💎Chapter 3💎

95 8 0
                                    

💎Chapter 3: When will it stop?💎

---

Pinilit ko yung sarili ko na maglinis ng bahay kahit na sobrang sakit parin ng katawan ko. Pupunta ngayon sila Jungkook at Taehyung pati daw sila Yoongi.

Nagluto ako ng pagkain at habang hinahanda ko ang mga pagkain ay may kumatok. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Taehyung at Jungkook

"Hyung!"

Niyakap ko silang dalawa at pinapasok sa loob ng bahay.

"Namiss kita, hyung. Asaan nga pala si Namjoon hyung?" Tanong ni Taehyung at umupo silang dalawa sa lamesa habang ako naman ay pinagpatuloy ang pag-hahanda ng pagkain sa lamesa.

"... Nasa trabaho."

"Ah... teka lang ano toh?" Lumapit sa akin si Taehyung habang ako naman ay paatras ng paatras.

"A-Ano?"

Hinawakan nya ang leeg ko at ngumisi.

"Bakit ka nakangisi?"

"Naka-ilang round kayo?"

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Ayan oh! May marka ang leeg mo. Fresh na fresh pa."

Tinago ko ang leeg ko gamit ang kamay ko.

"H-Hindi ito marka." Kinakabahan 'kong sabi.

"Eh ano yan?"

"K-Kinagat ako ng lamok."

"Ah... ang laki naman ng lamok na yun."

Umupo sya ulit sa tabi ni Jungkook at kumain silang dalawa habang ako ay pinapanood silang dalawa.

"Hyung, hindi ka ba kakain?" Tanong ni Jungkook habang nginunguya ang pagkain.

"Busog pa ako." Sabi ko at ngumiti.

Lumingon kaming tatlo sa pintuan nang makita namin bumukas ito at pumasok ang tatlo pa naming kaibigan kasama si Namjoon.

"Oh. Andito pala kayong dalawa." Sabi ni Hoseok kay Taehyung at Jungkook.

"Nice! Kumpleto na pala tayo." Sabi ni Jimin at umupo sa lamesa sa tabi ni Taehyung at kumain narin.

Umupo silang lahat sa lamesa at kumain habang ako naman ay nakatingin sa baba.

"Jin hyung, bakit hindi ka kumakain?" Tanong ni Hoseok.

"Busog pa ako eh."

"Sure ka?"

"Oo."

"Hyung, asaan nga pala si Soobin?" Tanong ni Jimin.

"Nasa bahay nila Jisoo at Chae."

"Ah... ang tagal ko na hindi nakikita si Jisoo. Kamusta na sya?" Tanong ni Taehyung.

"Okay naman at maganda parin gaya ko." Confident 'kong sabi at hinawi ang buhok ko na parang mahaba ito.

"Bakit? Miss mo na?" Tanong ni Jungkook at umirap.

"Ano ka ba? Nagseselos ka nanaman." Sabi ni Taehyung at niyakap si Jungkook sabay pa-cute.

"Hay nako. Ang landi ah. Yoonie hyung, landiin mo nga din ako." Sabi ni Jimin na nagpatawa sa amin lahat.

"Tumahimik ka nga Chim. Hindi pa kita pinapatawad dahil sa ginawa mo sa akin."

EVANESCENCE✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon