CHAPTER 2: FIRST CHAT

27 6 1
                                    

"Woi, Elle. Titig na titig ka na naman sakin. Gwapong gwapo ba ko ngayon? Sabi ko naman kasi sayo magmove-on kana sakin e." Tinig ni Ethan ang nakapagpabalik sakin mula sa pag-alaala sa kung pano kami nagkakilala.

"Kadiri ka naman, Ethan. Ikaw? Pogi? Ang hangin mo ngayon ah." Agarang pagtanggi ko.

"Sus. Kung makatanggi naman to parang di mo ko gustong gusto ah? HAHAHAHAHAHAHA okay lang yan par. Makakahanap ka rin ng para sayo." Pagtutuloy niya sa sinasabi niya. Bigla naman akong natauhan dun. Sana nga, par. Sana nga dumating yung araw na hindi na ikaw yung gusto ko. Ang sakit na kasi e. Hindi ko na kaya.

"Alam mo gutom lang yan, Ethan. Tara na nga. Nasan na ba si Chel? Atsaka, ano bang kailangan mo sakin? May kailangan ka ano? Hindi ka basta basta pupunta ng aking laban kung wala e." Pag-iiwas ko ng topic. Baka mas lalo niyang mapatunayan na hindi pa talaga ko okay sa kanya e. Mahirap na. Baka maisipan niya pang lumayo sakin. Ayaw ko naman ng ganun. Mas importante parin pagkakaibigan namin kesa sa nararamdaman ko.

"Ay grabe. Pero hehe, meron nga. Pero kain muna tayo. Tara na baka mainip na si Chelsea." Pag-amin niya.

"Tara tara. Lakas tama ka. Bakit mo kasi iniwan ng solo?" Patungkol ko kay Chel. Iba kasi yun kapag naiiwan e. Baka sabihin iniindian namin HAHAHAHA biro lang.

FLASHBACK...

Nung masigurado ko na siya na talaga yung itinadhana este nakita kong gwapo kanina ay agad ko siyang ni-add sa fb. Grabe ang gwapo naman nito.

Ethan Miguel Clemente accepted youar friend request...

AY SHEMS MAMIIII!! Welcome to my life, crush hihi. Ang bilis mo mang-accept ah? Maghanda ka. Hindi kita tatantanan. CHARR! Pagkaaccept niya sakin ay agad akong nagwave sa kanya tas kunyari napindot hihi. BAT BA? HAHAHAHAHAHAHA sabing crush ko nga e. Hiya hiya pa. Di na uso yun, oy.

You waved at Ethan Miguel Clemente...

"Sorry po napindot ko po. Nakita ko po kasing niaccept niyo po ako e." Pagpapalusot ko sa ginawa kong wave sa kanya sa messenger.

Kapag nagwave back ka crush, hinding hindi talaga kita tatantanan na hihi. Pleaseee? Magwave back ka:((

Ethan Miguel Clemente waved back at you..

MAHGASH!! Nagwave back siya hihi. Welcome to my life na talaga, Ethan mah crush.

"Ayos lang HAHAHAHAHA. Ikaw yung kasama palagi ni Chelsea diba?" Reply niya sa akin.

HANLAAAA SHEMSSS! Nakikita niya kooooo!! Kilala niya koooo kahit sa mukha lang. OMOOOOO:)))

"Ako nga po. Kilala mo pala po ko?" Kunyaring nagugulat kong tanong sa kanya.

"Oo naman. Ikaw ba naman palaging dumaraan kasama ni Chelsea sa tapat ng room namin e. Halos lahat kaya ng nasa G10 star section ay kilala ka." Paliwanag naman niya.

Sus, stalker kita aney? Ikaw talaga, crush. Ako lang to. HAHAHAHAHAHAHA

"Ganun po ba? Sabagay halos itakwil na nga ko ng mga kapwa ko journalists dahil hindi na ko napunta sa room maliban kung may klase." Pagtutungkol ko sa araw araw naming pag-uuli ng magkasama ni Chel.

"Sayang naman di ka nitakwil." Pagbibiro niya.

"Awit. Huwag ganun, Ethan. HAHAHAHAHAHAHA pero pwede." Pwede para magpalipat ako sa program niyo tas palagi kitang makikita tuwing events hihi.

"Biro lang. Maiintindihan ka rin nung mga iyon. Atsaka palagi naman kayong magkakasama nung hindi pa kayo nagkakilala ni Chelsea e." Pagbawi niya.

"Sabagay. Atsaka biro lang naman nila yun sakin. Mababait naman at maintindihin din silang mga kaibigan. "Patungkol ko sa mga kaibigan ko na kaklase.

"So, yeah. Maiba ako? Kailan kayo nagkakilala ni Chelsea? Grabe closeness niyo e." Pagtatanong ni Ethan.

"Hindi pa naman sobrang tagal. Nakilala ko siya saktong birthday ng lolo ko. Ako kasi yung magiging kapartner niya sa paghahandle dun sa Winter. Yung Winter ay team nung aming nihandle." Pagkwekwento ko sa kung pano kami nagkakilala ni Chel.

"Ang cool naman ng pagkakakilala niyo. Siguro nakatadhana kayong maging magkaibigan. Kasi ang galing naman nun. Nasa iisang group kayo tas syempre diba? Sobrang daming tao online? Tapos, nagkakilala kayo. Tapos nasa iisang school at lugar pa kayo. ASTIG! Sanaol may nakikilala sa ganun." Namamanghang reply ni Ethan sa akin. Salamat kay Chel dahil nakilala kita hihi. Ikaw na raw kasi Ethan-ADHANA sakin kaya kami pinagcross ang landas ni Chel. HAHAHAHAHAHA.

"Hoyy?"
"Nandyan kapa?"
"Tulog kana?"
Sunod-sunod na mensahe ni Ethan ang nakapagpabalik sakin sa realidad. Grabe naman itong pinagtitripan ko. Atat na agad sa reply ko? HAHAHAHAHA wait ka lang dyan, crush. Nagmumuni-muni pa ako e. Miss mo naman ako agad.

"Ay, sorry. Bumagal net ko. Di agad naglabas reply mo. Akala ko wala pa." Pagpapalusot ko.

"Ayos lang yun. Akala ko nakatulog kana."

"Ako pa? Matulog agad? HAHAHAHAHAHA kung alam mo lang. Kahit hindi ako matulog ng ilang araw. Kering keri." Pagsasabi ko ng totoo.

"Grabe ka naman magpuyat. Masama yan sa kalusugan. Mas okay ang late matulog kesa di natutulog. Atsaka ang sabi diba? Matulog ng umaga hindi umaga." Panenermon niya sakin. Uwuuuu:)))Concerned sakin si Crush. Dahil dyan, matutulog na ko ng maagap. CHAROOOTTT! Ang harot harot mo, Elle ah. Kulang ka lang sa tulog. Pero sige na nga. For the sake of my crushie's words of wisdom, babawasan ko na pagpupuyat

"Sige po, sorry po tay. Tutulog na po ko tay." Pagbibiro ko sa kanya.

"Grabe siya oh. HAHAHAHAHAHA tulog kana. Anong oras na kaya. Inaantok na rin ako e. Tara na?"

"Ay antok ka na pala. Sorry po. Okay okay tulog na rin ako. Good night, Ethan."

"Goodnight. See you when I see you, I guess?"

"Yeah sure. It's nice chatting with you."

"Ako rin. Nag-enjoy ako. So, pano? Bukas nalang ulit?"

Ay taray. Game na game ako dyan, crushie hihi. Kahit araw arawin pa kitang ichat. HAHAHAHAHAHA

"Sure sure. Bye bye." Pagpapaalam ko habang hinahanap ko si Chel para magchat ng kwento.

Active 1 min ago...

PRESENT TIME...

"Hoooyyy, Elle. Kanina kapa ha. Kinikilabutan na ako sayo. Kanina kapa natutulala dyan. May problema kaba?" Nag-aalalang tanong ni Ethan.

"Ay sorry. Iniisip ko lang if may assignments ako. Alam mo na. HAHAHAHAHA" Pagpapalusot ko sa pag-aalala ko sa nakaraan.

"Tigilan mo na nga muna yan. Diba nga nabanggit mo sa akin kanina na wala kayong klase bukas? Tapos buti nalang kamo ay walang binigay na gawain sa inyo." Pagkwekwento niya sa hindi ko maalala na nabanggit ko pala sa kanya kanina. Grabe naman pagbabalik tanaw na iyon. Hindi ko man lang napansin na sa sobrang pagbabalik tanaw ko ay may nababanggit ako na hindi ko maalala. HALAAAA:(( Baka nabanggit ko rin na gusto ko pa siya. CHAROOOTT! Impossible naman yun.

"Pasensya na po. Nagpapakamatanda ka na naman sakin, Par. Kuya nalang itawag ko sayo. You want?" Pagbibiro ko.

"Loko ka talaga. Bilisan mo na nga dyan. Ayun na si Chelsea oh. Palingon lingon. Yari na naman tayo dyan. Ayaw pa naman nan na pinaghihintay." Pagturo niya kay Chel na palingon lingon na nga. Oshems. Yari na naman ako nito kay Chel. Baka kung ano na naman isipin nila lalo't kasama ko si Ethan.




Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon