Seohyun's POV
Naka handa na kaming lahat at inaantay nalang namin ang van ng mga staff, may pinuntahan pa daw kasi yung driver.
Handa narin yung bangtan, mukhang may problema din sa van nila kaya hindi pa sila nakakaalis.
Syempre excited ako ngayon dahil babalik na kami sa seoul. Excited din ako dahil finally, mag kikita kita na din kaming magkakaibigan. Uuwi silang lahat sa seoul para makapag bonding kami.
"Antagal naman ng driver, kanina pa tayo oh. Baka mahuli tayo nito sa flight natin."reklamo ni In-ha unnie habang tumitingin sa wristwatch nya.
Miss na daw nya kasi ang kambal. Kahit ako miss kona din si Chul, ano kaya pinag gagagawa non? Sana naman umuwi manlang sila mommy't daddy sa bahay kahit saglit lang.
"Guys nandito na yung van natin."sabi ng isa sa mga staff at nauna na silang lumabas bago kami.
"Hay sa wakas! Uwing uwi na ako!"walang ganang sagot ni Chae unnie tsaka nagmamadaling lumabas ng unit.
Syempre lumabas na din kami, nakita ko din ang bangtan na kakadating lang din ng van na sasakyan nila.
Pumasok na agad kami sa sasakyan at sinimulan na ng driver paandarin ang sasakyan.
~~~
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa Suvarnabhumi Airport dahil nakatulog ako.
Pinapalibutan kami ng malalaking bodyguard sa gilid namin. Nakasunod lang kami nila unnie sa bangtan habang papasok ng Suvarnabhumi Airport. Grabe, andami talagang army noh?! May mga fan girl pa na gagawin talaga ang lahat mahawakan lang ang kung ano sa bts. Tulad nalang nitong babaeng nahahampas na ako wala parin syang pakealam madampian lang ang kamay nya sa balat ng bts. Parang sumosobra na si ate ghorl ah?! Mukhang nasusugatan na ata ako nito sa braso.
Shit, nakalmot nya yung braso ko. Ang sakit non ha? Pinababayaan ko nalang at hindi kona pinatulan yung babae, naiintindihan ko naman kung bakit nya ginagawa yon. Syempre idol nila yon e, at hindi naman ata nya sinasadya.
Finally, naka iwas na kami sa mga army at papasok na kami sa loob ng eroplano.
Sit arrangement:
Right side: Me, Jungkook, Jimin.
Kaharap naman namin sila Chae unnie, Suga, Hyejin unnie.
Left side:Taehyung, Namjoon oppa, hobi oppa.
Sa harapan naman nila Taehyung, Jin oppa, In-ha unnie.
Syempre sa bintana ako para feel ko na lumilipad ako.
Ba't parang lalong humahapdi yung kalmot ko? Tiningnan ko ito ng laking gulat ko na nagdudugo ito. Shocks! Kanina maliit lang to, bakit lumaki tas nagdudugo?
Tatawagin ko sana si Hyejin unnie para manghiram ng first aid kit kaso mahimbing syang natutulog kaya wag nalang. Tulog din naman ang buong bangtan, tanging si Taehyung lang ang gising at nag babasa ng libro. Ayoko na syang tawagin, baka maka istorbo ako sa binabasa nya.
Ang ginawa ko, kumuha ako ng bulak at nilagyan ito ng tubig tsaka dinampi dampi sa sugat ko. Okay na yan, para kahit papano malinisan ng konti. Itutuloy ko nalang to pagnaka uwi na ako sa seoul.
Pagkatapos kong gawin iyon, naka ramdam ako ng antok kaya pinikit ko muna ang mata ko.
"Noona, nasa seoul na tayo gising na."pag gising saakin ni Jungkook.
Minulat ko ang mata ko at nakita ko na kami nalang pala ni Jungkook ang naiwan dito sa airplane.
"Wala na sila?"tanong ko.
"Kanina pa noona, kanina pa kita ginigising ayaw mo naman."
Tumango lang ako at akmang Kukuhain ko ang gamit ko ng pigilan ako ni Jungkook.
"Wag na noona, kanina pa kinuha ni Taehyung yung mga bagahe mo."
Kinuha ni Taehyung? Ano namang gagawin nya sa mga gamit ko?
