Malahide Beach.
Its already 6:00 am in the morning.
Nagising na lang si Nicky sa gan'ung posisyon. Na nakabalagbag habang nakalawit ang paa sa kama
Narinig na kasi niya ang mga alon mula sa dagat. Pati na rin ang mga huni ng ibon para maghanap ng makakain sa tabi ng dalampasigan.Agad bumangon si Nicky at saglit na naupo sa kama. Naghikab at nag unat muna ito. Bago maisipang magpalit ng damit at pantalon. Sa pagkakataon iyon nagpalit ng itim na damit si Nicky at hawiian short. Sinunod niya rin ang bilin ng ina na maglagay ng pamproteksyon bago lumabas.
Matapos magpalit ay nilisan na nito ang kwarto niya. Napansin nito ang tsinelas sa tabi ng pinto kaya isinuot niya ito at tumambay sa balkonahe. Muli siyang naupo dito at nanatiling nakatanaw sa dalampasigan.
Konte pa lang ang tao sa beach kaya medyo tahimik pa.
Nagising ang ina ni Nicky at napansin nito ang anak sa balkonahe. Napansin rin nito ang suot ni Nicky kaya napangiti ito.
"Mukang nagustuhan niya yung short," ngiting sambit nito at nagtungo sa kusina para mag timpla ng kape.
Sumunod na ring nagising ang asawa nitong si Franklin.
"Morning love," ani Jane.
"Morning love," wika nito sabay halik nito sa asawa.
"Kamusta tulog?" ani Jane
"Mahimbing,katabi kita e," lambing nito.
"Hehe ikaw talaga, magkape ka na. Pinagtimpla na kita," alok nito sa asawa.
"Thanks love,"
"Bigay mo na rin ito sa anak mo,para mainitan," sambit ni Jane.
Dala ang mug na may kape ay lumapit ito sa anak.
"Good morning Nicky," bati nito sa anak.
"O dad gising ka na pala,good morning din po," tugon nito sa ama.
At inabot nito ang mug na may kape.
"Ang aga mo nagising ah," wika nito.
"Aga ko na nga rin po makatulog,dala na rin po siguro ng pagod ko kahapon," ani Nicky.
"Oo nga e,'di ka na namin ginising ng mommy mo dahil alam naming napagod ka," wika nito.
Napangiti na lang si Nicky sa ama. At napansin ng ama ang suot nitong short.
"Buti nagustuhan mo yung short na bigay ng mommy mo," sambit nito.
"Ang cool kasi e, sa mars po kasi lagi lang tayong naka black and white suit," ani Nicky.
"O naglagay ka ba ng pinapalagay sayo ng mommy mo? lm sure tatanungin ka n'un mamaya," wika ng ama.
"Oo dad, 'di ko naman nakakalimutan yun e," sambit nito sa ama.
"Ah,nga pala may ibibiigay ako sayo. Sandali lang kukunin ko. 'Di ko nabigay kagabi kasi nakatulog ka na e," sambit bito.
At nag tungo ito sa kwarto na may kukuning bagay. Mayamaya ay bumalik ito namay ngiti sa mukha. Dala nito ang isang maliit na kahon. Agad nitong inabot sa anak.
"Ano ito dad?" takang tanong ni Nicky.
"Buksan mo," tugon nito sa anak.
At agad binuksan ni Nicky ang kahon. Isang silver na kwintas na may pendant na 'N' ang nakita ni Nicky.
"Ano to dad?" takang wika ni Nicky.
"Hahahaha, oo nga pala wala niyan sa mars. Ang tawag diyan kwintas.Isang palamuti yan ng mga tao dito, sa kanilang katawan. Dagdag pogi yan anak pag suot mo. Subukan mo isuot." Sambit nito sa anak.
BINABASA MO ANG
I Am Falling In Love with a Martian
FanfictionEarth,is the only planet in the universe na sinsabing dito lang pwedeng manirahan ang mga tao.Dahil ang planetang ito'y may gravity at oxygen na wala sa ibang planeta kung meron man hindi ito sapat para mabuhay dito ang isang tao.But is it possible...