Nawa'y patawarin ninyo ang aking ina
Kung nagpadalos-dalos man siya
Sa mga nasabi niya
Sana'y unawain ninyo siyaHindi ko ginusto na kayo'y magkagulo
Sinabi ko lang naman ang mga nalalaman ko
Na akala ko'y totoo
Patawad, nagpadalos-dalos rin ako.Akala ko'y hindi siya iimik
Akala ko, siya'y makakapag-isip
Ng tamang desisyon kung anong dapat gawin
Ngunit sumama lamang ang kaniyang saloobinPatawarin ninyo ang aking Ina
Kung sa tingin niyong away ang gusto niya
Naglabas lang siya ng loobin
Ngunit ang isipin ang iba'y 'di niya nagawang gawinPatawarin mo ako, oh aking Ina
'Pagka't 'di man kita nagawang ipaglaban sa kanila
Kung ako na itong nagpapaubaya
Na sinasabing tama nga sila.Gusto kitang ipaglaban
Gusto kong ipaglaban na wala tayong maling nagawa
Ngunit ano pa nga ba ang ating magagawa?
Mas mabuting mapanatili natin ang kapayapaan sa madla.

BINABASA MO ANG
Tibok ng Puso
PoetryKoleksiyon ng aking mga tula patungkol sa pag-ibig (maliban sa bayan) at ibang personal na bagay sa aking buhay.