Kaarawan

2 0 0
                                    

Maligayang Kaarawan,
Aking kaibigan.
Sana sa araw na ito'y ika'y masiyahan.
'Pagkat ito ang araw ng iyong kapanganakan.

"Maligayang kaarawan!"
Isang katagang iyong naririnig tuwing kaarawan mo.
Isang katagang marinig mo lamang ay parang buo na ang araw mo.
Yung tipong kahit ba'y wala silang regalo ay napakasaya mo,
Sapagkat naalala nila ang kaarawan mo.

Pero siyempre,
Minsan, malulungkot ka pa rin sa araw mo.
Kasi wala ang  ibang mahal mo sa buhay.
Kasi wala yung dapat na kasama mo ngayon.
Pero sinta,
Datapwat na ganoon,
Sana ikaw ay masiyahan pa rin.
Sana'y hindi mo ito makakalimutan.
Ang araw na pinagdiwang mo ang iyong kaarawan
Kasama ang iyong mga kaibigan.

Kaibigan nga ba?
Siyempre oo.
Siguro hindi mo lang nararamdaman.
Siguro rin hindi lang namin naipapakita.
Pero sana 'wag mong kalimutan na kami ay nandito lamang
At kami'y ' yong tunay na kaibigan.

Patawarin mo sana kami,
Sa tuwing inaaway ka namin.
Sa tuwing ipinapahiya ka namin.
Sa tuwing nararamdaman mo na wala ka sa grupo
Sa tuwing kinaiinisan ka namin.
Sana'y iyong patawarin na.
Pero hindi namin maipapangako na hindi na namin ito uulitin.
Datapwat na ganoon,
Sana'y lagi mong isipin na ito'y biro lang.
Masama nga lang.

Kaya aking kaibigan,
Walang sawang sasabihin sa'yo,
MALIGAYANG KAARAWAN!

Tibok ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon