💎Chapter 16: Awkward💎
---
"No!" Sigaw ni Namjoon dahilan para magulat kaming lahat. Tumingin kaming lahat at kitang-kita ang galit sa kanyang mukha.
"Uh..."
Binalik ni Jackson yung cellphone nya sa bulsa nya at tumingin sa baba.
"Huy. Okay ka lang?" Concerned na tanong ni Yoongi.
"O-Oo. Masakit lang ang ulo ko. Cr lang ako ha." Sabi ni Namjoon at pumunta sa banyo.
[Namjoon's POV]
Binaba ko si Soobin mula sa hita ko at pumunta ako sa banyo at ni-lock ang pintuan. Hinilamos ko ang mukha ko at tinitigan ang reflection ko sa salamin.
Anong nangyayari sa akin? Namjoon what did you just did? You don't love him anymore. Mahal mo si Jinwee at ikakasal na kayo. You can't be like this Namjoon. Mahina 'kong sinampal ang sarili ko.
Huminga ako ng malalim bago i-unlock ang pintuan at bumalik sa dining room. Pagka-balik ko at nakita ko silang nag-uusap except kay Jin na nakatingin sa akin. Nang magtama ang tingin namin ay agad syang lumayo ng tingin.
"Yoongs, uuwi na kami. Bye." Sabi ko at hinila palabas si Jinwee at hindi na hinintay ang sagot nila.
---
[Seokjin's POV]
"Bye Yoongi."
Nagpaalam kami kila Yoongi at Jimin at umalis na.
"Let's go?" Tanong ni Jisoo.
"Tara."
"Uh... Kayo muna ang mauna. May pupuntahan pa ako." Sabi ko.
"Gusto mo 'bang samahan ka na namin sa pupuntahan mo?" Tanong ni Chaeyoung at tumango naman si Jisoo.
"Wag na. Mauna na kayo sa bahay."
"Sige. Bye Jin."
Kumaway silang tatlo sa akin bago sumakay sa kotse at umalis.
Naghintay ako ng bus sa bus station at pumasok sa loob ng bus pagka-dating nito.
---
Nandito ako sa sementeryo para bisitahin si mommy. Naglagay ako ng bulaklak sa tabi ng thombstone ni mommy at umupo sa damuhan.
Kung nagtataka kayo kung bakit si mommy lang ang binisita ko ay dahil hindi pa talaga patay ang tatay ko. After what happened to Namjoon's dad he(tatay ni Jin) left. I never saw him since then. Ang akala ng lahat ay patay na si Daddy pati si Taehyung. Ako lang at si mommy ang nakakaalam.
Bumuga ako ng malalim na hininga at niyakap ang tuhod ko. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.
"Mommy, help me." Sabi ko na parang bata "Hindi ko alam ang gagawin ko. I feel like a bad father to Soobin. He is still so young to experience these kind of things. I feel so sorry for him. Kung nandito ka lang mommy. I need advices and comforts." Sabi ko habang nakatingin sa pangalan ni mommy na naka-ukit sa thombstone.
"Then let me advice you and comfort you."
Napa-lingon ako at nakita ko si Ken. Agad 'kong pinunasan ang mga luha ko at umupo sya sa tabi ko.
"K-Ken."
"Jin, i like you, okay? Matagal na. At nasasaktan ako kapag nakikita kitang nasasaktan, so let me be the guy who would hug you and comfort you whenever you need it. Alam 'kong masyado akong mabilis pero matagal kitang hinanap at ngayong nakita na ulit kita ay hindi na kita papakawalan. Jin, will you be my boyfriend?" Sabi nya at hinawakan ang pisngi ko.
Habang nakatitig ako sa mga mata nya ay kitang-kita ko ang totoo nyang nararamdaman. Pero paano kung masaktan ulit ako? Ano ang gagawin ko?
BINABASA MO ANG
EVANESCENCE✓
Fanfiction"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."