Nandito na kami sa amusement park ni Taehyung. Syempre, naka mask at balot na balot ang mga mukha namin. Mahirap na, baka maissue nanaman.
"Babe, dun tayo sa gyro swing!"yaya saakin ni Taehyung pero umiling ako.
Takot ako dyan eh. Naaalala ko pa nung bata ako, nag suka ako ng matapos kaming sumakay dyan. Kaya ayoko na ulit sumakay dyan.
"Pwedeng wag na lang dyan?"tanong ko sakanya.
"Bakit? Natatakot ka?"
"Ayoko na maulit yung dati kaya hindi ako sasakay dyan."
"Ihh, sige na, sakay na tayo dyan pweeasee?"pagmamakaawa nya saakin at nag p-puppy eyes pa. Shuta ang kyut.
Hinawakan ko ang pisnge nya at pinisil ito. "Sige na po, mapilit ka masyado. Matitiis po ba kita?"nagulat nalang ako ng bigla nya ako bigyan ng peck na kiss then hinila agad yung kamay ko papunta dun sa tindahan ng ticket.
Well ano pa nga ba, namula cheeks ko haha.
Kinakabahan akong sumakay sa upuan saka kinabit yung seatbealt.
Hinawakan nya yung kamay ko dahilan para mapatingin ako sakanya. "Natatakot ka? Hindi ka mahuhulog, sasaluhin naman kita."saad nya sabay wink saakin. Hayeop talaga to magpakilig HAHAHA parang nawawala na yung takot ko tuwing nakikita ko yung mala anghel niyang ngiti.
"AaAahhHhhhh!"sigaw ko nang magsimula na yung rides. Pakshet, parang matatanggal yung kaluluwa ko. Sama mo pa yung mukha kong sigurado akong mukhang baliw neto.
Nagsisimula na din umikot paningin ko. Tangina talaga, as in mapapamura ka ng malutong. Eto na talaga yung huling sakay ko dito sa rides na to. Putcha, nakakahiya kay Taehyung kung sakaling sumuka ako dito sa amusement park.
Ng matapos na yung rides, agad kaming bumaba kasi nakakaramdam na ako na bubulwak na yung bibig ko.
Sheett, pinaka worst talaga toh!
"BwuaAa!"sinukha ko yung mga kinain ko sa plastik kasabay naman ng paghagod ni Taehyung sa likod ko.
Matapos kong isuka yung mga pagkain ko sa tyan, medyo umayos na yung paningin ko.
"Okay ka na ba?"tanong niya.
"Oo, okay na 'ko. Sabi ko kasi sayo wag na tayo sumakay diyan eh."
"Sorry na po, kain nalang tayo."hinila niya yung kamay ko papunta dun sa malapit na restaurant.
Pagka pasok namin sa restaurant, umupo na kami at umorder ng kakainin namin.
Carbonara lang yung kinuha ko then isang ice tea, ganon din daw yung kay Taehyung.
Dumating naman ng mabilis. Hindi pa talaga ako nagugutom masyado pero dahil nandito na kami, no choice ako. Alangan namang ayawan ko yung pagkain e blessings yon.
Binaba ko yung mask ko hanggang sa chin ko, syempre pano ako makaka kain kung hindi ko ibaba yung mask ko.
Naka suot naman kami ni Taehyung ng cap kaya hindi masyado kita yung mukha namin.
"Babe, ilan anak gusto mo?"muntik na ako masamid sa tanong niya.
"Andaming pwedeng itanong, ba't yan pa?"natatawang tanong ko.
"Ilan nga?"
"Pwede na yung isa,"
Mahirap kaya mag palaki ng bata noh.
"Isa lang? Ayaw mo ng madami?"natawa ako kaya napalo ko nanaman siya sa braso.
"Ba't mo ba tinatanong yang bagay na yan, hindi mo pa nga sure kung papakasalan kita."nagbago yung ekspresiyon ng mukha niya ng sabihin ko yun.
"So...hindi ka magpapakasal saakin?"malungkot na tanong niya.
"Parang tanga, syempre papakasalan kita."Lumiwanag naman yung mukha niya ng sabihin ko iyon.
A/N:Sorry kung pinag intay ko ulit kayo ng matagal. I'm not feeling well these past few days kaya hindi na ako nakakapag ud. And feeling ko din wala na akong readers, pero don't worry kasi tatapusin ko to kahit wala ng nagbabasa.
BINABASA MO ANG
Second Chance |BTS Fanfiction
FanfictionBakit kasi sa dinami daming pwedeng maging assistant ni Taehyung, si Seohyun pa? Pinagtagpo ba talaga sila o nagkataon lang talaga?
