CHAPTER 16:JIYOUNG IS BACK

85 9 0
                                        


Maaga akong nagising ngayon dahil may fan meeting nga ang bangtan.

Ginawa kona ang mga morning rituals ko at nagluto para sa almusal ni namin ni Chul.

Tumawag din sila eomma kagabi, uuwi daw sila dito ngayon.

Tuwang tuwa si Chul dahil uuwi na sila eomma galing gwanju, pero ako. Hindi ako natutuwa. Dapat hindi na sila umuwi, Diba mas priority naman nila yung trabaho nila?

Tapos na akong maligo at kumain, nag reretouch nalang ako ng kaunti at nagpapatuyo ng buhok.

6:15 daw kasi dapat nandon na kasi aayusan pa daw sila. Sigurado din naman akong dadating na yung sinasabi ni unnie na make up artist ni Taehyung at wala akong gagawin don kundi ihanda lang yung susuotin nya.

"Chul gising na dyan, may pasok kapa. Pupunta na ako sa trabaho ko ha? Nandon na yung breakfast mo, kumain ka nalang. Ilolock mo din tong gate pag aalis kana ah, una na ako."sabi ko at bumeso sya saakin.

~~~

Nandito na ako sa backstage at hinahanda ang mga kailangan ni Taehyung.

"Beh, pakilagyan nga ng tubig tong tumbler ni Jungkook. Busy pa ako dito."utos ni In-ha unnie kaya sinunod ko.

Kinuha ko yung tumbler na nakapatong sa lamesa at nagtungo malapit sa tapat ng pasukan dito sa backstage.

Liliko na sana ako para bumalik kela unnie ng may bumangga saaking pamilyar na babae.

Ngayon, parehas na kaming basa ng tubig.

"Ano ba----, ikaw nanaman?!"galit na tanong nya.

Teka....sya yung babae kahapon Diba? Yung nakabangga ko sa grocery! Ang liit nga naman ng mundo noh!

"I-ikaw yung sa grocery diba?"takang tanong ko sakanya.

"Definitely yes!"tinarayan nya ako tsaka pumunta sa loob.

Nagmistula akong statuwa ng talikuran nya ako.

Teka ang gulo! Ano namang ginagawa nya dito? Wag nyang sabihin mag mamake up artist din sya dito?

Pumunta narin ako don dahil ibibigay ko pa to kay unnie.

Pagbalik ko don, masaya nyang kausap si Taehyung habang mini-make up nya ito.

Hindi kaya... Sya yung sinasabi ni unnie saakin kahapon?

Since nandyan naman na sya, edi wala na akong gagawin.

Tumulong nalang ako kela Chae unnie kung may mga inuutos sila.

"Ahh Taehyung, bagong private assistant mo ba sya?"mahinang tanong nya kay Taehyung habang nakatingin saakin.

Binulong pa, ang lakas naman ng boses.

"Ah oo, sya si Seohyun."sagot naman ni Taehyung sakanya.

Tumango tango naman sya at inirapan ako.

Nakakailang irap na sya saakin, nakakairita din ha?

Syempre inirapan ko din sya ng bongga. Kala nya sya lang marunong umirap ha?!

Natapos na sya sa pag mamake up kay Taehyung at kukunin kona sana yung gagamitin ni Taehyung na damit ng maunahan nya ako.

"Ito ba susuotin mo?"malandi nyang tanong habang inaabot nya kay Taehyung damit kaya napairap ako.

Tumango naman si Taehyung at pumunta na agad sa mini room nila para magbihis. Nagulat ako ng sumunod din sya.

Lah! Gawain naba ng makeup artist ang sumunod sa mina makeupan nya?? Ibang klase talaga! Edi sana hindi na ako nag apply ng gantong trabaho kung gawain nya din pala yon.

"Huy, nakatitig ka dyan? Sabi ko na sayo, hindi mo kakayanin yung ugali ng babaita na yan."bulong ni Hyejin unnie saakin kaya napaharap ako sakanya.

"Grabe unnie, ang bait nya pramis!"pilosopong sabi ko.

Natawa nalang si unnie sa sinabi ko.

Ako na mismo ang nakatuklas sa totoo nyang ugali. At hindi talaga nagkakamali sila unnie, talagang ampanget ng attitude nya. Akala mo naman kung sino, makeup artist lang naman!

Since sya naman yung gumawa lahat, lalabas nalang ako kesa mag tambay lang ako dito.

Atleast don sa labas, makakagawa ako ng mga trabaho ko ng walang umaagaw sa pwesto ko.

Ihh! Nakakainis naman kasi. Nakakasama ng loob! Ako yung assistant e! Pero bakit sya yung gumagawa non? Ito namang si Taehyung pinapabayaan lang! Ganon ba talaga yung turing nya sa babaeng yon? Nakakatampo din e.

Ilang minuto pa, nagsimula na yung fan meeting nila.

Hindi naman masyadong marami ang pumuntang mga fans kaya hindi din kami mahihirapang mag assist.

Pumunta muna ako sa backstage para magpahinga, hindi ko naman akalaing mas nakakapagod pala kapag sa labas. Andaming makukulit na fans!

Edi sana tagahawi nalang ako ng mga fans, kinareer na talaga ng babaeng yon yung trabaho ko e.

Kung minamalas ka nga naman! Dumagdag pa na nagtext si Chul, dumating na daw sila eomma. Eh anong pake ko? Umuwi pa talaga sila!

Naka upo lang kami dito nila unnie dahil sabi ni manager hyung magpahinga na daw muna kami.

Buti nalang talaga, bahala yung babaeng yon hindi magkanda ugaga sa mga fans na makukulit.

"Woah, Kapagod! Ang kukulit ng mga army!"sigaw ni Hyejin unnie.

"Kaya nga, ang kukulit nila!"

"Pero, kaya mo pa ba?"pag iba nya ng topic.

"Ako kaya ko pa? Ang alen unnie?"Pag mamaang maangan ko.

Alam ko namang yung babaeng yon ang tinutukoy ni Hyejin unnie.

"Edi sino pa, yung babaeng pumapapel sa trabaho mo."

"Wala akong pakealam don unnie. Kung gusto nya nga ipapasa ko nalang sakanya yung trabaho ko."

"Sabi ko sayo e. Bagong kita palang kayo ang panget na ng trato sayo, pano pa kaya kung matagal na kayong makasama. Lalong lalo na na magkakasama kayong tatlo ni Taehyung kapag may mga concerts at fan meetings."

"Change topic na nga unnie, wag na nating pag usapan yung babaeng yon."reklamo ko.

Pero ano kayang pangalan nya? Hayaan na nga, malalaman ko din naman yan sa susunod na araw.

Nagpahinga nalang kami nila unnie.

~~~

"Hoy kung sino ka man! Gumising ka nga dyan, hindi mo to bahay para matulog ka ng mahimbing!"sabi ng boses babae sa harapan ko.

Iminulat ko ang mata ko at nagsimula akong mainis ng malaman kong sya pala yung gumising saakin.

"Sorry, nakatulog lang ako."lalakad na sana ako ng bigla nya akong itulak kaya napa upo ako sa hinihigaan ko kanina.

"Hindi pa tayo tapos mag usap. Ikaw ha, wag na wag mong lalandiin si Taehyung. Dahil unang una, assistant ka lang. At balita ko, baguhan ka palang dito. Wag na wag mong lalandiin si Taehyung lalong lalo na pag sa harapan ko, kundi ako makakalaban mo!"dinuro duro nya ako at inirapan.

Akala mo kung sino sya, at ano daw? Nilalandi ko si Taehyung? Baka sya! Ano namang karapatan nya para pagsabihan ako ng ganon? Sobra na sya! Wala naman akong ginagawang masama sakanya ah?!

-----------------------------------------------------------

Guys ano na kayang mangyayari sakanilang tatlo?

Paiiralin pa ba ni Jinyoung ang kanyang pride, o pababayaan nalang ni Seohyun na api apihin sya?

Malalaman nyo ang kasagutan kung patuloy nyong babasahin ang storya na ito.

Second Chance |BTS Fanfiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon