Saan naman kaya napadpad ang babaeng yon?
Biglang nag sink sa utak ko na parang wala sya sa sarili nya kanina.
Kung may problema nga siya, edi pupunta yon sa bar para mabawasan yung problema nya.
Tama Tama! Ang pagkakaalam ko ang J Club ang pinaka sikat na bar dito sa Bangkok Thailand. Kaya posible na don sya pumunta.
Pagka pasok ko palang sa bar, may mga taong naglalandian. Hala grabe naman sila, dito pa talaga gumagawa nyan! Hindi na nahiya.
Btw, diba si Seohyun yung hinahanap ko? Anyways, naka blue sya kanina diba?!
Kasi naman e, pag wala talaga sya dito masasabunutan ko yung babaeng yon! Charot lang, mahal ko yon e! As a friend ano ba kayo!
Nag init naman bigla ang ulo ko ng makita ko si Seohyun na hinahalikan sya nung lalaki.
Agad ko naman sinuntok ang lalaki sa mukha nya sa sobrang inis ko.
"Stay away from her!"sigaw ko ng matapos ko syang suntukin sa mukha.
Hinila ko naman agad si Seohyun papunta sa likod ko para malayo sya sa demonyong lalaking yon.
Wala akong pakealam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao, all I want is to save Seohyun from this pervert guy na to!
Napaka gago lang?! Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito pero ang alam ko lang, naiinis ako at naiirita pag may lumalandi kay Seohyun.
"Let's go."tipid na sabi ko at hinila sya palabas ng bar na yon.
Tama lang sa gagong yon ang masuntok! Masyado nyang pinagsasamantalahan ang kahinaan ni Seohyun. Buti nalang talaga dumating ako, pano kung hindi ako dumating non? Edi narape na non si Seohyun, mukha pa namang adik yung lalaking yon!
"Are you okay? Sinaktan kaba ng lalaking yon?"alalang tanong ko sakanya ng makapasok kami sa sasakyan ko.
"Hindi naman, salamat nga pala."
"Bakit kaba pumunta don sa bar na yon?! Alam mo namang andaming masasamang tao ngayon."sabi ko ng hindi lumilingon sakanya.
Hindi sya nagsalita ng ilang Segundo at napansin kong mahimbing na ang tulog nya.
Yan kasi, iinom inom tapos hindi naman pala kaya.
Nilapit ko ang mukha ko sakanya at pinagmasdan sya.
Wala paring kupas ang kagandahan nya, kung hindi ka lang kasi nakipag hiwalay saakin, edi sana saakin kapa rin hanggang ngayon.
Nagulat naman ako ng biglang nangilid ang luha nya.
"Joon Jae-ah!"humihikbing sabi nya.
"Wag mo akong iwan!"dagdag pa nya.
Hayy, I knew it! Boyfriend nya nga yung dahilan!
Matapos ang mahabang byahe pauwi sa hotel namin, Inalalayan ko sya papasok sa unit nila at tinulungan naman ako ni Chae noona dalhin sya sa kwarto nya.
Syempre, tumuloy na din ako sa unit namin. Kapagod kaya!
Kinabukasan...
Seohyun's POV
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
Ano bang nangyari kagabi?!
Flashback:
"I said let me go!"pag pupumiglas ko sa pagkahawak nya.
"No baby, I won't let you go. I'm sure you want this too."sabi nya at bigla nya akong hinalikan sa leeg.
BINABASA MO ANG
Second Chance |BTS Fanfiction
FanfictionBakit kasi sa dinami daming pwedeng maging assistant ni Taehyung, si Seohyun pa? Pinagtagpo ba talaga sila o nagkataon lang talaga?