Tumango tango nalang ako at lumabas na kami sa airplane.
May naka bantay na dalawang bodyguard palabas namin ng plane.
Nag suot naman agad si Jungkook na cap and mask nya.
Naglakad na kami papuntang encheon airport at dumiretso sa parking lot at dun nag aantay sila unnie at ibang members.
Habang papunta kami sa parking lot, madami na agad ang naka abang na mga armies at mga camera man.
Tumungo nalang akong maglakad papalapit sa van namin.
"Oh buti naman at nagising ka ni Jungkook, mahimbing kaya ang tulog mo kanina. Kahit nag aannounce na yung staff ng airplane, hindi ka parin nagigising."umiiling na sabi ni In-ha unnie ng makapasok na kami sa van.
Ganon ba ako kahimbing matulog? Huhu, nakakahiya naman sakanila.
Agad namang umandar ang van namin at tuluyang umalis sa lugar na iyon.
Haaayy! Excited na akong magkita kita kaming magkakaibigan!
Hindi na muna ako natulog, baka mamaya hindi pa ako magising, nakakahiya kung maulit yung kanina. I eenjoy ko muna yung view. Nakakamiss din dito e.
~~~
Ilang oras pa, dumating na ang bangtan sa dorm nila at kaming mga assistant naman nila ay uuwi daw muna kami pero one day lang ang pahinga, pagkatapos non balik ulit sa trabaho.
Ako nalang ngayon ang huling sinundo papunta sa bahay namin.
"Ma'am tanong ko lang po, magka ano-ano po kayo ni sir Taehyung?"tanong naman ni manong driver.
"Wala po, maliban sa magkatrabaho."sagot ko.
Tumango tango lang sya.
Gusto ko pa sanang tanungin kung bakit pero wag nalang, baka humaba pa ang usapan at mapunta sa ibang topic.
Alam nyo naman diba na ex ko sya? Hiniwalayan ko sya non dahil sa pag punta ko sa america. Naging cold ako sakanya non para hindi sya umiyak kung iwan ko sya pero hindi, sadyang manhid sya. Kahit na sinusungitan ko sya ng mga araw na yon, iniintindi nya parin ako. Sinasabi nya na baka pagod lang ako. Gusto kong sabihin sakanya ang totoo, gusto kong sabihin na mahal na mahal ko sya nung araw na yon at hindi ko kayang mawalay sakanya. Pero mas pinili ko ang iwan sya, para din naman yon sa future namin, pero hindi ko inaasahan na magiging sikat syang idol.
Malapit na ako sa bahay namin ng makita ko si Chul na kasama ang mga kaibigan nya.
Ay, tama ba yung nakikita ko? Si Chul may kaakbay na babae? Baka namamalik mata lang ako?! Bakit naman nya gagawin yon e diba dapat sa kapwa lalaki nya yon gagawin?
"Chul!"tawag ko sa pangalan nya.
Agad naman nyang narinig kaya tumakbo sya papunta saakin.
"Noonaa!"Sabi nya ng humiwalay na sa pagkayakap saakin.
"Namiss kita Chul, ba't ang bilis mo namang lumaki?"
"Ano kaba noona, lumaki ba ako? Parang hindi naman."
"Teka, saan ba kayo pupunta ng mga kaibigan mo?"
"Jan lang sa kanto, manlilibre daw si Jiwoo."
"Oh sige pumunta kana sa mga kaibigan mo, naghihintay na sila oh."
"Sige noona, mamaya pag uwi ko marami akong ichichika sayo!"Sabi nya atsaka tumakbo papunta sa mga kaibigan nya.
Ngumiti lang ako at pumasok na sa loob ng bahay.
A/N:Sorry guys ngayon lang nakapag ud, nagkaproblema lang kasi sa selpon ko. And thank you sa sumusuporta sa story na to at patuloy parin na binabasa kahit korni haha, pero thanks paren sainyo, atleast naka 100+ yung reads...
BINABASA MO ANG
Second Chance |BTS Fanfiction
FanfictionBakit kasi sa dinami daming pwedeng maging assistant ni Taehyung, si Seohyun pa? Pinagtagpo ba talaga sila o nagkataon lang talaga?