman kasi alam eh,
Hindi ko alam kasi kusang tumibok na lang bigla ang pusong sa akin.
Hindi ko namalayan,
Pero patagal nang patagal
ay mas lalo kitang minahal.

Alam ko naman kasi,
Alam ko naman kasi na malabo itong mangyari.
Na maging ikaw at ako sa bandang huli.
Alam ko naman na hindi talaga tayo magiging bagay sa isa't -isa,
Pero palagi na lang akong nababalisa,
Nababalisa sa tuwing nandiyan ka.
Iba ang nararamdaman tuwing kasama ka,
Nagkakaroon ng mga ngiti sa aking mata,
At matatamis na tuwa sa mga labi kong hindi naman mapula.
Laging bumibilis ang tibok ng aking puso sa tuwing kapiling ka.
Ewan ko ba...
Pero ako'y masaya sa tuwing tayo'y magkasama.

Patawad nga pala,
Patawarin mo ako kung lagi kong ginugulo ka.
Patawad nga pala kung nakapagsabi ako ng hindi magaganda.
Patawad kung bigla akong nag-iba.
Wala eh, alam ko na kasi na wala na talaga akong pag-asa.

Hindi naman kasi kita pinipilit,
Pero, nang hindi ko batid sa aking isip,
Ikaw na agad ang tinibok ang aking puso.
Lagi ka na ring nandito sa aking mga panaginip,
Alam kong magkakaroon ito ng sabit,
Kaya nga hindi nalang ipipilit.

Muli, bago ako magpaalam sa'yo aking sinta,
Gusto ko munang malaman mo na,
Hinding-hindi kita binalewala,
Pero ito ako ngayon nagpapaalam na.

Tibok ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon