💎Chapter 13💎

95 8 0
                                    

💎Chapter 13: Hide and seek💎

---

「Seokjin's POV」

"Daddy Jin, si tito Ken daw po." Sabi ni Soobin at inabot sa akin ang cellphone ko.

Pinatay ko ang stove bago ko itapat ang cellphone ko sa tenga ko.

"Hello?"

"Hi Jin. Okay ka na ba?" Tanong nya mula sa kabilang linya.

"Yeah. I'm fine."

"It's good to hear that you're fine. Are you free tomorrow?"

"Hindi naman. Bakit mo natanong?"

"Gusto kasi kitang imbitahin bukas sa birthday party ko."

"Oh it's your birthday?"

"Yeah. Can you come?"

"I'll try."

"Yes! Thank you Jin."

"You're welcome. Anong oras ba?"

"Around 6. I'll pick you up tomorrow. Dress nicely."

"Okay. Bye.."

"Bye. Thank you talaga."

*Tuut tuut*

Napangiti ako habang inihahanda ang pagkain.

「The Next Day」

N

akatayo ako ngayon sa harap ng closet ko at hindi ko parin alam kung ano ang sosootin ko. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader dito sa kwarto '4: 30' okay so, i have 2 hours to get ready.

"Rosè! Jisoo!" Pagtawag ko kila Jisoo at Chaeyoung at nagmadali silang umakyat dito habang si Jisoo naman ay buhat-buhat si Soobin.

"Bakit?" Tanong ni Chaeyoung.

"Tulungan ninyo akong mag-ready para sa party."

Nagtinginan silang dalawa at ngumisi na parang may gagawing masama at tumingin ulit sa akin at tumango.

---

"Done!" Sabi ni Chae pagkatapos ayusin ang buhok ko.

Tumayo ako mula sa upuan at tinignan ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a white tuxedo that fits me just right, a rolex watch, and a black leather shoes to top it all up. Nakahati naman ang bangs ko kaya mas maayos akong tignan. I admired myself at the mirror at namangha ako dahil lalo akong gumwapo.

"Ang gwapo ko talaga." Sabi ko sa sarili ko.

Tumingin ako sa orasan '6:00' and just in time i heard Jisoo shouted from downstairs.

"Jin, andito na si Ken!"

"I'm coming!" Pabalik 'kong sigaw

Bumaba ako at habang bumababa ako sa hagdan ay nakita ko si Ken na nakangiti habang nakatitig sa akin. Pagkababa ko ay in-offer ni Ken ang braso nya and intertwine my arm with him.

He looks so handsome. Naka-suot sya ng black tuxedo at black leather shoes. He looks so neat and handsome.

"Let's go?"

"Hm." I hum in response.

Bago kami lumabas ay kumaway muna ako kila Jisoo. Pagkalabas namin ay nakita ko ang kulay black na mukhang mamahalin na kotse na naka-park sa harap ng bahay. Pinag-buksan nya ako ng pinto ng kotse. Ang gentleman. Hihi.

"Thank you." Sabi ko sa kanya nang maka-upo ako sa loob.

Ngumiti lang sya sa akin bago isarado ang pintuan ng kotse at naglakad naman sa kabilang side para maka-pasok at maka-upo sa driver's seat. Sinoot namin ang seat belt namin at nag-simulang mag-drive.

Sa buong ride ay sobrang tahimik at awkward tanging ang pag-hinga lang namin naririnig.

"You look so handsome today." He suddenly said out of the blue.

"T-Thanks." Do you really have to stutter Kim Seokjin?

"You don't have to be nervous to me. Hindi naman kita kakainin." He said jokingly.

"Sorry. Awkward lang kasi talaga ako."

---

"We're here." Sabi ni Ken at nag-park sa tapat ng isang malaking venue at maraming tao sa loob.

Tinggal namin ang seatbelt namin at bumaba si Ken mula sa kotse at naglakad sa side ko at pinag-buksan ako  ng pinto.

"Thank you."

We link our arms and walk inside. Binati kami ng mga guards at pumasok na kami sa loob.

"Finally you are here." Nilapitan kami ng isang babae na mukhang nanay ni Ken.

"Mom, this is Jin. My friend." Pagpapakilala sa akin ni Ken sa nanay nya.

Nag-bow ako sa kanya at ngumiti sya sa akin.

"Nako napaka-gwapong bata at mukhang pinalaki ka ng maayos ng mga magulang mo." His mom complimented me.

"Thank you po."

"Ken, maiwan muna kita dito. Makikipag-usap lang ako sa mga kaibigan ko."

"Okay mom."

Umalis sya at iniwan kaming dalawa.

"Do you want any drink?" Tanong nya sa akin.

"No thanks." I slightly smiled at him.

"Ken, sino itong kasama mo?" Tanong ng isang lalaki na mukhang tatay ni Ken.

"Oh right. Dad, this is Jin. My friend."

"Friend? Are you sure?" Nakangising tanong ng tatay nya.

"Yes dad."

"Ah. Oo nga pala. Parating na ang kapatid mo. Tulungan mo sya mamaya dahil buntis ang kapatid mo."

May kapatid sya?

"Yes dad."

"Sige na. Maiwan ko muna kayo dito."

Tumango kaming dalawa.

EVANESCENCE✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon