CHAPTER 5: PICTURE

11 3 0
                                    

"Elle! Elle! Anyare sayo?" Nag-aalalang sabi ni Chel sakin ang nakapagpagising masakit na alaala na iyon. Nakalapit na sakin si Chel ay niyakap ko siya agad. Ang sakit naman nun. Tinatanggap ko na naman e. Bakit kailangan pa bumalik ng masasakit na alaala na iyon?

"Ayaw ko na, Chel:((" Naiiyak kong sabi kay Chel habang niaalo niya ako.

"Shh. Huwag kana umiyak. Di ka namin iiwan, oke? Nandito lang kami para sayo. Pero pwede bang sundin mo kami kahit ngayon lang? Sige kung yung pagbabalik alaala mo sa nakaraan niyong maitatawag nga ba. Pero please? Layuan mo na muna si Ethan. Feeling ko kasi kaya ka rin nasasaktan ay hindi dahil sa mga alaala mong masasakit at masasaya kasama siya pero dahil umaasa ka parin. Umaasa ka kasi nalapit parin siya sayo." Mahabang pakikiusap ni Chel sakin na medyo nakapagpatigil sakin ng saglit bago yumakap ulit at umiyak ng matindi. Ganun pala yun noh? Kung kelan gusto mo makalimot, saka naman sila lalapit sayo. Kung kelan naman kailangan mo yung taong nakasakit sayo ay parang wala lang ikaw. I know that if we love someone ay dapat ibalik niya yung love na ibinigay natin. That's not love. That's selfishness. Nung medyo nahimasmasan na ko ay nakatulog ako na katabi si Chel. Si Chelsea na kahit anong tigas ng ulo ko tungkol kay Ethan ay never ako iniwan.

FLASHBLACK...

"Tara laro. Mamaya pa naman klase natin e." Pag-aakit sa amin ni Trix. Kasama ko ngayon ang mga kaklase ko na kaibigan or kasquad ko. May gagawin daw kasi sina Trix ngayon na presentation e. Kaya sila muna kasama ko ngayong bakanta namin.

"Ano naman lalaruin natin, Trix? Yung nakaupo lang ha? Tinatamad ako ng nakatayo e." Pagtatanong naman ni Ali agad.

"Spin the bottle tayo. Tutal nakapag-open forum naman tayo kahapon diba?" Mabilis na sagot ni Trix. Ang bilis talaga nito kahit kailan.

"Ayaw ko kayo nalang." Pagtanggi ko kasi inaantok na naman ako. Hays. Napakaantukin ko namern.

"Ayaw mo pa? I-dadare ka namin kay Ethan. Kaya sumali kana. Ethan ka pala ha. Nako nako, Elle." Pamimilit naman sakin ni Shane.

"Ay sige sige. Bet ko yan. Kaso di ako bet niya. Chour. HAHAHAHAHAHA tara na. Nasaan naba ang bote? Naeexcite na ko." Agad kong bawi. HAHAHAHAHA wala e. Nigamitan nila ako ng alas. At si Ethan yun hihi.

"Hay nako. Nabanggit lang si Ethan." Biglang sabat naman ni Sien. Lakas talaga nitong mang-inis amp. Ito palagi kong nakakabiruan ng away sa squad namin e. Paano palagi akong nikokontra amp.

"Ganun talaga. Tamo nga ikaw kay Oliveros. HAHAHAHAHAHA." Pabirong pambabara ko kay Sien. Kala niya ah. Si Oli yung badminton player na crush niya. Yari ka sakin mamaya sa dare hihihi.

Nang makahanap kami ng bote ay agad kaming naglaro. Unang tumapat kay Ali. Truth napili niya. So syempre crush niya nitanong namin. Masyadong malihim to e.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon