CHAPTER 1: FIRST ENCOUNTER

80 7 8
                                    

"Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa 'yo
Kung ako na lang sana..."

"Nice one, Elle. Sana ol magaling kumanta." Tinig ni Ethan ang narinig ko pagkatapos ng madamdaming pagkanta ko. Si Ethan Miguel Clemente ay magdadalawang taon ko ng gusto. Alam naman niya pero buti nga walang awkwardness na nagaganap sa amin. Hindi lang iyon, sobrang close pa namin. Wala e. Friends lang talaga turing niya sakin.

FLASHBACK...

"Huyy, Chel. Sama ako. Wala kong magawa rito. " sabi ko sa kaibigan kong si Chel. Siya si Jeaunice Chelsea Miller inshort Chel. Nakikilala ko siya sa isang wattpad group na kinabibilangan ko. Ayun hanggang sa naging sobrang close na kami. Halos itaboy na nga ko ng mga kaklase ko kasi palagi akong nasa section ni Chel e. Ay oo nga pala, ahead ng isang taon siya sa akin. Grade 9 ako tas G10 siya. So ayun nga, gusto ko sumama ulit sa kanya. Ang init naman kasi dito sa grandstand. Paano ba naman kasi intrams namin ngayon. Nakakabagot pa. Hays. Sasama nalang ako baka makahanap pa kong bagong crush. CHARRRRR.

"Sige tara don sa room namin. " pagsang-ayon naman niya sa sinabi ko.

"Ay, ayaw ko pala. Nakakahiya. Puro kaprogram o di kaya kaklase mo nandun." Pagbabagong isip ko naman.

"Kilala ka na naman nila. Malay mo may makilala ka dun. Joke HAHAHAHAHAHA." Pang-uuto ni Chel sakin. Since wala naman akong magawa talaga, ending sumama parin ako. Pero syempre dun lang ako sa may hagdan malapit sa room nila. Nakakahiya kasi talaga.

"May kukunin lang ako sa loob. Or gusto mong sumama? Pwede naman ah?" Pag-aanyaya niya sa akin.

"Okay lang ako. Hintayin nalang kita rito. Basta sa canteen tayo after ha? Bukod sa nahihiya akong pumasok ay nagugutom na rin ako e." Agad kong tanggi naman sa kanya. Pumasok na nga siya agad sa loob ng claasroom nila para kunin ang kung ano man yung kailangan niyang kunin. Habang nakaupo ako, may napansin akong lalaki na pumasok sa katabing room lang ng room nila Chel. Ang gwapo naman nun. HAHAHAHAHAHAHA tanungin ko nga pangalan nun kay Chel. For sure naman kasi kilala niya yun. 4 years na kaya silang magkakaprogram. Saktong pagkawala naman nung gwapong crush ko ay saka naman lumabas si Chel. Yes, I said it right. CRUSH. Crush ko na agad yun hihi.

"Hooooyyyy, Chel. Anong pangalan nung gwapong lalaki dun." Tanong ko agad pagkalabas ni Chel ng room nila.
"Gaga ka. Ang dami daming lalaki sa program namin. Saang section pati? Ruby o Emerald?" Wika ni Chel.

"Ay oo nga pala. Sowiii. Bangag na naman HAHAHAHAHAHAHAHA." Dapat pala tinanong ko yung lalaki kanina kung ano pangalan niya. Di bale na nga. Makikita ko naman ulit yun mamaya. O di kaya sa ibang araw. Duh, iisang school lang kaya kami.

"Tara na nga sa canteen. Mamaya kana manghunting, Elle. Makikita mo rin yun. Nasa iisang school lang kaya kayo." Pag aakit na niya papuntang canteen.

"Sabagay. Tara na nga baka nandon rin yun. CHAROOOOTTT!." Magiliw kong pagsang-ayon. Pagkarating namin ng canteen ay nagdiretso agad akong pila. Gutom na gutom na ko e. Sabagay di pala ko nabubusog basta basta. Kahit nga kalahating kaldero o isang buong kaldero ng kanin ay kayang kaya ko. Buti nalang di ako nataba ng sobra sobra. Tamang taba lang HAHAHAHAHHAA.

"Chel, bigyan mo kong pangalan ng mga kaprogram mo. Hanapin ko nalang hihi." Pag-uutos ko sa aking kaibigan. Alam ko namang papayag to. Bagong magkaibigan palang kami pero sobrang close kami nito. Bukod kasi sa nasa iisang family o grupo sa wattpad ay sobrang comfortable kasi namin sa isa't isa. Selos nga mga kaibigan kong kaklase ko rin e. Gaya nga ng sinabi ko, palagi kong nakasama na kay Chel.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na agad kami sa kanya-kanya naming pwesto sa grandstand. Magkahiwalay ang grade 9 sa grade 10 e. Nasa gitna kami ng Grade 7 at Grade 8 tas nasa pinakadulo naman ang Grade 10.

FASTFORWARD...

"Maaari na umalis ang mga tapos na ang oras ng klase." Sabi ng announcer gamit ang mic.

YEEEEESSSSS! Makakauwi na rin ako. Naeexcite na ko sa isesend ni Chel e. Feeling ko talaga yun na future ko. CHARRR! Pero biro lang, trip ko lang yun. Siguro ito way ko para makalimutan ko na si Nathaniel. Uwuuu:(( Grabe, 6yrs din ako nagsayang ng panahon dun. Pero wala talaga e. Sanaol naman kasi maganda. Atsaka bet kaibigan ko e. Syempre mas mahalaga rin pagkakaibigan namin ng kaibigan kong gusto rin ni Nathaniel. Arrrgghhhh! Enough with the drama. Dapat masaya ako. Nakahanap akong pagtitripan e. HAHAHAHAHAHAHA get ready, crush hihi.

SA BAHAY...

"Nandito na po ko." Pagsasabi ko para alam nilang nakauwi na ko. Grabe nakakapagod magcommute. Pero mas okay na to para solo ako pauwi.

"Kumain kana dyan. Pagkatapos mo rin maghugas ay maggawa kana agad ng assignments mo. Balita ko ay late ka na naman daw nagpasa ng mga projects mo." Pansesermon ng aking lola. Oo lola ko siya. Siya nanay ko e. 3 years old palang yata ako nung dito ako tumira. Sila nagpapaaral sakin. Kahit na ganito siya kahigpit sa pag-aaral ko ay mahal na mahal ko sila ni dada. Si dada ay lolo ko naman. Mga tito at tita sila ng nanay ko. Kung tatanungin niyo nasan parents ko ay hindi ko alam. So balik na sa story. Habang naggagawa ako ng assignments ko ay biglang tumunog cellphone ko. Nakita ko agad yung message ni Chel. Agad ko binuksan yun. Aba malay mo nandun na pala yung pangalan ng crush ko hihi. CHAR NOT CHAR. Pagkabukas ko ng chat ni Chel ay tama nga ako. Nakita ko lists ng boys na kaprogram ni Chel. Tinapos ko na muna ginagawa kong assignments bago ko hinanap yung bago kong trip. Gwapo naman e. Kaya pwede na pamalit kay Nathaniel hihi. Nakakailang search na ko pero hindi ko parin to nahahanap si Mr. Pogi. Actually, isa na nga lang natitira e. Sure ako ikaw na to. Save the best for the last e. Dali dali kong nisearch at BOOM! Tama nga. Siya na nga. Ethan Miguel Clemente pala ha. Ethan-ADHANA ka for me hihi.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon