Taehyung's POV
Hindi talaga mag sink sa utak ko kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin kay Seohyun yung totoo kagabi.
And...we kiss. Alam kong ako ang nauna non pero hindi nya ako pinigilan o ano. Ang awkward talaaagaaa. Kailangan kong mag sorry sakanya.
Ngayon ko lang narealize sa sarili ko na hindi pa pala ako nakaka move on sakanya. Kaya pala parang may kulang, hindi ko mahanap yung sagot dahil kay Seohyun pala yon.
Paggising ko nalang, parang hinahanap hanap ko na sya.
Kaya siguro napabigla yung pagyakap ko sakanya dun sa taping.
Malapit na kaming mag comeback.
Siguro makakapag practice na ako dahil hindi naman na madami yung scenes namin ni Seohyun na kailangan itake.
And ngayon, papunta kaming school. Dun daw mag tataping ng scene ko tsaka scene ni Seohyun. Syempre mga high school palang yung role namin.
___
Nakarating na ako sa school na pag tatapingan namin.
Wala pa ulit si Seohyun. Laging late e.
Pinag suot na ako ng assistant ko ng school uniform at nilagyan nya ng konting foundation yung mukha ko at syempre yung fav kong lip balm.
Ilang oras na ang naka lipas pero wala parin si Seohyun. Nasaan na kaya yon?
"Ah Derector Lee, wala pa po ba si Seohyun?"tanong ko kay Derector Lee since nag tataka nga ko kung bakit wala pa siya.
Mag na 9:50 na wala parin sya.
"Wala pa nga e, paki text nga hijo. Mag sstart na tayo hindi pa sya nakakapag ayos."sagot nya. Siguro tinanghali nanaman ng gising yon.
Hanggang sa matagal na paghihintay namin, dumating din sya.
"Sorry po Derector Lee, sorry po talaga. Lagi nalang akong late, sorry po talaga."sabi nya at pana'y ang bow saamin.
Naka poker face lang si Derector Lee sakanya. Sino ba naman kasing di maiinip e anong oras na sya dumating.
"Kung gusto nyo po, palitan nyo nalang po ako. Okay lang naman po saakin kasi kasalanan ko din naman po."dagdag nya pa.
"Okay lang Seohyun, basta sa susunod, agahan mo ha? Madami pa kaming hahabulin na scene dahil sa kakahintay sayo."sabi ni Derect sakanya.
Nag sorry ulit sya kay Derector pati sa mga staff.
Inayusan na sya ng assistant nya pero madali lang dahil nga kulang na sa oras.
-Time skip-
Nagtake na kami ng ilang scene tas pahinga ng ilang minutes then balik ulit.
Napansin ko lang sa mukha ni Seohyun, parang ang tamlay ng mukha ny ngayon. Hindi naman sya ganyan kahapon ah. And parang naiilang sya saakin.
"Ayos ka lang? May sakit ka ba?"hinawakan ko yung noo nya pero agad naman syang umiwas.
Shit, mainit sya.
"Ah- o-okay lang ako."nauutal na sabi nya. Naiilang nga sya saakin dahil dun sa kagabi.
Aiishh, bakit ko kasi sinabi yung totoo? Edi sana hindi kami ganto ngayon. Bobo mo naman Taehyung!
Tatayo na sana sya ng bigla syang ma out of balance at agad nawalan ng malay.
"Seohyun!"sigaw ko ng pangalan nya at ginigising sya sa pagkakatumba nya.
Ano bang meron sakanya? May sakit ba sya?
BINABASA MO ANG
Second Chance |BTS Fanfiction
FanfictionBakit kasi sa dinami daming pwedeng maging assistant ni Taehyung, si Seohyun pa? Pinagtagpo ba talaga sila o nagkataon lang talaga?