💎Chapter 7💎

91 7 0
                                    

💎Chapter 7: I miss you💎

---

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Jisoo at binigyan ako ng tubig.

Tumango ako pagka-inom ko ng tubig at kumalma.

"Tawagan nyo lang kami kung may emergency." Sabi ng police.

"Thank you."

Pagkarating dito ng mga pulis at ni Jisoo kanina ay tumakbo na agad ang mga lalaking hinahanap ako.

Umalis ang mga police at sinarado ni Jisoo ang pintuan.

"Teka nga lang Seokjin. Iniwan ka ni Namjoon dito mag-isa? Paano kung nakapasok dito yung mga lalaki na yun?"

"Jisoo, divorced na kami."

"What?! Paano si Soobin?"

"Kaya naman namin ni Soobin na mabuhay ng kami lang dalawa... i guess."

*Ding*

Tinignan ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nag-message sa akin.

Unknown: You didn't told us you already have a kid. He's so cute and just like you. Kim Soobin huh?

At tinignan ko ang picture na sinend nya. Si Soobin na nakikipag-usap sa kaibigan nya sa malayuan.

No...

"Jisoo, si S-Soobin."

"Bakit?"

Pinakita ko sa kanya ang picture na sinend sa akin ng unknown na number at lumaki ang mata nya dahil sa gulat.

"Tara. Hanapin natin sya."

Nagmadali kaming pumasok sa kotse nya at nag-drive sya papunta sa school ni Soobin.

---

Pagkarating namin sa school ay nakikipag-usap parin sya sa kaibigan nya.

"Soobin!" Pag-tawag ko sa kanya at lumapit kaming dalawa ni Jisoo sa kanilng dalawa.

"Daddy Jin! Tita Jisoo!"

Hinawakan ko ang kamay nya.

"How's your day at school, Soobinie?" Tanong ni Jisoo.

"Masaya po. Daddy Jin at tita Jisoo, this is Yeonjun. My bestfriend!" Pag-papakilala nya sa kaibigan nya.

"Hi Yeonjun." Kumaway ako sa kanya at ngumiti.

"Hello po!"

"Soobin, mag-goodbye ka na kay Yeonjun aalis na tayo."

"Okay po. Bye Yeonjunie."

"Bye bye Soobinie."

Nagyakapan silang dalawa at pagka-kalas nilang dalawa sa isa't isa ay hinawakan ni Soobin ang kamay ko at kumaway kay Yeonjun bago kami pumunta sa kotse ni Jisoo.

Finally my son is now safe from those creeps.

Tinulungan ko syang umupo sa likod at sinoot ang seat belt nya at umupo naman ako sa harap.

"Jin, i think you should stay at our house. Para mas safe kayo ni Soobin."

"Okay lang ba kay Chae?"

"Oo naman."

Si Jisoo at Chaeyoung ay nakatira sa iisang bahay pero hindi sila mag-girlfriends. Ilang years na silang mag-bestfriend at napag-desisyonan nila na tumira sa iisang bahay hangga't hindi pa sa isa sa kanila ay kinakasal.

"Then... sige."

---

Pagkarating namin sa bahay nila Jisoo ay pumasok kami sa loob at sinalubong kami ni Chaeyoung at niyakap.

"Daddy Jin, bakit po nasa house tayo nila Tita Jisoo?" Tanong ni Soobin.

"Uh... dito muna tayo mag-sstay, Soobinie."

"Pero paano po si daddy Joon?"

"Uh..." Tumingin ako kay Jisoo at Chaeyoung at katahimikan ang bumalot sa amin.

Pinaupo ko si Soobin sa sofa at sinundan naman kami ni Jisoo at Chaeyoung at nakatayo silang dalawa ngayon sa harap namin.

"Soobin, si kami ng daddy Joon mo ay divorced na."

"Ano po ang ibig sabihin nun?" Nagtatakang tanong nya.

"Ang ibig sabihin nun ay hiwalay na kami ng daddy Joon mo at pwede nang ikasal sila ni tita Jinwee mo." Pinilit 'kong hindi umiyak sa harap ng anak ko dahil ayaw 'kong makita nya akong mahina at umiiyak.

"Pero paano po ikaw?" Naluluhang tanong ni Soobin.

"Kasama naman kita at ng iba mo pa'ng mga tita at tito."

"Hindi ko na po ba makikita si Daddy Joon?" Tanong nya at pinunasan ang mga luha nya pero tulo parin ito ng tulo.

"Pwede mo naman syang bisitahin minsan."

Niyakap nya ako at umiyak. Tumingin ako kay Jisoo at Chaeyoung at umiiyak din silang dalawa at mag-kayakap.

---

Nasa salas kami ngayong tatlo ni Jisoo at Chaeyoung at nag-uusap. Si Soobin ay nasa guest room at nagpapahinga.

"Wait. So, you're telling me na yung girlfriend ni Namjoon ay buntis?!" Nagulat na tanong ni Chaeyoung.

"Oo." Sagot ko.

"Teka lang Jin. Nakalimutan mo na ba ang mga ginawa sayo ni Jinwee? What if nagpapanggap lang pala sya na buntis para ikasal na silang dalawa ni Namjoon?" Sabi ni Chaeyoung.

"Ano ka ba. Nag-bago na si Jinwee at hindi nya magagawa yun."

"Yes she can! Naalala mo nung nagkalat sya ng fake news tungkol sayo at halos lahat ng estudyante sa buong university ay nagalit sayo." Sabi naman ni Jisoo at napa-isip ako.

Paano kung niloloko nga lang talaga nya kami? Pero hindi naman nya magagawa kay Namjoon yun kung mahal nya talaga sya diba?

"I think you should think carefully first. Kung mabait talaga sya at naaawa sayo at alam nya na asawa ka ni Namjoon ay diba dapat hiniwalayan na nya si Namjoon noon palang? I think mayroon pa tayong hindi nalalaman tungkol kay Jinwee." Sabi ni Jisoo at at kinain yung cake na nakalagay sa coffee table.

EVANESCENCE✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon