Nandito Lang Ako (Para Sa'yo)

3 0 0
                                    

"Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno at ako ang demonyong gagabay sa iyo pabalik sa langit."

Isang katagang sinabi mo bago ka lumisan
Isang katagang pinaniwalaan ko at ika'y aking naibigan
Ngunit nasaan ka na?
Oo, natupad mo ang sinabi mo.
Oo, at ako'y naibalik mo sa langit.
Ngunit, bakit ganoon?
Bakit mo ako agad iniwan?
Bakit mo ako agad binitawan?
Nasaan na ang pangako mo?
Nasaan na ang pangako mong hindi mo ako iiwan?
Nasaan na ang pangako mong ako'y lagi mong babantayan?

Oo nga pala
Hindi mo nga pala ako pinangakuan.
Hindi mo nga pala sinabing hindi mo ako iiwan.
Siguro nga ako lang ang itong nagpapantasya na sinabi mo yun
Siguro nga ako lang ang itong nagpapantasya na mahal mo rin ako.
Ako nga lang pala ang nagmamahal sa'yo.

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo."
Isang katagang sikat na sa lahat.
Isang katagang masakit para sa iba.
Isang katagang winiwika ng mga taong nasaktan at umasa.
Isang katagang saka ko lamang napagtanto
Pero may tanong pa rin sa aking isipan,
Bakit nga ba hindi naging tayo?
Bakit nga ba hindi ko nasabi sa iyo?
Na mahal na mahal kita higit pa sa akala mo.
Bakit nga ba sobrang bilis ng pangyayari?
Dahil ba'y hindi talaga tayo tinadhana?
Ano iyon, pinagtagpo pero hindi tinadhana?
Sapat ba itong dahilan para hindi ko maamin sa iyo
ang tinatago kong damdamin para sa iyo?
Sapat nga ba itong dahilan para hindi maging tayo?

HINDI
Isang malaking hindi.
Tayo ang may kakayahan para maguhit ang ating tadhana.
At ako ang dahilan kung bakit hindi tayo nagkatuluyan.
Ako ang may sala kung bakit hindi ko nasabi sa iyo ang damdamin ko para sa iyo.
At ngayon, ako'y nalulungkot dahil sa'yo.

Ang laki ng aking pagkakamali.
Sa una pa lang, ako'y naging masama na sa iyo.
Sa una pa lang, ako'y nag-isip agad ng masama sa iyo.
Hindi ko man lang nakita ang iyong ginawang tama.
Ako'y naging bulag sa mga ginawa mo para lang sa akin.
Tapos ngayo'y lumisan ka na, saka lang kita hahanapin?
Anong klaseng anghel ako?!
Mukhang mas anghel ka pa nga ata kaysa sa akin.

Sa'yo ko natutuhan na
Dapat tayo ay hindi manghusga
Base sa nakaraan at kung ano ang isang tao
Kasi, lahat tayo ay may kakayahang magbago.

Kaya aking sinta, sana ay iyong patawarin na.
Sana ako'y pagbigyan
Sana ako'y iyong balikan.
Maghihintay ako hanggang sa ikaw ay dumating
Maghihintay ako,
Maghihintay ako kahit ilang taon, ilang dekada pa 'yan.
Maghihintay ako hanggang sa tamang panahon
Kaya aking sinta, NANDITO LANG AKO.

Tibok ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon