C3. Welcome Back!

16 7 0
                                    

Year 2039

At Trinity College in Dublin.

*Krieeeeeeeeeng!"

Malakas na tunog ng bell hudyat para sa pagtatapos ng klase ng mga studyante ng Trinity.

"Ok class pakioff na yung computer nyo, yung mga keyboard nyo make sure walang maiiwan dito ok? Ok class dismiss," pagtatapos ng klase ng kanilang professor.

At nag kanya kanya ng labasan ang mga mag-aaral ng Trinity sa kani-kanilang mga classroom. At sa labas ay ang kani-kanilang mga naghihintay na sundo.

"Kiesshia!"sigaw ng isang babae mula sa malayo dahilan para mapalingon si Kiesshia.

****************
*Meet Kesshia Kilgore,18 years is a college student in Trinity College. Naninirahan sa isang malayong bayan ng Abington.lsa siyang matalinong studyante ng Trinity kaya nakakuha siya ng scholarship mula sa pinapasukan niyang paaralan at sa gobyerno.
****************

Paglingon niya sa likuran ay nakita niya ang dalawang kaibigang kambal na sina Xhzylies at Xhzyrah.

"Uy! Kiesshia uuwi ka na?"agad na tanong ni Xhzyrah.

"Oo e may home study pa ako e "ani Kiesshia.

"Tamang tama meron din kami, pwede ba kami sa bahay niyo?" sambit ni Xhzylies.

"Oo naman,ano tara na?" pagpayag nito sa mga kaibigan.

Kasabay nun ay ang pagdating ng sundo ni Kiesshia.

At sumakay na ang magkakaibigan sa kotse nila Kiesshia. Malayo rin ang bahay niya sa Trinity kaya ilang oras pa ang byahe nila papunta sa Abington.

Pag dating sa bahay ay dineretso na agad ng dad ni Kiesshia ang kotse sa garahe ng bahay nila.

Mabait ang mga magulang ni Kiesshia kaya kapag may homes study o research sila ay lagi nilang ginagawa ito sa bahay nila Kiesahia.

Pagpasok ng tatlo sa pinto napansin agad sila ng mama ni Kiesshia.

"Hi 'ma?" bungad na bati nito sa ina. At agad na lumapit at humalik sa ina.

"O Kisshia nandiyan ka na pala at kasama mo pala ang kamabal," sambit nito

"Oo 'ma, may home study po kami kaya sinama ko na sila," tugon naman ni Kiesshia

"Hello po tita," sabay na bati ng kambal. Name may mabilis na kaway. At lumapit din sabay beso.

"Tamang tama nagluto ako ng marami kaya dito na kayo kumain," alok ng mama ni Kisshia.

"O sige na 'ma akyat na kami sa taas," ani kiesshia.

"Ok,tawagin ko na lang kayo pag kakain na," sambit nito at ipinag-patuloy na nito ang pagluluto.

At umakyat na ang tatlo sa kwarto ni Kiesshia dala ang mga gamit nito. Agad nilabas ng tatlo ang mga gagamitin nila sa home study kasama na ang gagamitin nilang sariling laptop. At agad na nitong sinimulan ng tatlo. Bakas ang katahimikan sa tatlo dahil abala ang mga ito sa kanilang mga ginagawa.

Flashback.

At nakaland na ang famliy Byrne sa NASA corporation sa US ,kasama ang anak nilang si Nicky. Sinalubong agad sila ng media dahil sa pagbabalik ng mga ito. Ngunit kailangan na nilang mai-turnover si Nicky sa NASA lab community center para mamalagi ng isang araw para masanay sya sa atmospera ng earth.

Matapos ang isang araw ay nakauwi na sila sa sariling bahay. Malaki ang pinagbago ng bahay nila 'di tulad ng dati. Gusto nilang maging katulad ito ng kung ano ang nakasanayan ni Nicky sa dome. Dahil para 'di malayo ito sa kaniyang kinagisnan gawi sa mars.

I Am Falling In Love with a MartianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon