CHAPTER 25

67 6 1
                                        

Taehyung's POV

Pagkatapos ng insindenteng yon, hindi kona nakita si Seohyun.

Hindi din muna kami nag take para dun sa movie na gagawin.

Sa totoo lang, namimiss kona sya. Yung lagi naming harutan sa isa't isa, wala na.

Pano, nandon sya sa ex nya. Sabi nya saakin, alagaan nya daw muna yung ex nya kasi hanggang ngayon, may pasa padin at may mga sugat si Joon Jae na hindi pa gumagaling.

E bakit ako, ex nya din naman ako, nasugatan din naman ako. Pero wala syang pakealam saakin. Medyo nag selos ako ng konti don. Kasi diba ako dapat yung priority?

Malapit na ulit kaming mag comeback pero sad to say, hindi sya yung magiging assistant ko sa araw na yun.

Namimiss kona yung Seohyun na nag ch-cheer saakin bago kami pumunta ng stage, nakakamiss na.

"Hyung, naka tulala ka nanaman dyan. Sino ba iniisip mo?"tanong saakin ni Jungkook.

"Wala, namiss ko lang bigla si Seohyun."walang ganang sagot ko sakanya.

"Kahit ako din naman hyung, namimiss kona si Noona. Pero anong magagawa natin, choice nya mag leave para sa ex nyang sinayang lang naman sya."

Tama si Kookie.

"Tara na nga, wag na nating isipin si Seohyun. Mag practice nalang tayo."

Seohyun's POV

"Seohyun...thank you."pagpapasalamat nya.

"Para saan?"tanong ko sabay dampi ng ice bag papunta sa pisngi nya.

"For this and dun sa warehouse. Pakisabi din kay Taehyung? na thank you din kasi tinulungan nya ako don."

"Wala yon. Kahit na...alam mona, tutulungan parin naman kita. Diba friends naman tayo?"

"Ewan ko nga kung friends na tayo."

"What do you mean?"takang tanong ko.

So dipa pala kami mag kaibigan?

"I mean...i think im inlove with you again."nakayukong sabi nya.

M-mahal nya pa ako?

"H-huh?"nauutal na tanong ko.

Nakakagulat naman. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Kase all this time, I realized na ginagamit lang pala ako ni Wendy. Napaka tanga ako sakanya at hindi ko inisip yung pwede mong maramdaman after kitang breakan non. I'm really sorry Seohyun."nakita ko ang pag patak ng mga luha nya.

"Naka move on na ako don pero...ano nanaman to?"

"Bigyan mo ulit ako ng chance para mahalin ka Seohyun..."humina yung boses nya at unti unting lumalapit yung mukha nya saakin at hinawakan ang isa kong pisngi.

Nararamdaman kona yung hininga nya na nadapo sa mukha ko kasabay nito ang unti unti nyang pag pikit.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na nagdikit na yung mga labi namin.

At ewan ko kung bakit ako sumasabay sa halik nya.

Nararamdaman ko din yung luha sa mata nya na napupunta na saakin gawa nga nung magkadikit yung mga labi namin.

Kinabukasan...

Nandito ako ngayon sa kusina ng bahay nila Joon Jae at gumagawa ako ng breakfast namin ngayong umagahan.

Nagprito ako ng dalawang fried eggs, bacons at fried rice para saaming dalawa.

"Good morning hubby!"nagulat ako ng biglang may yumakap sa likuran ko.

Lumingon ako sa likuran ko at inalis ko yung katawan nya saakin.

"Sorry..."mahinang sabi nya.

Alam ko naman na okay na kami, pero  di parin ako maka get over na niloloko lang pala sya nung babae nya.

Naaawa ako sakanya, pero dapat ba na bigyan ko sya ng chance ulit?

"Uhm...handa na yung breakfast, kain na."yaya ko sakanya at nilapag na yung mga foods sa dining table.

Umupo na kami sa upuan at susubo na sana ako ng nahagip ko syang naka titig lang saakin at hindi pa ginagalaw yung pagkain nya.

"Ahm...may problema ba?"tanong ko at pinagtaasan ko sya ng kilay.

Lumipat yung direksyon ng mata nya sa kaliwa nyang kamay kaya tiningnan ko din ito.

Hindi naman na ata masakit yung kamay nya.

So no choice ako. Lumipat ako sa may tabi nya at syempre ano pa ba, susubuan ko sya dahil masakit pa daw kuno yung kamay nya.

Bawat pagsubo ko sa bibig nya, napapansin ko at talagang kita ko yung pag titig nya sa mata ko.

"Sorry kanina, I just really missed what we called when we were still together."saad nya.

Kahit din naman ako. Call me marupok or what ever, namiss ko din na tawagin ko syang hubby.

And I realized. Na mahal ko padin pala sya. Ewan ko kung namiss ko lang talaga yung halik nya o talagang sya lang yung nasa puso ko hanggang ngayon.

Alam kong sinaktan nya ako, pero ewan e. Agad ko nalang naramdaman sa puso ko na mahal ko pa pala sya.

Huminga lang ako ng malalim.

"I know naman na di pa tayo okay right? And alam ko din na gusto mo pa yung ex mo dati."dagdag pa nya.

Gusto ko daw, si Taehyung?

Ewan ko na din sa sarili ko. Hindi ko alam kung sino yung babalikan ko. Ewan ko nga kung may feelings pa ako kay Taehyung. Pero mahal ko pa si Joon Jae.

Ngayon kasi, lagi kaming makasama ni Taehyung. Alam nyo yung may nakaraan kayo tas naging close kayo. Habang tumatagal, parang nararamdaman mo na nagiging safe ka pagkasama mo sya.

Ganon yung nararamdaman ko pagkasama ko si Taehyung. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko e.

Minsan na tatanong ko si tadhana kung bakit ganto yung lovelife ko. Pwede naman nya kasing ibigay yung para saakin e. ISA lang naman yung hinihiling ko, pero bakit kelangan may pa sobra pa?

Special ba ako para maging dalawa yung mahal ko?

Argh nakakainis na tong buhay ko! Ang gulo!

Sinubuan ko lang sya hanggang sa maubos na yung pagkain nya.

Syempre kumain na din ako.

Bukas na pala ako babalik sa trabaho ko. Pa galing naman na din yung sugat nya kaya kaya nya na yan.

Pagkatapos naming mag breakfast, nag hugas na ako ng pinagkainan namin.

Pupunta din pala kami kela tita ngayon, mommy ni Joon Jae.

Miss na daw kasi ako ni tita. Ewan ko kung gusto lang nya talaga kami magbalikan ni Joon Jae. Tuwing nagkikita kami sa grocery, lagi nya akong kinakamusta tas sasabihin na magbalikan na daw kami.

Second Chance |BTS Fanfiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon