Saglit

2 0 0
                                    

Ako yung nandito,
Ngunit iba yung hanap mo.
Pinili mo siya,
Pero hindi ikaw ang pinili niya.

Kailan ba darating ang araw na ako naman?
Ako naman iyong mamahalin
At bibigyan mo ng pansin?
Kailan ba darating ang araw na ako naman ang pipiliin?

Bakit palagi na lang ganito?
Ako ay nalilito.
Permanente ang nais ko,
Pero panandalian lang pala tayo.

Kung ako na lang sana ang pinili mo,
Edi sana hindi hahantong dito.
Kung ako na lang sana ang pinili mo,
Hindi ka na sana mabibigo.

Ngunit ano nga ba'ng aking magagawa?
Ako sayo'y parang wala.
Hindi kita mapipilit;
Maraming salamat na lang sa saglit.

Sa saglit nating pag-uusap
Sa saglit na napasaya kita
Maraming salamat, aking sinta
Sa saglit na nakasama kita.

Dating masasayang pagtatawanan,
Na nauuwi sa pag-aasaran.
Ang lahat ng ito'y lumipas na
Sa isang saglit na bigla na lamang nawala.

Isang saglit ng buhay kong
Napakalaki ng apekto.
Saglit na inilaan mo sa akin,
'Di ko na alam kung pa'no pababalikin.

Tibok ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon