CHAPTER 14: COMFORT

83 11 0
                                        

Pag mulat ng mata ko, si Chul agad ang sumalubong saakin.

"Noonaa, gising na dyan. Diba may trabaho kapa?"paggising saakin ni Chul.

Naalimpungatan ako ng makita ko ang sinag ng araw mula saamin.

Umaga na? Hindi ko namalayan dahil sobrang stress ko kagabi.

Tatawagan kona sana si Joon Jae ng marialize kung wala na pala kami. Haysstt, tapos na ang pangarap mo Seohyun. Ngayon, single na ulit ako, pero it doesn't mean na maghahanap agad ako ng iba. Gusto ko muna maging single simula ngayon---

Ugh shet! Hindi ko sya makalimutan! Tuwing naaalala ko yung kahapon, feeling ko anytime iiyak ako. Huhu, ba't ang rupok ko?!! Namimiss ko nanaman syaa!!

Grrr Joon Jae, mawala kana sa isip ko please?! Ayaw na kitang isipin, pero bakit ganon?! Laging ikaww!!

*snap*

"Huy noonaa! Tulalala? Jusko ang aga aga ang lalim na agad ng iniisip. Dyan ka na nga, sakit mo sa bangz!"Sabi ni Chul at nagmamadaling lumabas ng kwarto ko.

Huhuhu, wala na bang lunas tong sakit ko? Kanina pa pala ako kinakausap ni Chul pero hindi ako nakikinig! Lutang ako ngayong araw na to!!! Nakakainis Joon Jaeee!! Bakit mo kasi ginawa saakin to? Hindi lang yung love life ko ang nasira, pati yung pangarap ko!! Kelan ba ako magiging matatag?

Hmp, makatayo na nga. Wala akong mapapala kung iiyak lang ako buong araw, mag tratrabaho ako! Ipapakita ko kay Joon Jae nagkamali sya ng sinaktan.

Ginawa kona ang mga morning rituals ko araw araw.

Naabutan ko si Chul na nag susuklay ng buhok nya.

"Oh Chul, hindi ka ba papasok sa school mo? Mag te ten na ah?"tumingin tingin ako sa wristwatch ko.

"Ano bang nangyayari sayo noona? Parang lutang ka ngayon, Saturday ngayon wala kaming pasok."

"Haa?? Sabado pala ngayon?"napahawak ako sa sintido ko at naupo sa couch namin.

Jusko anong nangyayari saakin!??

"Sige noona, aalis na ako ha? Gagawa pa kami ng projects namin."sabi nya sabay bumeso saakin at lumabas na ng bahay.

Tumango lang ako.

Makaalis na nga, malalate pa ako.

Lumabas na ako ng bahay namin at agad kong sinara yung gate namin.

Salamat naman at may pumara agad saakin na taxi.

~~~

"Good morning Seohyun!"bati saakin ng isa sa mga staff dito.

Nginitian ko nalang sya. Hindi maganda yung morning ko ngayon.

Sumakay na ako ng elevator papuntang 14th floor, doon kasi yung studio ng bts.

Hindi pa nasasara yung pinto ng elevator ng biglang pumasok yung lalaking nakamask na white at naka cap.

Wait...Parang  familiar sya saakin.

Sinilip ko yung mukha nya ng mapansin kong kilala ko nga kung sino yung lalaki.

Parang nagtaka yung emosyon nya nung tumingin ako sa mukha nya.

"Beomgyu?"kunot noong tanong ko sakanya.

Tandang tanda ko yung shape ng face nya e.

"Do you know me po?"tanong nya.

"Oo, diba ikaw yung sa txt?"

Tumango tango lang sya.

"Ako yung personal assistant ni V sa bts, nice to meet you!"nilahad ko yung kamay ko sa harap nya.

Second Chance |BTS Fanfiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon