💎Chapter 26: Broken pieces💎
---
"Nakatira sya ngayon sa America at-- Ow!" Tinulungan ko syang umupo. "At kasama nya ang bago nyang pamilya."
"May bago ng pamilya si dad?"
"Yeah... At na-contact na namin sya at pupunta sya ngayon dito."
"What?! Dito? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
*Knock knock*
Lumingon ako sa pintuan at binuksan ito at pagka-bukas ko ay nakatayo si Taehyung at sa tabi nya ay Jungkook na naka-akbay sa kanya.
"Hyung... si dad..."
Biglang lumakas ang pag-tibok ng puso ko.
"Asaan sya?"
Tinuro nya kung nasaan at lumingon ako kay Namjoon at tumango sya sa akin at ngumiti. Huminga ako ng malalim bago ko sya harapin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya nang nakita ko sya ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ilang taon na ang naka-lipas nang umalis sya dito sa Korea. Ang akala namin ay pat*y na sya dahil iyon ang palaging sinasasabi ni mommy. Hindi namin alam ang nangyari dahil magkasama na kami ni Namjoon sa iisang bahay habang si Taehyung naman ay nag-sstay sa dorm nila ni Jungkook sa malapit sa school nila. Isang araw ay nalaman nalang namin na pat*y na si daddy pagkatapos nyang 'pat*yin' ang tatay ni Namjoon.
"Seokjin?"
Nasa harap ko na sya ngayon at tumigil ako sa paglapit sa kanya. Hindi ko magawang lumapit sa kanya. Marami parin tanong ang nasa isip ko. Bakit hindi nya sinabi ang totoo? Bakit kailangan nya kaming paniwalain na pat*y na sya? Bakit nya kami iniwan kahit na noong nawala na si mommy?
Nagtama ang paningin namin at kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Alam 'kong nagsisisi sya sa mga ginawa nya pero bakit hindi nya sinabi ang totoo at pinaglaban ang sarili nya?
"Seokjin , anak..." Naka-bukas ang kanyang braso at hinihintay na yakapin ko sya.
Dahan-dahan ulit akong lumapit sa kanya at niyakap sa ng mahigpit.
"Kamusta ka na? Kamusta na ang apo ko?"
"M-Maayos naman po si Soobin.At malaki na po sya." Hindi ko napigilan ang umiyak.
Kumalas kami sa pagkakyakap at pinunasan ko ang mga luha ko. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko pala si Taehyung.
"Oo nga pala. Taehyung, Seokjin, meet your brother Taejoon." Tumabi si dad sa tabi at isang batang lalaki ang nakatingala sa amin.
Bumaba ako para maabot ko sya at tinitigan ang kanyang mukha at kamukhang kamukha nya si dad na may halong American. Nakatitig lang sin sya sa akin at mukhang walang naiintindihan sa mga nangyayari.
"He--" Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil bago pa nya matuloy ang sasabihin nya ay niyakap ko sya ng mahigpit at sinalihan din kami ni Taehyung at dad.
Finally we are finally complete. Alam 'kong nandito lang si mommy at malamang ay sobrang saya nya dahil kompleto na ulit kami. The broken pieces finally got back together.
BINABASA MO ANG
EVANESCENCE✓
Fanfiction"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."