CHAPTER 9: STAY BY YOUR SIDE

8 2 0
                                    

Nabulabog ang tulog ko sa sunod-sunod na vibrate galing sa notifications ko sa messenger at twitter. Nagulat pa ako at iisa lang ang laman ng mensahe sa dalawang social media apps na ito.

TWITTER and MESSENGER
Someone: Hooyyy, Elle! Gising! Wala na raw si Dayne at Ethan.
Someone: Totoo ba iyon? Wala na raw sina Ethan at Dayne?
Someone: Mare, wala na raw yung dalawa?
Someone: Wala na raw sila, sis?

O diba? Iisa lang ang content ng kanilang messages. Puro wala na si Dayne at Ethan. Pero syempre bago pa makarating sa kanila ang balitang iyon ay alam ko na. Ako paba? HAHAHAHAHHAAHA kaibigan ko si Dayne kahit iba siya ng program sa akin e. Syempre bilang kaibigan nabanggit niya na sa akin iyon. Aminado pa nga siya na kasalanan niya. Hindi ko alam kung bakit sa akin pa nga sinasabi. I mean, yes magkaibigan kami. Pero kasi, alam naman niyang gusto ko si Ethan. At, alam naman namin parehas na kung sino gusto ni Ethan at kanino lang sasaya si Ethan. Pero ang sakit lang, alam ko kasi dahilan kung bakit niya hiniwalayan e. Ang sakit nun sa part ni Ethan. Ang sakit nun sa part ng gusto ko at sa part ko. Alam ko hindi ako gusto ni Ethan kaya pinabayaan ko sila. Nisuportahan ko ang pagmamahalan nila. Ni-hindi nga ako nagtanim ng galit sa kanila e. Nagtampo, oo. Pero galit? Malabong mangyari yun. Pero wala rin pala yung pagsasakripisyo ko. Balewala rin pala yung pagsuporta ko kasi nagawang lokohin ni Dayne si Ethan. Alam ko magiging epekto nun kay Ethan. Babalik na naman siya sa moving on stage. Babalik na naman siya sa naranasan niya sa gusto niya na kaibigan niya pero di siya gusto. Ang lungkot na naman panigurado nun. Kausapin ko nga iyon mamaya. Ayan na naman. Wala na naman pagmomove on ko. Ichachat ko na naman si Ethan. Mangungulit na naman ako. Magpapakamartyr ako habang nasasaktan siya sa kaibigan ko. ISSSSAAAPRAAAAANKKK! Hindi pa pala ako nakakamove on. Trial lang daw pala yun. Trial na biglang nagfailed dahil nakikita ko na namang nalulungkot siya. Nagiging marupok ako kapag nakikita ko siyang malungkot. Bumabalik ako kapag may problema siya.

Nireplyan ko nalang mga kaibigan ko bago bumangon at dumiretso ng cr para maligo. Ang agap pa pero heto ako sa loob ng cr at naghahanda na sa pagligo. Paano ba naman kasi, pwede namang pagkarating ko nalang ng school sila makichismis. Masyadong excited talaga tong mga ito. Kaya ayan, dali-dali akong naligo. Pagkaligo ko ay nagbihis na agad ako tapos pumasok ng school. Hindi na ako kakain. Sa school nalang ako kakain tutal maagap pa naman.

"GOOD MORNING, ELLE!" Gulat sa akin ng mga kaibigan kong naghihintay pala sa loob ng classroom katabi ng pintuan para lang gulatin ako. Ang babait talagang mga kaibigan. Hay nako🤦‍♀️

"Ay kabayo!" Nagugulat kong reaksyon. Ano ba naman trip nitong kaibigan kong ito? Napakalakas talaga ng tama nito. Bigla bigla nalang mga nanggugulat.

"HAHAHAHAHAHAHA epic fail naman ng mukha mo, Elle. Grabe sayang hindi namin napicturan." Natatawang pang-aasar ni Sien. Kahit kailan talaga itong babae na ito. Kaibigan ko ba talaga ito? Hindi ko nga alam pano kami naging magkaibigan nitong si Sien e. CHAROOOT! Mahal ko lahat ng mga kaibigan ko kasama itong si Sien. Mapang-asar lang talaga ito pero sobrang solid maging kaibigan.

"Napakasama talaga ng ugali mo sa akin, Sien." Naaasar kunyari kong sabi.

"Magsitigil na nga kayong dalawa. Baka mamaya ay magkatotohanan na iyang asaran niyo. Mag-away pa kayo bigla dyan. Hay nako talaga naman kayo, oo." Parang nagsasawang pag-awat sa amin ni Triz. Buti nalang gumitna na ito.

"Kwentuhan nalang muna tayo. Maagap pa naman masyado e. Agap mo ngayon, Elle ah? Himala at papasok ka sa Advanced Grammar natin. HAHAHAHAHAHAHAHA." Natauhan na sabi ni Shane. Kung nagtataka kayo at ganyan ang sabi niya, well tama siya. Bihira ako makapasok sa Advanced Grammar namin na 6:30a.m. first subject namin. Ang agap naman kasi. Ayan tuloy, ngayon lang ako nakapasok.

"Sinong hindi magigising sa messages niyong iisa lang naman ang tanong? Magkakasama na pala kayo tapos kung makapagtanong kayo. Juskopo." Medyo naiinis kong paninisi. Paano ba naman kasi, ang sarap sarap na ng tulog ko. Pinili na ako ni Ethan sa panaginip ko tapos bigla akong magigising sa vibration ng cellphone ko. Ang galing talaga hoho.

"Huwag kana magalit. So, wala na talaga si Dayne at Ethan? Legit yun?" Nang-iintrigang tanong ng aking mga kaibigan. Ang chismosa talaga ng mga ito.

"Kanino niyo ba kasi nabalitaan yan? Ang chismosa niyo ah." Nagtataka kong pagbabalik ng tanong sa kanila. Nakakapagtaka kasi na nalaman agad nila iyon samantalang hindi pa naman natagal ng ilang araw yung break-up nung dalawang iyon.

"Duh? Hindi na kaya header ni Ethan si Dayne. Hindi na rin header ni Dayne si Ethan." Sagot nila na parang sobra akong natangahan na hindi nila dapat alam iyon. Ang lakas naman nito mang-stalk.

"Alam niyo naman pala. Huwag na kayo magtanong. Nagmomove on ako, remember? Nananahimik na nga lang ako e. Baka kasi kapag kinausap ko ay mas lalo akong hindi makalimot." Nalulungkot ko ng sabi. Totoo naman kasi e. Nagmomove on ako. Alam ko isang chat lang sa akin ni Ethan ay bibigay ako. Isang tweet or post lang ni Ethan ay babalik na naman ako sa pangungulit maparamdam ko lang na hindi siya nag-iisa sa nararamdaman niyang kalungkutan. Bakit kasi hindi nalang ako, Ethan? Sabihin mo lahat ng circumstances na sinasabi mo, gagawin ko. Hinding hindi ka mag-iisa kung ako lang pipiliin mo. Pero ayaw din naman kitang pilitin. Sobrang selfish na iyon kung ipipilit ko ang sarili ko. Mananatili ako sa tabi niya kahit na iba ang kailangan niya. I will by your side. I will not leave you even if I'm not the one you need. I will support you even if you need her support. I will love you even if you love her. I will always be a friend to you. Nandito lang ako palagi kahit bilang KAIBIGAN mo lang.



Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon