Ngayon na ang balik ko sa taping.
Buti nalang na intindihan ako ni Derector Lee pati yung ibang staff.
Maayos na din si Joon Jae ngayon.
And excited na din akong makita si Taehyung. Grabe namiss ko sya.
Papunta na ako ngayon sa pag tatapingan namin.
Magcocommute nalang ako ngayon since nag text si Taehyung, hindi daw sya makakapunta dito kasi na flatan daw sya ng gulong. Matatagalan daw kami.
Sumakay na ako ng taxi at tinext na saakin ni Taehyung yung address kung saan mag tatapingan.
Ilang minuto pa, dumating na ako sa lugar na iyon at nag bayad na sa driver.
Natatanaw ko na din yung ibang mga staff.
"Uy Seohyun, buti nandito kana. Ilang minutes nalang mag s-start na tayo ha?"sumalubong agad saakin si Derector Lee at nginitian ko naman sya.
Nakita ko din si Taehyung kausap yung isang staff.
Lumapit ako sakanya.
"Uy Sorry natagalan ako ha----"Hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng bigla nya ako niyakap.
"I missed you."sabi nya habang yakap yakap ako.
Nabigla ako kung ba't nya ako yinakap bigla kaya hindi kona sya nayakap pabalik at nag mistula akong statwa.
Binigyan ko sya ng 'bakit mo ginawa yon' looks.
"A-ah sorry, namiss lang kita."nahihiyang sabi nya at nag boxy smile pa.
Hanla ang kyut.
"Namiss din kaya kita," sabi ko naman sakanya.
"Hoy mamaya na kayo dyan mag yakapan mag sisimula na kayo oh."napalingon naman ako sa nagsalita non.
"Unniieee!"tawag ko kay Hyejin unnie. Namiss ko diinn syaaa.
Lumapit ako sakanya at niyakap sya.
"Namiss kita unnie, hindi kona kayo nakikita nila In-ha unnie."sabi ko sakanya at humiwalay na sa pagkayakap.
"E pano, inaalagaan mo yung ex mong manloloko."
"Kamusta na kayo nila Chae unnie? Ano nang ganap sa bighit HAHAHAHA di na ako inform."Pag iiba ko ng topic.
"Ganon parin naman, miss kana din daw nila Jungkook. Bisita ka naman sa company kahit minsan ha?"
"Syempre naman unnie, o sige na unnie mag s-start na kami."
Pumunta na kami ni Taehyung sa pwesto namin.
Namiss ko din kasama si Taehyung. Pero, iba talaga yung pakiramdam ko kanina e.
Parang may mga paru paru sa tyan ko. Ewan ko din kung bakit.___
Natapos na kaming mag take ng mga scenes namin ni Taehyung.
Nag enjoy naman ako. Actually andami nga naming bloppers HAHAHAHA si Taehyung kasi e. Di nag po focus, tawa ng tawa kaya tuloy natatawa nalang din ako.
Marami kaming tinake ngayon na mga scenes dahil nga ilang araw akong nag leave sa taping.
Mag aalasyete na ng gabi ng maka uwi kami.
Hahatid na daw ako ni Taehyung dahil dilikado na daw ngayon dahil may mga sasaeng nanaman daw na hindi boto saakin.
At, no. 1 trending na daw talaga kami ni Taehyung sa Twitter. Kaya ayoko sa mga ganyang drama drama na yan lalo na pag si Taehyung yung makaka partner mo. Talagang aatakihin ka ng mga armys.
"Ito oh,"binigay nya saakin yung black na mask at cap."Isuot mo yan mamaya pagbaba natin, baka may makakita saatin sa kalsada at sigurado akong issue ang bagsak natin pa di tayo nag ingat."sabi nya at pinaandar na ang sasakyan.
Tahimik lang ang byahe namin at tanging hangin lang ng aircon sa kotse ang tumutunog.
"Kumusta naman yung ex mo?"biglang tanong nya kaya napatingin ako sakanya.
"Okay na sya ngayon, humupa na din yung mga sugat nya. And pinapasabi nya pala sayo na thank you daw dun sa warehouse."
"Mahal mo pa rin ba sya?"muntik na akong masamid ng sarili kong laway sa tanong nya.
Pabigla bigla naman tong si Taehyung, kaloka!
"H-ha? Ewan ko."sabi ko at tumingin sa baba, iniiwasang maging awkward yung usapan.
"Dika pa sigurado? Gusto ko lang linawin para wala akong kaagaw sa puso mo."seryoso nyang sabi ng hindi tumitingin saakin at patuloy parin sya sa pagmamaneho.
'Gusto ko lang linawin para wala akong kaagaw sa puso mo'
'Gusto ko lang linawin para wala akong kaagaw sa puso mo'
'Gusto ko lang linawin para wala akong kaagaw sa puso mo'
Tila nagpa echo echo yung sinabi nya saakin.
At kasabay pa nito ang nararamdaman ko kanina ay bumabalik. Bakit ganon?
"H-ha? Pagod ka lang ata e, itulog mona yan sa do---"Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pinutol nya ako.
"Seryoso ako Seohyun, i want you to comeback to me, like we used to be. Na realized kong mahal pa kita and hindi kita kayang I let go hanggang ngayon."itinigil nya ang kotse at unti unti ng nilapit ang mukha nya saakin.
Hala, anong gagawin nya? Will he kiss me? Wag please, waagg.
Hanggang sa na realize kong makadikit na ang mga labi namin at hindi ko alam kung bakit hindi ko sya pinigilan.
Inabot muna ng Pitong segundo bago maghiwalay ang mga labi namin.
Inaamin ko, namiss ko talaga yung lasa ng labi nya. Hindi parin nag babago hanggang ngayon, lasang vanilla parin. Well, favorite flavor namin yon na lip balm, siguro hanggang ngayon favorite nya parin yon.
Naka uwi naman ako ng ligtas sa bahay namin.
Hindi parin mawala sa isip ko yung mga nangyari kanina. Like, ang bilis ng pangyayari. As in, parang nagsimula lang yon sa binigyan nya ako ng face mask tas napunta na agad dun sa kiss scene?
Ganon ba talaga pag inlove ulet?
Wait, inlove na nga ba talaga ako?
Arghh, ewan kooooo!!!
Habang inaalala ko yung mga pangyayari kanina, parang unti unti kong narerealize kung gaano ka awkward yung nag end na yung kiss.
Haay, itutulog ko na nga lang to.
______________________________________
Very sorry talaga sa matagal na ud. Huhu, wala na akong maisip na pwedeng idugtong dito. Btw, road to 1k na tayo. Konti nalang, maabot kona yung goal ko. Thank you sa lahat ng nagbasa neto, sana suportahan nyo parin ako sa mga upcoming stories ko❤️ yun lang, thank you agaiiiin💜💜

BINABASA MO ANG
Second Chance |BTS Fanfiction
FanfictionBakit kasi sa dinami daming pwedeng maging assistant ni Taehyung, si Seohyun pa? Pinagtagpo ba talaga sila o nagkataon lang talaga?