💎Chapter 12: Run away💎
---
Nandito kami ngayon ni Namjoon at Soobin sa park at naka-upo kami ni Namjoon sa bench habang pinapanood si Soobin na makipaglaro sa ibang bata.
"How are you?" Tanong ni Namjoon.
"I'm fine. Ikaw? Kamusta ka na at si Jinwee?"
"Jinwee is fine. But me... hindi ko maexplain... i feel like something is missing."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Jinwee is acting so weird at palagi nyang sinasabi sa akin na busy sya palagi. Palagi ko syang nakikita na may kausap sa cellphone, minsan ay galit sya habang kausap ang tao na nasa kabilang linya. Yesterday she left her phone at may tumawag sa kanya and it was her brother. Sasagutin ko na sana kaso dumating si Jinwee at kinuha sa akin ang phone nya. Anong masama kung sagutin ko ang tawag kung kapatid nya lang yun?"
"I think may problema lang sa company nila?"
"No. Walang paki si Jinwee about sa company nila. He never cares about money."
"Malay mo stressed lang sya at buntis pa sya. Ganyan din dati si mommy noong pinag-bubuntis nya si Taehyung. She's always nagging." We both chuckled.
"I hope so."
---
"Bye daddy Joon!"
"Bye Soobin."
Kumaway sila sa isa't isa at nag-drive na paalis si Namjoon. Hinatid kami ni Namjoon dito sa bahay nila Jisoo bago sya umalis. Pumasok kami sa loob at wala parin sila Jisoo at Chaeyoung.
"Soobin, dito ka lang, okay? Magluluto lang si daddy Jin." Sabi ko kay Soobin na naglalaro sa cellphone ko sa sofa.
"Okay po."
I ruffle his head before walking to the kitchen to cook.
[??? POV]
Nakangiti akong tinitigan ang picture nya at napa-aray naman ako dahil sa pag-batok sa akin ng kapatid ko.
"Aray!"
"Tsaka ka na ngumiti kapag tapos na ang lahat at nakuha na natin ang mga gusto natin."
"I'm sure mapapa-saakin din ang Jin ko. Kung hindi ka lang kasi pumalpak noon ay hindi tayo mahihirapan ng ganito."
"What can i do? Nainip ako eh. Ikaw kasi ang bagal-bagal mong kumilos." Sabi nya at umupo sa tabi ko at pinatong ang paa nya sa coffee table.
"Hindi naman kasi dapat minamadali ang lahat. Dapat gayahin mo ako, kinakaibigan ko muna ang target ko."
"No thank you. I'm sure na kapag nalaman nya ang totoo tungkol sayo ay lalayuan ka nya." Sabi nya at napa-irap sa kawalan.
"Wow. Nag-salita ang mas lalong fake. Mas lalong magagalit sayo si Namjoon dahil nag-sisinungaling ka sa kanya. Kapag nalaman nya na hindi ka talaga buntis ay malamang ikakaladkad ka nya palabas." Sabi ko at napatawa nang inimagine ko na mangyari yun.
"Tawa ka pa. Kapatid ba talaga kita? Ang laki kasi ng suporta mo sa akin. Grabe." Sarkastiko nyang sabi.
I chuckled at tumayo ako mula sa sofa at naglakad papunta sa malapit sa pintuan at sumandal sa pader at tinawagan si Jin.
Nang sagutin nya ay napa-ngiti ako.
"Hello Jin."
"Sino po ito?" Narinig ko ang boses ng batang lalaki sa kabilang linya.
"Hi Soobin. This is Ken, do you remember me?"
BINABASA MO ANG
EVANESCENCE✓
Fiksi Penggemar"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."