'Di makagawa ng tula
Na ikaw ang aking paksa
'Pagkat tayo'y 'di magkatugma
Bukod pa doon ay HIGIT PA
Higit pa sa isang libong salita
Higit pa sa bawat pantig at letra
Ng mga tulang aking magagawa
Ang aking tunay na nadarama
Higit pa sa mga punong nakatanim
Higit pa sa mga buhok kong maiitim
Higit pa sa lahat ng sasabihin
Ang tibok ng puso 'pag ika'y kapiling
Higit pa sa tigas ng semento
Higit pa sa bakal o bato
Higit pa sa pinakamatigas na bagay sa mundo
Pag-ibig ko sayo'y 'di matitinag ng kahit na sino
Higit pa sa bawat patak ng ulan
Patak ng luha t'wing ika'y nasisilayang
Humihikbi, lumuluha't nasasaktan
'Pagkat iyon rin ay aking nararamdaman
Higit pa sa bukang liwayway
Ang pagbibigay mo sa akin ng kulay
Ang pagbibigay liwanag mo sa aking buhay
Buhay na sa iyo na rin iniaalay
Pilit mang pigilan ang damdamin
Ngunit ika'y 'di kayang tiisin
Kung ikaw ang nagpapasaya sa akin
Wala nang kailangan pang pigilin
Ngunit sadyang ako ay hindi malambing
Pag-ibig ko sayo'y 'di na kayang bigkasin
Kaya ibinubulong na lang sa hangin,
Umaasang sayo ay makakarating.
BINABASA MO ANG
Tibok ng Puso
PoesíaKoleksiyon ng aking mga tula patungkol sa pag-ibig (maliban sa bayan) at ibang personal na bagay sa aking buhay.
