CHAPTER 15: DIARY

13 3 0
                                    

PRESENT TIME...

Naalala ko nagbili pala ako ng maliit na notebook dati para sana sa balita namin sa AP. Tapos nakalimutan na ni Sir na magpapasa kami nun. E biglang naoperahan si Sir. Ayun hindi na natuloy ang balitaan dapat kasi naiba rin na yung guro namin. Kaya ang ginawa ko nalang ay ginawa ko siyang diary. Ibibigay ko yun kapag naglipat na ako ng school e. Actually, naitabi ko iyon.

January 7, 20xx
Hello. Gusto ko lang sabihin na gustong gustong gusto kita. I know paulit ulit ko na sinasabi to pero titigilan na talaga kita. Hindi na kita ichachat or i-ddm. Hindi na rin ako magkakalat sa twitter or facebook ng kahit ano tungkol sa feelings ko sayo. But please, cheer up oke? At sana wag mo ko kakalimutan hoho. Salamat parin kahit nasasaktan ako ay napasaya mo naman ako. Legit hoho.

January 8, 20xx
Gustong gustong gustong gustong gustong gusto kita higit pa sa iniisip mo. Pero par, bat ganun? Alam ko namang ex ka ng kaibigan ko kaya dapat tigilan kita pero hindi ko kaya. Naiinis ako kasi ipinagpipilitan ko nalang sarili ko. Sabi ko diba, di kita susukuan? Pero mukhang kelangan ko na ata HAHAHAHAHAHHAAHA. Alam ko di naman mawawala agad yun. Pero asahan mo talaga na hindi na ko magpaparamdam lalo't wala na kong magiging connection sa STEM.

January 9, 20xx
Alam mo par. Okay lang sakin nung si D naging ano mo noon e. Nakita ko kasi na masaya ka. Pero ngayon, alam ko na kung san nanggagaling yung galit ko sa kanya ngayon.

January 10, 20xx
Sana dumating na agad yung taong magpapahalaga sayo. Yung taong magpapakita sayo ng worth mo. Kahit di ako yun basta sumaya ka, Par.

January 11, 20xx
Kapag nababasa ko yung tweets mo about sa pinagdadaanan mo, nalulungkot ako. Nasasaktan rin ako. Kaso par, wala naman akong magagawa e.

January 12, 20xx
It's been 8 days simula ng hindi na kita kinukulit. Aaminin ko, nadedemonyo parin ako magchat pero syempre di pwede. Mas okay na to kesa masaktan at umiyak ulit ako.
Hindi tayo pwede, pinagtagpo pero di itinadhana." Bakit hindi pwede? Bat ayaw mo sa akin? Dahil ba sa itsura ko? Sorry, I can't be beautiful like them. Ito lang ako eh.

January 13, 20xx
Hi! Gusto kita ichat tas sabihan ng ingat pero wag na kasi rurupok na naman ako. So ayun, ingat you. Huwag na muna umalis para maglaro kasi delikado ang hangin now. Imissyou! Sana ikaw ren🙂

January 14, 20xx
Woi! Wala na namang pasok. Huwag pagala gala muna ha? Safety first. I want to message you pero I can't. I really need to move on kahit hindi naman naging tayo.

January 15, 20xx
Henlo! Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip parin ako na lumipat ng school pero maganda parin ang makukuha ko kapag lumipat ako. Bukod sa isang sakay lang sa amin ay hindi pa kita makikita. Pero sana enough na yung 2 years para di na magaya kay Athan na 6 years bago magmove-on.

January 20, 20xx
Henloooo! Sorry ngayon lang ule. Hindi naman sa busy ako kasi never ako magiging busy sayo. Ano lang, maraming problema. Ganun hehehe. Namiss ko magsulat sayo. Kamusta na?

February 3, 20xx
Ayun! Ngayon nalang ulit ako nakapagsulat so baka maya't maya itong araw na ito.

February 21, 20xx
Habang tumatagal lalong lumalalim iyong feelings ko, par. Ano bang nagawa mo sa akin?

February 21, 20xx
Taena, ang kyot natin sa pic kahapon. Ang kyot lalo kana.

February 21, 20xx
Ikaw lang talaga pinanonood ko nung nagsayaw ang SHS students.

February 21, 20xx
Siguro nga, par. Baliw na ako.

February 21, 20xx
Par, sana ako nalang. Pero ayaw ko namang pilitin ka. Kaya kung meron ka man ulit na gusto, I'll support you. Kahit masakit, tatanggapin ko basta sumaya ka.

February 21, 20xx
Paulit ulit na ko ng pagsasabi nito pero believe me, you're worth it. Balang araw, darating yung right girl na gusto mo at gusto ka rin at magpapasaya sayo. Ay, HAHAHAHAHA. Pati pala mag-iistay. Tiwala lang, par. PAYTING!

February 21, 20xx
In less than 2 months, matatapos na school year. Malapit na kong lumipat par. Ingatan mo sarili mo ha? Mamimiss ko yung ngiti mo lalo na yung mismong ikaw.

February 21, 20xx
Aasa parin ako kahit na  mawala ako sa LIS. Sana mapagbigyan mo kahit isang beses itong nararamdaman ko sayo.

May 29, 20xx
Kamusta? Sinaktan ka na naman ng kaibigan ko. Alam ko na sabi mo ay huwag magalit sa kanya kasi di niya naman ginusto eon kasi desisyon niyo yun. Pero, Ethan, tangina naman. Yung pangarap ko nga na magustuhan mo pabalik ay impossible tapos sila? Hindi ako matahimik.

May 30, 20xx
Kung desperada tingin mo sa akin after nito, ayos lang. Basta kung pagbibigyan mo ko kahit no choice ka lang. Kahit na option mo nalang ako ay okay lang. Feel free to message me, alright?

Tapos ito naman ay February ko sinulat pero dahil nasa last page siya ay hinuli ko nalang iyon isend sa kanya. Yun kasi yung tanda kung kailan ko sinulat yung message na dapat mabasa niya. Yung message na naglalaman ng pamamaalam ko.

February 21, 20xx
(Nasa last page kasi to ng diary ko hehe)
Kapag nasa iyo na itong notebook na ito, ibig saibihin tapos na ang school year. Tapos na ang pananatili ko sa LIS. Pero never matatapos yung care ko sayo. Siguro pati yung feelings. Be strong! Be confident! Be happy! I can always be your friend kahit ganun lang. hehehehe...

END!

Oh diba? HAHAHAHAHAHAH kahit ano talagang pilit natin sa tao kapag ayaw sa atin ay ayaw. Kahit gaano katagal tayo magstay o ipakita ang sinseridad ng nararamdaman natin, kapag hindi tayo gusto ay hindi tayo pipiliin. No hate, only pain. HAHAHAHAHAHA pero okay na rin siguro yun. Kesa naman nagustuhan ka nga pilit naman. Mas masakit yun kapag bigla nalang nasira. Basta ako, alam kong kahit gaano na ito kalalim ay mawawala rin to. Sa ngayon, kailangan ko muna sanayin sarili ko na hindi siya kinakausap o walang kung ano ang makakapagpabalik ng pilit kong kinakalimutan na feelings sa kanya. Kapag wala na ito, pwedeng pwede ko na siyang tingnan ng walang kilig kung hindi ay true friendship nalang. Yun naman talaga kami e, una palang. FRIENDS o pwede na ring more than friends kaya BESTFRIENDS/BEST PAR.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon