CHAPTER 6:CONCERT IN THAILAND

103 12 0
                                    


After 5 days

Day 2 na nila ngayon dito sa Bangkok Thailand.

Ako muna yung nag make up kay Taehyung pansamantala dahil wala ang make up artist nya.

"Dahan dahanin mo nga yung pag susuklay mo sa buhok ko, masakit kaya!"reklamo nya.

"Sorry."mahinang sabi ko.

Ewan koba ngayon kay Taehyung, badmood sya ngayon e. Pagpasensyahan kona daw kasi ganyan sya pag walang tulog.

Yan kasi, sinabihan kona nga syang matulog na ng maaga para maganda yung mood nya bukas, pero makulit talaga ang bungo neto.

Dahil wala pa akong months sa pagiging private assistant nya, titiisin ko muna yung pagkamasungit nya.

Natapos ko syang suklayan at nilagyan ko ulit sya ng foundation sa mukha nya.

"Ano ba? Nasisinghot kona yung foundation oh! Hindi moba nakikita?"galit nyang tanong saakin tsaka nag walk out.

Napaka liit lang naman ng kasalanan ko, akala mo naman nakapatay na ako ng tao sa paningin nya.

"Anong nangyari sa alaga mo, ba't nag walk out?"tanong saakin ni Hyejin unnie.

"Nalagyan ko kasi yung ilong nya ng foundation, hindi ko naman sinasadya e."

"Hayaan mona yon, badmood talaga yon si torong pag walang pera."sabi naman ni In-ha unnie.

Torong? Napatawa nalang ako sa nickname nya.

"Anong walang pera? Wag ka, may 30 thousand kaya yan kada araw."saad naman ni Chae unnie.

"Bad mood lang talaga ngayon si Taehyung kasi wala yung maarte nyang make up artist."sabi naman ni Hyejin unnie.

"Juskoo, pag na meet mo talaga yon Seohyun, mapapa Argh kana lang sa mga ginagawa nya!"sabi naman ni In-ha unnie.

"Korek ka dyan! Nakoo, kung alam mo lang kung gaano ka pangit ng ugali ng babaeng yon, ibang iba sa ugali mo."sabi ni chae unnie.

Sa mga kwinekwento nila unnie, mukhang napamahal na nga si Taehyung sa babaeng yon.

"Buti nalang talaga wala sya dito, Kundi matatarayan ka nya. Grabe pa naman kung umasta. Biro mo, lalandiin pa talaga si Pd-nim mapapayag lang sya na maging MA ni Taehyung?"In-ha unnie.

"At Ito pa, nung minsan, Inutusan akong kumuha ng damit ni Jimin, Nakita koba naman na inaamoy yung boxer ni Taehyung? Bes, make up artist lang sya. May karapatan paba sya don sa mga gamit ni Taehyung?"Hyejin unnie.

Buti nalang talaga wala na yung mga bangtan, kundi isusumbong nila kami kay Taehyung na pinag uusapan namin yung make up artist nya.

Ilang minuto pa, bumalik na si Taehyung para kunin yung mic nya.

Hindi sya tumingin ng derekta sa mata ko.

"Bangtan!"tawag sakanila ng isa sa mga staff.

Dumiretso na sya sa stage kasama sila Jungkook at iba pang member.

"Go Taehyung!"sigaw ko ng makalabas na sya ng backstage.

Tumigil sya pero hindi sya lumingon saakin.

Naisipan kong tawagan si Hobby ngayon, hindi kona sya natatawagan simula ng pumunta kami dito. Gawa din siguro na busy kami. Namimiss kona yung boses ng boyfriend ko, gusto ko na syang mayakap. Pati din si Chul, miss kona yung kabaklaan ng batang yon.

Nag riring pero hindi sumasagot.
Tinignan ko ang date ngayon, day off nya ngayon ah? Pero bakit hindi nya sinasagot?

Trinay ko ulit syang tawagan at buti nalang sumagot na sya.

Second Chance |BTS Fanfiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon