Family Byrne's House in Abington near in Links Abington.
Sa ground space ng bahay nila sa harap.Tanging si Nicky at ang isang babae ang naroon. Hawak- hawak ito ng binata sa bewang at ang kanang kamay ay sa kanang kamay din ng babae.
Tila maikot nila ang ang paligid habang tinuturan siya nitong sumayaw. Nag hire kasi ang dad niya ng magtuturo ng basic step kay Nicky. Dahil habang wala pang awarding ay magkakaroon muna ng moment kung saan isasayaw ng mga lalaki ang kanilang mga date.
"Ok 1...2...3 step 1...2...3 step 1...2..3 step," pagtuturo nito sa binata. Na talagang bihasang-bihasa sa kaniyang ginagawa.
Samantalang si Nicky naman ay nakatugo lamang at nakatingin sa bawat paghakbang ng kaniyang mga paa. At kinakabisado ang bawat bilang.
Sandaling natahimik ang pagsasalita ng babae ng sumingit ang ina ng binata.
"Break time muna. Mag meryenda na muna kayo," alok nito sa dalawa. Dala-dala ang isang pitchel ng lemon juice at caramel cake.
"O sige Nicky magpahinga ka muna," utos nito sa pagod ng binata.
At naupo muna ang babae sa mini table ng family byrne sa harap. Habang kausap nito ang ina ni Nicky. Si Nicky naman ay pumasok sa loob para mag patuyo ng pawis.
"Natutuwa ako ma'am dahil sa lahat ng tinuruan ko siya lang ang mabilis matuto," ngiting papuri ng babae.
"Hehe ganiyan talaga siya. Bata pa lang yan ay mabilis na siya matuto, basta turuan," saad na pagmamalaki ni Jane.
"Ayus po yan. O paano po mauna na ako," paalam ng babae na nakailang lagok lamang ng juice.
"O sige salamat,maiingat ka," pakli ni Jane.
"Salamat din po ma'am," sambit ng babae at umalis na ito.
Sa kwarto naman ng binata ay bakas ang mga butil ng tubig nito sa katawan. Halata na kakatapos lang nito na maligo. Muli itong naupo sa harap ng kaniyang computer. Ng biglang kumatok ang ama nito.
(Tok tok tok tok.)
Katok mula sa pinto ng kwarto ni Nicky.
"O dad ikaw pala?"
"Hehe oo may bibigay lang ako sayo," ngiting anas ng ama.
"Ano yan dad?"
At inabot nito ang isang kahon. Kung saan naglalaman ito ng isang cellphone.
"Wow dad cellphone ba ito?" ngiting tanong ni Nicky.
"Oo hehe alam kong gusto mong magkaroon niyan. Kahit 'di mo sabihin anak alam ko at nakikita ko sayo," saad ng ama nito.
"Hehehe thanks dad,"
"Kaya mo na ba yan?" sambit nito sa anak.
"Hehe oo naman dad ako pa ba?" pagyayabang nito.
"Kumusta naman yung pag-pa-practice mo?"saad nito.
"Ok naman dad," tugon nito.
"Sigurado sinaglit mo lang yung mga step," wika ng ama nito.
"Medyo mahirap din po ang hirap nakakangalay," reklamo ni Nicky.
"Ok lang yun nakuha mo naman e,"
Napangiti naman ang ama nito at ginulo ang buhok ng anak.
"O sige anak sa labas muna ako. Basta magpahinga ka para mamaya," anas ng ama nito.
"Sige dad,"
At lumabas na ito ng kwarto ni Nicky. Bumalik naman ito sa harap ng mga coputer nito. Nakangiti lang ito habang hawak ang bagong cellphone. Nag online ito at nakitang online din si Kiesshia.
BINABASA MO ANG
I Am Falling In Love with a Martian
FanfictionEarth,is the only planet in the universe na sinsabing dito lang pwedeng manirahan ang mga tao.Dahil ang planetang ito'y may gravity at oxygen na wala sa ibang planeta kung meron man hindi ito sapat para mabuhay dito ang isang tao.But is it possible...