A/N:Sorry guys dahil matagal nanaman ang aking ud dahil wala na akong maisip na maisusulat. And this chapter is puro kalandian lang ni Chul. Charot, wala na kasi akong masulat na iba. Pero don't worry, pupunuin ko yung utak ko mamaya. Woah sanaol may utak! HAHAHAHA, pero yun nga gaiz. Sana hindi nyo pagsawaan ang story na to kahit korni, patuloy nyo akong suportahan...
Jungkook's POV
Pagkatapos naming magpahangin ni noona, bumalik na kami sa company.
Naaawa ako kay noona, kung ako lang sana ang boyfriend nya hinding hindi nya nararamdaman yon.
Ewan ko kung magiging malungkot ba ako o magiging masaya.
Malungkot kasi sinaktan at iniwan sya ng boyfriend nya.
Masaya naman dahil sa wakas single na si noona at may pagkakataon na akong umamin sakanya.
Payo lang nila Namjoon hyung saakin na mas mabuti ko nalang daw isikreto ang nararamdaman ko kay noona. Gusto ko sundin sila hyung dahil sila naman ang may alam pero pinipigilan ng puso ko. Gusto kong sabihin lahat sakanya pero saan naman ako kukuha ng lakas ng loob para sabihin sakanya ang lahat? Lalo na at siguradong sigurado ako na hindi pa sya nakakamove on sa boyfriend nya.
Sinayang nya si noona! Napaka swerte nga nya dahil mahal sya ni noona at samanatalang ako, umaasang balang araw makita nya yung halaga ko.
Ilang oras pa, nakarating na kami sa company at mukhang nakatulog ata si noona sa kakaiyak. Buti nalang talaga may stock akong tissue sa kotse ko para yun ang ipang punas nya sa luha nya. Kanina pa sya hikbi ng hikbi, sabi ko iiyak nya lang lahat at bukas mawawala na yung sakit. Ayun nakatulog na sya sa kakaiyak. Pinagmasdan ko syang nakapikit.
"Ang swerte siguro ng magiging asawa mo noona."mahinang sabi ko at tinanggal na ang seat belt nya.
Magkalapit na ang mukha namin at konting galaw ko nalang ay mahahalikan kona sya.
Gusto ko sanang maramdaman yung labi nya kaso naalala kong hindi pala ako ang first kiss nya.
Napaatras ako ng bigla syang gumalaw kaya inayos ko ang upo ko.
"Nandito naba tayo? Sorry ha nakatulog ako."nahihiyang sabi nya at inayos ang mga dala nya.
"Okay lang noona, tara baba na tayo."yaya ko sakanya at bumaba naman kami.
Naghiwalay na kami ni noona ng daan nung pumasok na kami sa loob ng company.
Sya papunta sa dorm namin kasama si Hyejin noona, ako naman papunta kela hyung.
Seohyun's POV
Kasama ko si unnie papunta sa dorm ng bangtan para tulungan ako ilagay ang mga stocks nila.
"Beh alam mo ba, nabalitaan kong babalik na daw yung bruhang make up artist ng alaga mo."sabi nya saakin habang nilalagay yung mga ramen sa divider.
Talaga? Kung ganon wala na akong gagawin bukas? Ihahanda ko nalang yung mga gagamitin ni Taehyung.
May fan meeting kasi sila bukas.
"Ay talaga? Sana maging kaibigan ko din sya tulad nyo."masayang sabi ko.
"Malabong mangyare yon jusko, lahat ata ng staff dito inaaway nya, si Taehyung lang yung tanging kumakampi dyan kaya lumalaki yung ulo."
Ganon ba sya kamaldita? Pero kawawa naman sya, hindi lang ata sya masyadong napapansin kaya nya ginagawa yon.
"Oh sige na Seohyun, mauna na ako. May gagawin pa kami nila In-ha e."sabi nya at lumabas na ng dorm.
Ako nalang ang mag isa dito sa dorm at tapos ko na din naman yung inuutos ni manager hyung saakin, lalabas na ako dito.
Lumabas na ako ng dorm at dumiretso sa practice room nila, Pagkatapos din daw kasi ng fan meeting nila e mag peperform din daw sila ng mic drop kaya nag rerehears sila ngayon.
Nag practice sila ng nag practice hanggang sa makuha na nilang lahat na walang nagkakamali.
Lumapit naman si Taehyung saakin para uminom ng tubig nya. Hataw na hataw naman kasi.
Pinunasan ko din yung pawis nya at binigay ko sakanya yung mini electric fan nya para hindi sya mainitan.
"Kanina kapa pala nandito?"mahingal hingal na tanong nya saakin.
"Oo, inutusan kasi ako ni manager hyung na bumili ng mga stocks nyo kaya hindi moko nakita kanina."
Tumango tango naman sya.
"Si Chul pala, gusto ko sya makita ulit. Sana maglaro ulit kami tulad dati."
Medyo hininaan nya yung boses nya. I think parehas din kami ng gustong mangyari, ayokong malaman nila unnie na may nakaraan kami ni Taehyung. Kung sasabihin ko man sakanila, siguro hindi pa ngayon.Hindi naman na sya bata ngayon. Puro boylets na yung iniisip non.
"Maglalaro kayo? Nako wag na, hindi yon makikipag laro sayo. Puro landi iniisip non."natatawang sabi ko.
"Alam kona. Army ba sya? Padalhan ko nalang kaya sya ng mga merch?"
Mukhang maganda yung idea nya. Gustong gusto nyang magpabili ng mga official merch kayla eomma e.
"Ay oo army sya, gusto nya nga magpabili kayla and eomma ng official merch."
"Sige, si manager hyung nalang yung sasabihan ko para don."
Tumango nalang ako.
Ilang minuto pa, umuwi na sila sa dorm nila at nagpahinga. Ganon din kaming mga assistant, pinauwi kaming maaga dahil maaga din daw yung fan meeting nila.
Mag aalastres na hapon ng matapos ang trabaho namin. Pinauna nila ang bangtan at kaming mga assistant ay pinapunta pa sa venue kung saan gaganapin yung fan meeting nila.
Napag desisyunan ko na mag grocery muna dahil wala na kaming stock ng pagkain sa bahay.
Pumunta na ako sa pinagbilhan ko din kanina ng stocks ng bangtan.
Habang nag hahanap ako ng shampoo, aksidente kong nabangga yung babae.
"Ohmygod, My favorite shirt! Look at what you did!"bulyaw nya saakin habang tinitignan yung damit nya.
"S-sorry, hindi ko naman sinasadya. Sino naman kasing nagsa-----"
"Sorry? Mababalik pa ba yung totoong kulay neto pag nag sorry ka?!"
Ang arte nya naman masyado. Pwede namang labhan yan Pagkatapos.
"Ah eto oh tissue, sorry ulit sa nagawa ko."binigyan ko sya ng tissue galing sa bag ko pero hindi nya tinanggap. Aba, sumosobra na ata sya?!!
Tinignan nya ako ng masama tsaka umalis sa harapan ko.
Ang oa naman ng babaeng yon. Pwede naman kasing labhan yon, tsaka sino bang nagsabi na pwedeng magdala ng drinks dito sa grocery?
Pagkatapos non ay nagbayad na ako sa cashier and thank god dahil umalis na sya.
Pagkatapos kong magbayad ng mga pinamili ko agad akong sumakay ng taxi pauwi sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
Second Chance |BTS Fanfiction
FanfictionBakit kasi sa dinami daming pwedeng maging assistant ni Taehyung, si Seohyun pa? Pinagtagpo ba talaga sila o nagkataon lang talaga?
