Mabilis lang dumaan ang mga araw at malapit na naman ang Math Camp. Sana naman maging maganda ang pangyayare ngayon sa event na ito. Baka naman maulit na naman yung dati. Awit yun kapag naulit. Aissshhhh! No to negative vibes tayo ngayon. Marami ring gawain kaya dapat ay iwasan ang masasamang isipin. Baka biglang mawala sa mood at hindi ito matapos. Kaya habang nagpapatuloy ako sa mga ginagawa ko ay iniisip ko nalang yung mga nakaraang araw na sabihin na rin nating pwede ang nakaraang buwan. Yung panahon na magkasama kami ni Isaiah sa parke. Yung mga pag-uusap namin tuwing gabi. Nalaman ko rin na may gusto siya na kaklase niya pero ayon naman kay Chel ay wala naman sa isip nung babae na magkaroon ng relasyon o what. Kaya ayos lang sabi ko. Atsaka crush ko palang naman to e. HAHAHAHAHAHAHA so balik tayo(Sanaol nabalik. Chos) Pagkatapos ko tumulong sa aking kapwa officers ay nagbalik na muna ako ng room para dalawin ang aking mga kaibigan. Sakto namang sa senior high building ang oras ng klase namin kaya malaki ang possibility na makita ko siya o madaanan ko ang kanilang room. Busy naman ang lahat sa paghahanda sa magaganap na Math Camp e. Kaya wala masyadong klase ngayon. Wala e. HAHAHAHAHAHA ganoon ka excited ang mga estudyante ng LIS. Habang magiliw akong naglilibot ng tingin papunta sa mga kaklase ko ay nahagip ng mata ko si Ethan. Nakangiti at tumatawa kasama ang isang babae na hindi ko masyadong makita. Ay sanaol nakakangiti aney? Sanaol din nakakatawa ng ganyan. CHAROOOT! Bago pa mapansin na nakatingin ako ay tumakbo na ako ng mabilis. Habang tumatakbo ako ay may hindi ako sinasadyang mabunggo. Bukod pa don ay napaupo ako sa sahig. Aray ko huhuhuhu.
"Sorry//Sorry" sabay naming sabi. Nagkagulatan pa kami ni Isaiah ng mapansin namin na nabunggo pala namin ang isa't isa.
"Ayos lang//Ayos lang yun." Sabay ulit naming sabi. Pagkasabi namin nun ay sabay kaming natawa sa reaksyon ng isa't isa. Shems, bakit ang gwapo rin ng ngiti mo??!!!
"Tayo na tayo. Tulungan na kita tumayo." Sabi niya habang inaabot niya ang kamay ko pagkatayo niya.
"Salamat, Isaiah." Nahihiya kong pagpapasalamat sa kanya. Bakit ba? Nahihiya ako eh. Ikaw ba naman abutan ng kamay. Never pa naman nangyari ang abutan ng kamay with Ethan. ARRRRGHH! Stop comparing Ethan and Isaiah. Isaiah is better than Ethan. TAMAAA! Yun na yun.
"Sige, Elle. Una na muna ako ha? Nagmamadali kasi ako. Baka nagugutom na mga katropa ko. Nautusan lang kasi ako e. Pasensya na ulit." Agad niyang paalam. Hindi na niya hinintay na sumagot ako dahil dumiretso na siya ng takbo. Pero bago pa siya makalayo ay nitaas niya nalang kamay niya tanda ng pamamaalam niya ulit. Ganyan nga, Isaiah. Pagkawala ni Isaiah sa paningin ko ay dumiretso na ko sa aming room sa taas. Doon naabutan ko ang mga kaklase kong may kanya kanyang mundo. May mga nasa tapat ng aircon. May mga nag-iipitan ng buhok sa likod. May mga team charge ng phones sa unahan. May mga nakikipagkwentuhan sa aming teacher. Tapos syempre may mga nagkwekwentuhan sa kanilang pwesto at yun ang mga kaibigan ko. Pagkapansin nila sa akin ay dumiretso na ako kung nasaan sila. Pero nakakailang minuto palang ako kasama ng mga kaibigan ko ay bigla akong nichat ng isa sa aking kasamahan sa officers ng Math. Kaya agad din akong nagpaalam sa aking mga kaibigan. Mabilis ko lang nakita ang kasamahan ko dahil nasa malapit lang naman sila. Iniabot nila sa akib yung mga tickets ng pagkain para ipamigay sa bawat grade levels and sections. Ang dami naman nito. Buti nalang may kasama ulit ako kahit dalawa lang kami. Nakakahiya kayang magsolo mamigay ng tickets.
FASTFORWARD...
Alas kwatro na ngayon. Dalawang oras nalang at nandito ako sa loob ng gym kung saab magsisimula na ulit ang Math Camp na pinakahihintay ng lahat. Ang Math Camp kung san mararanasan mong maglaro buong gabi, magkaroon ng night party, makipagkulitan/kwentuhan sa lahat ng kasama, at higit sa lahat ay ang matulog sa school. Masama ang last Math Camp ko pero sana ngayon ay hindi naman. Kaya para hindi masira Math Camp ko ay agad kong hinanap si Isaiah. Balita ko kasi ay kasama siya sa Math Camp. Shems, ang saya nun. Makakasama ko at makakausap ko kahit papaano siya. Nakakaexcite naman ito. At syempre bago magsimula ay lumabas muna ako ng gym para hanapin si Isaiah este kunin ang gamit ko dahil once na nakapasok kana mamaya ay pahirapan na ulit makalabas. Habang lumalabas ng gym ay agad kong kinapa ang cellphone ko para magmessage kay Isaiah. Paalis muna pala siya ng school para kumuha ng gamit. Kaya uuwi pala muna siya. At, ayun nga siya. Palabas ng gate pero may kasama siyang babae. At ang babaeng iyon ay ang kaibigan ko. Pero ayoko muna mag-isip ng masama. Baka mamaya ay aksidenteng nagkasabay lang naman sila. Atsaka kung ano man ay edi tanggapin nalang ulit. Hindi naman kami para pagbawalan sila diba? Ayun nga lang. Mauulit na naman. Kaya agad kong nichat ulit si Isaiah.
Hermoine Elle Villanueva: Crush mo si Dayne? Yung legit? Walang halong kasinungalingan?
Isaiah Ross Servano: Opo
Hermoine Elle Villanueva: Crush ka ni Dayne?
Isaiah Ross Servano: Sabi niya daw ay oo pero di ko lang alam kung legit.
Hermoine Elle Villanueva: Okayy. Salamat sa pagiging honest.
Pagkatapos ng tanungan na iyon ay hindi ko na muling binasa ang reply niya. Agad ko nalang inalis muna ang aking messenger at nag-off ng data para i-focus ang sarili sa dapat kong pagkaabalahan. Ang hirap magpatuloy sa ginagawa ko. Alam ko hindi pa kasing tindi ng nararamdaman ko ang kay Isaiah kesa kay Ethan pero ang sakit talaga. Iisang tao lang din. Pero dalawang magkaibang lalaki. Bakit ganun? I know I'm not beautiful enough para sa kanila pero yun naba talaga ang basehan ngayon? Ang itsura ng isang tao? Pero kahit na ganito, may nararamdaman akong tampo na kailangan kong pigilan para hindi maging galit. Friendship is more important than anything. Kaya for the second time with different man, I'm willing to support Dayne and Isaiah.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
Teen FictionElle started having a crush on Ethan but eventually falling deeply. She will only experience rejections to the guy he love that will lead her to eventually forget her feelings.