CHAPTER 5:CAN WE BE FRIENDS

96 13 0
                                    

Jungkook's POV

Hinatid ko muna si noona sa bahay nila tsaka pumunta sa company namin.

Alam kong papagalitan ako ni Pd-nim kung makita nya ako, pero okay lang. Atleast, nakasama ko naman si noona sa araw na to. Mas mabuti siguro kung palihim ko nalang syang mamahalin kesa magtapat pa ako ng nararamdaman ko. Ganon din naman e, hindi nya padin ako mamahalin kahit magtapat ako sakanya. Napapangiti nalang ako ng naaalala ko ang mga ginagawa naming kagaguhan kanina.

Flashback:

"Noona bili tayo ng ice cream!"yaya ko sakanya.

Tumango naman sya at pumunta na kami sa vendor ng ice cream.

"Hyung, dalawa nga pong chocolate."sabi ko sa vendor sabay abot ng 200 pesos sa bulsa ko.

Pagkatapos naming bumili ng ice cream, umupo muna kami sa mini bench sa may park.

Habang nakain sya ng ice cream, pinahidan ko sya ng kaunting ice cream sa ilong nya.

"Jungkook?!"natatawang sabi nya at ginantihan nya din ako pero sa pisngi ko naman.

Hanggang sa nagharutan na kami. Nagkikilitian kami pareho hanggang sa mapagod kami. Sobrang saya ng araw ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

End of flashback:

Pagpasok ko sa dorm, bumugad agad saakin sila hyung. Mga naka poker face silang lahat.

"Jungkook saan ka galing?"malamig na tanong saakin ni namjoon hyung.

"Ah... Hyung sinamahan ko lang si Seohyun noona sa mall."nakatungong sagot ko.

"Bakit hindi ka nagpaalam saamin?"tanong naman ni V hyung.

Hindi ako sumagot.

"Hindi ka den pumunta sa rehearsal kanina."sabi ni Jimin hyung.

"Sorry talaga mga hyung, hindi na mauulit to. Sinamahan ko lang talaga si noona sa mall kasi wala syang kasama."

"Pano na to ngayon? Pano ka haharap kay Pd-nim nyan, kanina bad mood sya kasi hindi ka daw pumunta sa rehearsal kanina."sabi naman ni Jin hyung.

"Sigurado akong ipapunish ka non bukas."ani Suga hyung.

"Papaglinisin ka ata sa buong company."saad naman ni hobi hyung.

"Wag nyo na ngang takutin si Kookie, tara matulog na tayo at maaga pa tayo bukas."sabi ni namjoon hyung saamin.

Pumunta naman kami sa Kanya Kanya naming kwarto.

Oo nga pala, mag tetext muna ako kay noona. Sana hindi pa sya tulog, 8:33 pa lang naman e.

Nag exchange kasi kami ng number kanina, incase daw na may emergency dito sa bighit matatawagan nya daw ako. Kaya ayun, binigay ko naman. Aarte pa ba ako, biyaya kaya yon.

Ako: Noona, tulog kana ba?

Naseen naman nya agad.

Noona:Hindi pa naman, bakit hindi ka paba inaantok?

Ako:Hindi pa e, pinagalitan ako nila hyung.

Noona:Sabi kona nga ba e, ayaw mo kasing makinig saakin. Ayan tuloy napagalitan ka pa dahil saakin.

Ako: Okay lang yon noona, atleast nakapag bonding naman tayo.

Noona:Oo nga e, sana maulit pa yon.

Agad namang bumilis yung tibok ng puso ko. So gusto nya maulit pa yon? Kenekeleg eke enebe!

Hindi ko napansin na ngumingiti na pala ako habang nakatutok sa cellphone ko.

Second Chance |BTS Fanfiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon