7:00 am.
Family Byrne's House in Abington near in Links Abington.
Sa kwarto ni Nicky, maagang nagising ang binata dahil sa narinig na ingay mula sa labas. Kaya agad niyang nilisan ang higaan at binuksan ang bintana. Nakita niya muli ang mga kababaihan na masayang nag jo-jogging.
Habang nakasilip sa bintana biglang humangin. Masarap na pakiramdam ang naramdaman ni Nicky kaya napapikit siya na nilalanghap ito. Pagkatapos ay muling umupo ito sa harapan ng mga computer niya. Pagbukas niya dito bigla na lang itong tumunog hugyat na may message siya mula sa ibang tao. Clinick niya ang message at kaniyang nabasa ang minsahe.
"Message: Hey yeah?"
Napangiti si Nicky sa nabasang minsahe kaya nagpadala din siya ng minsahe dito.
"Yes?"
Send.
Na agad din namang nag reply sa minsahe niya.
"Kamusta?"
Napaisip si Nicky kung anong ibig sabihin ng minsaheng iyon. Clinick niya ang word at tiningnan ang kahulugan.
Voice System.
*Kamusta, salitang pagbati mula sa ibang tao,maaring kaibigan,kapamilya,o iba pa na nais alamin ang iyong kalagayan.Muling nagbigay ng ngiti kay Nicky ang salitang kamusta na bagong kaalaman na kaniyang natutunan.
Kaya walang alinlangan niya itong sinagot."Good"
send.
Nang mai-send niya ay in-off na niya ang computer. Dahil 'di naman niya alam na pwede pa lang makipagusap ng matagal dun. (Weird talaga ni Nicky.)
Kaya naisipan ng bumababa ni Nicky. Pagdating niya ng kitchen ay napansin niya ang freezer sa isang tabi na wala sa mars. Kaniya itong nilapitan at tiningnan habang nakahawak sa baba na tila may iniisip. Mayamaya naisipan niyang buksan ito at bumungad sa kaniya ang mga laman nito.
Isang tetra pack juice ang kaniyang nakita kaya agad niya itong kinuha. lsinarado niya ang freezer at dinala niya ang tetra pack juice sa dining table. Kaniya itong sinalin sa baso at ininom. Nagustuhan niya ang lasa nito kaya kumuha pa siya ng dalawa sa freezer at nilagok ito. Nakatatlong tetra pack siya ng juice at umayaw na siya. Dahil sa marami siyang nainom ay bigla na lang siyang sininok, habang naglalakad siya patungong sala.
Sa paglalakad niya patungong sala ay naabutan niya ang kaniyang ina na nakaupo dito
"Goodmorning hik! mom," sinok na bati ni Nicky sa ina.
Nagulat ang kaniyang ina ng mapansin ang anak na sinok ng sinok.
"Nicky? anong nangyaari sayo?" takang tanong nito
"Hik! wala naman hik! mom," ani Nicky.
Agad pumasok si Jane sa loob ng bahay at nag tungo ito sa kitchen ng makita ang tatlong tetra pack juice sa mesa.
"Nicky? bakit mo ininom lahat yun?" takang tanong nito kay nicky.
"Mom nauhaw hik! ako e kaya naghanap hik! ako ng maiinom," ani ni Nicky.
Napangiti ang ina ni nicky dahil sinok ng sinok ang anak .Natawa na lang ang dalawa sa nangyari at hinintay na lang na mawala ang mga juice na nainom niya sa kaniyang tiyan.
Sa muling pagkakataon ay nagpaalam na ito para bumalik ng kwarto.
"Mom sa kwarto muna ako," ani Nicky.
"O sige anak tawagin na lang kita pag kakain na," wika ng ina.
At muling bumalik si Nicky sa kaniyang kwarto. Dahil doon lang niya inuubos ang buong oras niya sa kwarto. Habang nakahiga lang si Nicky ay naisip niya bigla na nadala pala niya ang kaniyang SUSB. Kaya kaniyang hinalungkat ang mga box sa kwarto niya hanggang sa matagpuan niya ito.
BINABASA MO ANG
I Am Falling In Love with a Martian
FanfictionEarth,is the only planet in the universe na sinsabing dito lang pwedeng manirahan ang mga tao.Dahil ang planetang ito'y may gravity at oxygen na wala sa ibang planeta kung meron man hindi ito sapat para mabuhay dito ang isang tao.But is it possible...