Same as well, maaga nanaman akong nagising dahil daw may pictorial ang bangtan sa Paris. Itong si unnie Hyejin, bigla bigla nalang akong ichachat kagabi. Sabi naman ni appa kagabi na gusto daw nya akong sumama sa pupuntahan nila ni Chul pero ayoko, thank god na din dahil ayoko silang makasama. Mas magandang mag trabaho nalang ako kesa makasama sila.Well kung tinatanong nyo naman kung maka move on na ako kay Joon Jae, maybe yes. Hindi na sya masakit tulad dati. Nag kikita din kami minsan, pero hindi ko sila kinakamusta or ano. Basta thankfull ako na masaya sya sa piling ng ibang babae kesa naman nasasaktan sya.
Wala na yun para saakin, ang goal ko nalang ngayon ay sana maging matiwasay na ang buhay namin.
So ayun na nga, ginawa kona yung mga morning rituals ko.
Ang nakaka inis lang, naabutan pa talaga nila akong kumakain, e sa ayoko nga silang makasabay sa hapagkainan.
"Oh anak gising kana pala, si Chul ba gising na?"tanong saakin ni eomma pero hindi ko sya kinibo at patuloy parin ako sa pag nguya ng pagkain.
Bakit ba nila saakin tinatanong kung gising na si Chul, ako ba may hawak sakanya?
"Anak ano bang problema? Kahapon mopa kami hindi pinapansin ng appa mo ah? C'mon, tell me."napa upo sya sa tabi ko.
"Anong problema ko? Kayo, kayo yung problema ko eomma. Bakit pa ba kayo umuwi dito? Diba dapat nandon lang kayo sa gwanju, bakit pa kay----"natigil ako sa pagsasalita ng biglang sumingit si appa.
"Seohyun! Bakit ganyan ang trato mo saamin?! Pinalaki kaba naming walang respeto?!"galit na tanong ni appa.
Natawa ako ng mapakla.
"Pinalaki appa? Nino, kayo? Eh isang beses lang sa isang taon lang kayo umuuwi dito tas Pinalaki nyo kami?! Nasaan kayo nung nagkasakit si Chul? Nasaan kayo nung Muntik na kaming manakawan dito? Nasaan kayo nung Family day?! Nandon sa gwanju, nagtratrabaho. Tas sasabihin nyong pinalaki nyo kami?! Appa, ako na ang nagpalaki kay Chul at kahit kelan, wag nyong sabihin na pinalaki nyo kami dahil simula ng umalis kayo dito, ako na ang tumayong magulang ni Chul!"Hindi na napigilan ni appa ang kamay nya at nasampal nya ako.
"Anong karapatan mong pagsabihan kami ng ganyan?! Yung kinakain nyo araw araw, di'ba saamin galing yon? Yung gastusin nyo araw araw, amin din yon! Nagpapakahirap kami sa gwanju para may maipakain kami sainyo ni Chul tapos ganto isusumbat mo saamin ng eomma mo?!"bulyaw nya saakin.
"May karapatan ako appa! Ako ang panganay kaya ko kayo iniintindi dati! Kasi akala ko, hindi nyo kami kakalimutan at patuloy nyo parin kaming dadalawin. Pero nung last year, Sabi nyo uuwi kayo dito pero ano? Pinag intay nyo kami ni Chul!"
Sunod sunod na ang pagtulo ng luha ko kasabay pa nito ang pag hapdi ng pisngi ko.
"Inaamin naming nag kulang kami anak, pero sana hindi magbago ang turing mo saamin. Mga magulang mo kami, kahit wala kami sa tabi nyo nung nangunglila kayo saamin, magpasalamat parin kayo dahil sinosuportahan namin kayo."saad naman ni eomma.
"Ewan ko senyo!"padabog akong umalis ng bahay at kinuha ang mga bag ko.
Naglakad nalang ako papuntang company.
Patuloy parin ang pagtulo ng luha ko ng bigla akong may naka banggang lalaki. At pamilyar sya saakin.
"Oh Seohyun!"halata ang pagka gulat nya ng makita nya ako.
"S-sorry, anong ginagawa mo dito?"medyo nanginginig kong tanong sakanya.
"Uh, susunduin sana kita. Wait... umiyak kaba? Namamaga yung mata mo oh."sinundan naman nya ng tingin ang mata ko kaya yumuko ako ng konti.
"Seohyun... anong problema? May umaway ba sayo? B-bakit namamaga yang mata mo?"alalang tanong nya.
"W-wala lang to...napuwing lang siguro ako."pagdadahilan ko.
"Tara na...nandon na sila noona Hyejin, hinihintay na tayo."sabi nya at nadaanan namin yung sasakyan nya.
Sumakay na kami at pumunta na sa bh company.
~~~
Nakarating na kami sa company at nakita ko sila Hyejin unnie na naka tambay sa tapat ng company dala yung mga maleta nila at bag nila.
"Ba't ngayon lang kayo ni Taehyung... tsaka, bakit parang umiyak ka?"tanong naman ni Chae unnie.
"Wala to unnie, napuwing ata ako kanina."pagdadahilan ko.
Biglang nag bago ang reaksiyon ko ng mahagip kong nakatingin saakin yung babaeng maldita.
Yay nakakatakot!
"Tara na Seohyun."yaya naman saakin ni Taehyung.
Teka, may napapansin akong kakaiba sakanya. Kanina pa sya dikit ng dikit saakin.
Nginitian ko nalang sya at sumakay na sa van nila.
Katabi din naman pala ng ibang member sila unnie kaya wala akong rason para mag assume.
Pero... nasaan kaya yung malditang babae na yon?
Aishh! Bakit ko ba yun iniisip?
Buti nalang talaga hindi sila vinedeohan papuntang paris dahil siguradong bash ang abot namin nila unnie.
Nagulat nalang ako ng biglang isandal ni Taehyung ang ulo nya sa balikat ko.
"Hayaan mo lang akong nakaganto sayo hanggang sa maka abot tayo sa airport."sabi nya habang naka tingin sa bintana.
Pinabayaan ko nalang yung gusto nya.
Naramdaman ko namang naka tingin saakin si Jungkook.
Alam kong nag seselos sya at ramdam na ramdam ko yun galing sa mga mata nya.
Matagal ko ng na sesense at sila unnie na din ang nag sabi na may gusto daw talaga saakin si Jungkook dati pero tinatago nya lang daw dahil may boyfriend pa ako non at ayaw na daw masira yung relasyon namin.
Hindi ko nalang ino open up na pwede na ako, sino ba naman ako?
Isa lang naman akong hamak na personal assistant ni Taehyung at hindi kami bagay ni Jungkook kung maging kami man.
Mas deserve nya yung babaeng perpekto at walang pagkukulang. Di tulad ko na mahirap, madaming problema at madaming nakaraan.
Nasasaktan man ako para sakanya pero mas pipiliin ko syang maging kaibigan sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/235952674-288-k466122.jpg)
BINABASA MO ANG
Second Chance |BTS Fanfiction
FanfictionBakit kasi sa dinami daming pwedeng maging assistant ni Taehyung, si Seohyun pa? Pinagtagpo ba talaga sila o nagkataon lang talaga?