CHAPTER 22

90 7 2
                                    

Nandito kami ngayon sa pinaka malapit na Beach sa Paris.

(tinatamad akong mag search ng mga Beach sa Paris. Hehe sorry, tamad ang othor nyo)

Ano bayan, hindi ako nakapag dala ng swimsuit ko. Sabi nila manager hyung
na mag swi swimming daw kami para masulit namin dito pero mukhang hindi ako makakaligo. Wala akong swimsuit e.

Pero itong si Jiyoung, handang handa na. Parang gusto nya nga lang mag swimming e, hindi inisip yun trabaho.

Nandito ako ngayon at hinahanda ang mga gamit ni Taehyung.

Yung outfit nya ngayon is yung gumamela red Hawaii shirt at shorts na hanggang tuhod at yung pang beach na sumbrero.

"Taehyung ito na yung susuotin mo, bilisan mo lang dahil mag sisimula na kayo."sabi ko sakanya pero hindi nya ako pinansin.

Sigurado akong galit parin sya saakin dahil kahapon. Tanggap ko naman, si Jiyoung naman talaga ang kakampihan nya.

Iniwan ko nalang yung damit nya sa lamesa at pumunta sa labas para makalanghap ng hangin.

Ang init don sa loob, di ako nakakahinga.

Ang ganda talaga ng view dito.

Sayang, gusto ko talaga sana mag swimming pero dahil wala nga akong dalang swimsuit o kahit anong pang langoy dyan, tatahimik nalang ako sa santabi.

Bumalik na ako sa pwesto nila at bihis na si Taehyung at kausap nya ngayon si Jiyoung habang tawa ng tawa.

Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta nalang kela unnie.

"Unnie, mag swi swimming kayo?"tanong ko kay Hyejin unnie.

"Oo, angganda dun oh."sabi nya habang naka nguso at tinuturo yung dagat.

Tumango tango nalang ako.

"Ikaw noona, dika ba maliligo pagkatapos ng run bts namin?"tanong naman ni Jungkook.

"Hindi, wala naman akong dalang swimsuit."

"Meron don sa labas nag titinda nung mga swimsuit."sabi naman ni Chae unnie.

Bibili nalang ako. Gusto ko talaga makaligo e.

"Meron naman pala dyan, maligo kana noona. 3 days nalang tayo dito, dimo pa maeenjoy."

"Sige pero nahihiya ako e, hindi naman ako mahilig mag labas ng balat."

"Kaya yung bibilhin mo noona, yung hindi kita yung legs."natawa naman ako sa sinabi ni Jungkook.

May swimsuit ba na hindi kita ang legs?

"Bobo lang jungkook? May swimsuit ba na hindi nakikita yung legs?"sabi naman ni In-ha unnie sakanya.

"Edi ako na bobo."inirapan lang nya si unnie at umalis sa harapan namin.

Kawawang bata, laging talunan.

Nagsimula na ang run bts nila at kami nila unnie, pinapanood lang sila.

Natatawa ako kay Jin, parang tanga yung facial expression HAHAHAHA.

~~~

Natapos na din ang run bts nila at napagdisisyunan na namin na bumili ng swimsuit don sa labas.

"Ano kayang magandang color?"tanong ko sa sarili ko habang tumitingin sa mga swimsuit.

"Ito kayang off shoulder and high waist swimsuit?"pinakita saakin ni unnie Hyejin yung swimsuit.

Maganda naman kaso diko keri yung iksi, para kulang nalang maging panty na yung pang baba.

"Wag yan unnie, ang iksi naman masyado."sabi ko at tumingin pa sa ibang style.

Second Chance |BTS Fanfiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon