💎Chapter 1: Why Me?💎
---
!WARNING!
-Mention of r*pe
If this may trigger you please kindly skip this chapter.
---
Tinawag ko si Soobin para sumabay sa pagkain nila Namjoon at Jinwee.
"Daddy Jin, hindi ka po kakain?" Tanong ni Soobin.
"Busog pa si daddy Jin eh. Kumain ka muna kasama nila tita Jinwee, okay? Tapos papanoorin natin yung favorite movie mo."
"Okay po!" Ngumiti ako sa kanya and i ruffle his head.
Tumabi sya kila Jinwee sa lamesa at umakyat naman ako sa taas para makapag-pahinga. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay umupo ako sa gilid ng kama at tinaas ang sleeves ko at pinagmasdan ang mga sugat at pasa ko sa buong braso ko. I touch it and wince in pain. Yung iba 'kong sugat ay matagal na at yung iba naman ay bago palang.
Kinuha ko yung gamot para sa sugat at ginamot ang mga sugat ko at nilagyan ng band aid.
Hanggang kailan ko ba kailangan gamutin ang mga sugat ko? Gusto ko nang magpahinga. Gusto 'kong sabihin sa kanya na tama na. Gusto ko syang pagsalitaan ng masama. Gusto ko syang iwanan at maging masaya pero mahal ko sya...
Noon ay sya ang palaging nag-pprotekta sa akin dahil sa trauma ko. I was r*ped when i was in high school. Bestfriend ko sya noong nangyari yun at nang malaman nya ang nangyari sa akin ay sya ang nag-alaga sa akin at naging kami nun.
「A Few Years Ago」
Nakahiga ako sa kama ko habang umiiyak at mahigpit na nakahawak sa bed sheet ng kama ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa sakit ng katawan ko.
*Riiing riiing*
Narinig ko na tumunog ang cellphone ko at kinuha ko yun at tinignan ang caller i.d 'Joonie' at sinagot iyon.
"Hi, Piggy. Anong gusto mong flavour ng ice cream?"
"N-Namjoon.." Nanginginig ang boses ko at patuloy ako sa pag-iyak.
"Jin? Umiiyak ka ba? Bakit? Pupuntahan kita dyaan sa bahay mo."
Hindi na nya ako hinintay na sumagot at tinapos nya ang tawag.
Ilang minuto ang lumipas at biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at dito pumasok si Namjoon.
"Jin hyung." Niyakap nya ako ng mahigpit.
Umiiyak parin ako.
"M-Masakit." Kumalas ako sa yakap nya at tinignan nya ako pataas at pababa.
"Anong nangyari sayo?"
"W-Wala." Pinunasan ko ang mga luha ko pero patuloy parin ito sa pag-agos.
"Jin hyung, sabihin mo sa akin ano ang nangyari sayo?" Bumaba ang boses nya.
"Ni-Nir*pe nila ako." Lalong lumakas ang pag-iyak ko.
"Sino?!"
"H-Hindi ko sila kilala. P-Pauwi na ako nun mula sa s-school at dinala nila ako s-sa kung saan."
"Kapag nalaman ko kung sino ang gumawa nito sayo malamang mabubulok sila sa kulungan." Niyakap nya ulit ako pero sinigurado nya na hindi nya matatamaan ang masakit na parte ng katawan ko.
「The Present Day」
Nakatulog na si Soobin pagkatapos namin manood ng movie. Bumaba ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Pagkababa ko ay nakita ko si Namjoon na nanonood ng tv sa salas. Umalis na si Jinwee.
Uminom ako ng tubig at pinanood ang pinapanood ni Namjoon sa tv. Agad na nanginig ang buong katawan ko nang makita ko ang nasa news. Ni-r*pe yung babae. Naalala ko ang nangyari sa akin years ago.
Napa-bitaw ako sa baso at dahilan para mahulog ito at mabasag. Tumulo ang mga luha ko habang inaalala kung paano nila ako hawakan sa buong katawan ko. Naalala ko kung paano nila ako pinagtawanan habang sumisigaw naman ako 'tama na' at 'tulong'.
"Jin? Anong nangyayari?" Nakita ko si Namjoon na lumapit sa akin at nilangay ang magkabilang kamay nya sa balikat ko.
Lalo akong napa-iyak nang makita ko ang mukha nung lalaki sa mukha ni Namjoon.
"Lumayo ka sa akin! Tama na!" Sigaw ko at pilit 'kong lumalayo sa kanya.
"Jin, kumalma ka. Ako toh si Namjoon." Niyakap nya ako.
"Please..." Mahigpit 'kong hinawakan ang damit nya at patuloy sa pag-iyak.
"Calm down, baby it's me." Hinimas-himas nya ang ulo ko para pakalmahin ako at hinalikan ang noo ko.
"Andito lang ako, okay? Hindi kita iiwan." Napaka-lambot ng boses nya. It makes me calm down hearing his voice.
Niyakap ko sya pabalik at umiyak sa balikat nya.
BINABASA MO ANG
EVANESCENCE✓
Fanfic"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."