A/N: Oh diba ud agad? Hehe, sabi senyo e. Pag mino motivate talaga ako bumibilis yung ud ko tas nagkaka laman yung utak ko haha. Pero Tangenuhng modyul kasi e di matapos tapos HAHAHAHA btw, enjoy sa awayan nila Seohyun hehe.
Habang naglalakad ako, may mga tao din na namamasyal dito. Private tong lugar na to sa ngayon at ang mga hindi familiar sa bts lang ang pwedeng makapasok dahil daw sa mga Sasaeng na uma aligid aligid dito.
Medyo naka layo layo na ako sa pwesto namin dun ng biglang may humila saakin.
"Uy ano ba Jiyoung----"Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng lumipad ang kanyang kamay sa pisngi ko.
"You deserve it, masyado ka kasing malandi."mataray na sabi nya habang naka evil smile.
Aba puta to ah? Anong karapatan nyang sampalin ako ng ganon ganon lang? Ang sakit puta, parang matatanggal panga ko.
"Ano nanaman bang ginawa ko? At sino ka ba para sampalin ako ha?!"galit kong tanong sakanya.
"I told you before naman kase, don't you flirt with Taehyung. Pero anong ginagawa mo, para kang linta kung maka kapit! Always remember na nandito pa ako bago ka lumandi, and alam ko naman na may gusto ka sakanya dati pa!"dinuro duro nya yung balikat ko kaya napa atras ako.
Pesteng babae to,
"Hindi ko naman kasalanan kung laging pumupunta si Taehyung saakin, tsaka anong sinasabi mong nilalandi ko sya e malang assistant nya ako. Didikit at didikit talaga sya saakin!"
"Ewan ko kung bakit ka napili ni Pd-nim na maging assistant ni Taehyung e ang cheap cheap mo!"
Ay baakeet? Bawal ba mag hire si Pd-nim kapag cheap ka!? Andaming alarms.
"Ano ba talagang gusto mong mangyari Jiyoung, kung sabihin mo nalang kay Taehyung yang nararamdaman mo para sakanya! Hindi yung idadamay mo pa ako!"
"Yun na nga problema ko, nasabi ko sakanya. Alam mo ba kung ano yung sagot nya? 'Sorry Jiyoung, pero friends lang ang turing ko sayo'."
So na friendzone sya?
"At dahil yon sa kagagawan mo!"nagulat ako ng bigla nyang hilain yung buhok ko.
Ay puta, ansakeett!
"A-ano ba Jiyoung, bitawan mo yung buhok ko letseee!"sigaw ko sakanya pero hindi nya ako pinakinggan.
Oy puta ang sakit ng anit ko tanginaaa!
A/N:Ano Seohyun, papatalo ka nalang sa haliparot na yan? Gow bilis, sabunutan mo!
Sumusobra na sya, hinila ko din yung buhok nya at napa aray sya kaya mas lalo nyang hinigit yung buhok ko.
"A-aray Jiyoung tama naa!"sigaw ko pero hindi sya nagpapatinag.
"You deserve it lozer!"
Mas hinigpitan ko pa yung pag hawak sa buhok nya at hinila ito.
Hanggang sa medyo nanghihina na sya at napa upo sya sa lupa.
"Jiyoung!"tawag nung lalaki sa likuran ko.
Agad syang tinayo ni Taehyung sa pagkakatumba. Meron din syang gasgas sa dalawang braso.
Hala sorry, hindi ko sinasadya.
"Pati ba naman ikaw Seohyun?!"galit na tanong nya saakin.
Tbh, nagulat ako sa pag sigaw nya saakin.
Ito namang si gaga, naka evil smile lang.
Putangina mong babae ka! Ikaw na nga nasugatan pero angsaya mo paren! Gustong gusto nya talaga na pinagtatanggol sya ni Taehyung.
BINABASA MO ANG
Second Chance |BTS Fanfiction
FanfictionBakit kasi sa dinami daming pwedeng maging assistant ni Taehyung, si Seohyun pa? Pinagtagpo ba talaga sila o nagkataon lang talaga?
