Chapter 10

101K 4.5K 8.4K
                                    

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet/post about this story. You may also tag me @cailameneses on twitter and instagram.

Chapter 10

Date

I suddenly felt something inside my stomach... Butterflies? I'm not quite sure. Pinigilan ko agad ang sarili dahil kilala ko si Jax and his stupid banats!

"Date?" I confirmed if I heard it right.

"F-Friendly date, I mean!" He was so quick to nudge.

"Friendly date?" ulit ko pa sa kanya.

"Oo, friendly date! Tayong dalawa, magkaibigan tayo. Lalabas tayo bilang magkaibigan..." he tried to explain.

Gusto kong madalok sa ilang beses niyang pagbanggit sa salitang 'magkaibigan'... Yeah, right!

"Lalabas tayo? Anong gagawin?" I asked, wanting him to elaborate it.

Malay ko ba kung anong klaseng friendly date ang gagawin namin! At least, I would know!

"Magkakainan!" sagot niya.

Naningkit ang mga mata ko. "W-What?!"

Kitang-kita ko agad ang pag-aalala sa kanyang mukha. Nahihiya siyang ngumiti at napakamot sa kanyang batok. "Pangit pala pakinggan... Erase! Erase! Basta sa Saturday, labas lang, friendly kainan ay este date!"

Natawa ako sa kanya at binuksan na ang kwarto ko. "Sige na... Pero magpapaalam muna ako sa parents ko," I said and entered my room leaving him there.

My Mom and Dad allows me to go out during weekends as long as I have body guards with me. I have no problem with that at all because I know the risk and the trouble there is.

Ang problema lang, it just didn't sit well if I said I'll go out with a guy for a friendly date! I need to think of a reason without lying! I don't want to lie!

To be honest, I am looking forward to that Friendly Date. I'll wear a cute dress!

It's Friday today and Jax is suddenly so freaking busy. Bukod sa magtitinda raw ulit siya after class doon sa Food Bazaar, pumasok siyang may bayong na dala at ino-offeran kami ng ballpen na may nahihilang kalendaryo sa loob!

"Pasok mga suki, presyong Divisoria..." kumakanta pa si Jax habang ibinabalandra sa amin iyong bayong.

"Ang taba naman, bro! Wala bang 0.3?" reklamo ni Theo doon sa ballpen.

"Kaya puro tres lang din grades mo, eh! Bumili ka na nito, baka maging Top 1 ka next sem," pilit pa ni Jax.

Natawa naman ako roon. So, tingin niya sales man na siya niyan?

"Sige na, bili na kayo! Fifty pesos lang, eh, dadamot!" hirit niya pa sa amin dito sa Greenhouse.

Pinapakita niya pa iyong calendar sa loob at ipinagmamalaking malupit iyon.

"Is this for a cause?" Xuri asked while scanning the pens.

"Need lang ng cash," Jax said and shyly scratched his head.

Natahimik kaming lahat. Everyone got at least two pens. Sampu na ang kinuha ko dahil baka ginagawa 'to ni Jax para sa pang friendly date namin bukas! Nakakahiya na ako pa ang dahilan kaya kailangan niya ng sideline!

"Wow, Cali! Supportive!" Gelo teased.

I rolled my eyes. "I need pens kaya!" pagdadahilan ko.

"Tumigil ka! Nakita ko 'yung Parker Jotter Pens mo, ang dami!" pang lalaglag pa ni Xuri.

Sapphire Academy: School of NoblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon