Mabilis na lumipas ang mga buwan. At, mas napapadalas na rin ang pagsama sa akin ni Eion. Naging magkaibigan na kami since marami kaming pagkakatulad sa personality. Pero, mas lalo lumalalim naman ang pagkakagusto ko kay Ethan. Hindi ko ba alam kung bakit. Ilang beses na ulit ako nareject pero siya parin talaga. Hays. Ayaw ko na mag-isip.
"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo ah." Nanggugulat na sabi ni Eion. Diba? Kita niyo na? Napakamapang-asar talaga nitong lalaking ito. Pasalamat siya at kaibigan ko na siya. Kung hindi ay kawawa ito sa akin. CHAROOOOT! Nagngiti nalang ang sagot ko dahil medyo may problema ako. Kasi naman, ang bilis ng panahon. Birthday na ni Ethan in 3 weeks huhuhu. Ano kayang magandang gawin? I-pm ko kaya friends niya? Hingi ako ng messages nila. 18 na yun e. Kaya dapat may mga 18 18 kineme ako. Ano kaya pwedeng ilagay? Ay alam ko na. Gagawa nalang ako ng account tas nandun lahat ng matatapos kong 18 kineme. Hmmm? 18 messages, 18 pictures, 18 songs, and 18 messages with pictures. Pwede na siguro to.
FASTFORWARD...
2 WEEKS LEFT BEFORE HIS BIRTHDAY...
Ayan nakagawa na akong account. Maligayang Kaarawan ang pangalan. Pag-iisipan ko nalang kung ano-ano mga nakalagay dito. Hmmm? Try ko kayang magtanong kay Eion? Speaking of, ayan palapit na si Eion. HAHAHHAHAAH maitry nga kung may matino tong maiibigay na suggestions.
"Hoooy!" Pasigaw kong tawag sa kanya. Aba tumigil pa dun sa may gitna e. Mukhang awan tuloy siya dun.
"Miss na miss mo naman ako agad. Kalma ka lang, Elle. Ako lang to." Sabagay tawa nang malakas. Lakas talaga ng tama nitong lalaking Ito. Hays.
"Kapal ng mukha naman nito. Magtatanong lang ako sayo kaya." Pangbabara ko sa sinabi Niya.
"Grabe, hindi mo man lang sinakyan kahit konti." Malungkot kunyari na sabi niya.
"Ay sige. Take 2, gusto mo?" Pang-uuto ko sa kanya.
"Huwag na. Ano bang maipaglilingkod ko sayo, Boss Elle?" Pagtanggi niya sa sinabi ko. Grabe naman tong lalaki na ito. Napakamatampuhin huhu.
"Sorry na nga. Pero sa tingin mo, ano magandang ilagay dun sa account na ginawa ko for Ethan? Like 18 messages kineme."
"Ayan, kapag Ethan napakagaling. Hindi ka naman gusto nan." Pang-aasar niya. Pagkatapos niya umimik ay nagwalk-out siya. Anyare naman don? Mamaya ko na nga lang susuyuin. Huwag masyado dahil nasasanay siyang sinusuyo kasi. Kaya ayun, pagkaalis niya ay nag-isip nalang ako. Mas mabilis pa nga ako nakaisip e. 12AM Birthday greet, 18 messages, 18 songs, Pictures na kasama ka with messages, at Last pages ng diary ko. Sana magustuhan niya dahil wala na talaga akong maisip na gawin. Wala naman akong baon para makapag-ipon. Hays.
AN HOUR BEFORE ETHAN'S BIRTHDAY...
Eion Travis Estocada sent a message.
Bakit kaya napachat itong lalaki na ito. Wala na kayang topak to?
Eion Travis Estocada: Hinihintay mo yung saktong 12am, aney?
Me: Oo, para naman effort.
Eion Travis Estocada: Edi sanaol. Matulog kana pagkatapos. Goodnight, Elle-angot.
Me: Napakasama talaga ng ugali mo. Mag-gogoodnight nalang ikaw nan ah.
Eion Travis Estocada: Sorry na nga. HAHAHAHAHAHAHAHA epic ka masyado e. Sige na wag masyadong magpuyat kasi hindi ka naman nan nililikeback, kaya matulog na after agad agad.
Hindi ko na nireplyan kasi alam kong hahaba na naman yung usapan namin. Tiningnan ko bigla ang oras at buti nalang ay 3 minutes pa bago ang 12am. Shems, kinabahan ako dun. Grabe naman kasi, anong oras na rin ng magchat si Eion. Muntik ko tuloy makaligtaan ang 12AM. Buti nalang. Ayan na! Ayan na! 1, 2, and 3...
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
Teen FictionElle started having a crush on Ethan but eventually falling deeply. She will only experience rejections to the guy he love that will lead her to eventually forget her feelings.