PRESENT TIME...
"Elle, gising kana ba?" Katok ni Chel. Kanina pa kasi ako gising pero hindi pa ako bumabangon. Napaisip na naman ako e. Ilang buwan ko na ring hindi pinapansin si Ethan. I even deactivated all my social media accounts just to ignore him. Kahit sa school ay hindi ko rin siya pinapansin. Ni-hindi ko nga siya tinitingnan. Naririnig ko siyang tinatawag ako pero as usual ay hindi ko siya pinapansin. Hindi rin binabanggit ng mga kaklase ko at lalo na ni Chel si Ethan. Medyo okay na nga ako e. Hindi ko na rin siya naiisip. Ngayon nalang ulit. Kapag nakikita or naririnig ko lang siya lahat ay bumabalik. Pero kapag hindi naman ay medyo nababawasan na ang aking pag-iisip.
"Oo, gising na ako. Wait mo nalang ako sa baba. Liligo lang muna ako." Sagot ko pagkatapos ko magbalik-tanaw muli.
"Sige. Hintayin nalang kita sa baba ha? Bilisan mo na, Chel. Baka malate pa tayo sa school." Pahina na sabi ni Chel. Tumatakbo na kasi siya pababa e. Pagkaalis ni Chel ay inayos ko na agad ang aking higaan. Agad na akong dumiretso ng banyo para maligo. Inalis ko na muna lahat ng negativity ko at pag-iisip sa kanya para iwas breakdown. Umagang-umaga mag-iisip ka ng bagay na makakapagpalungkot sayo? Huwag ganun. Kapag nasanay ka ay baka mahirapan ka na bumangon at magpatuloy sa buhay.
THROWBACK...
After that Math Camp, wala na akong gana sumali sa kung saan. Nagtataka na ang iba kong kaklase sa kinikilos ko. Hindi na naman nagtaka mga kaibigan ko dahil kilala na naman nila ako. Atsaka alam na rin nila yung tungkol kay Isaiah at Dayne. Alam ko na hindi naman ganoon kalalim yung pagkakacrush ko kay Isaiah pero kasi ang sakit nun. Kaibigan ko parin e. Iisang tao lang. Si Ethan at si Dayne nung unang Math Camp. Ngayon namang school year na to ay si Isaiah naman at si Dayne. Iisang kaibigan ko pero dalawang magkaibang tao. Ang sakit naman nun. Habang tumatagal din natindi yung tampo ko. Hindi ko alam kung bakit pero nagsisimulang mabuo galit ko. Kaya para mabawasan ang galit ko ay agad akong nagchat kay Dayne. Ayaw ko kasi talagang nagtatanim ng sama ng loob e. Sa mga nagdaang mga buwan ay kahit papaano naman ay bumabalik na sa dati ang sigla ko. Ayun nga lang, lalong bumabalik yung nararamdaman ko na pilit kong kinakalimutan. Yung feelings ko na kahit na magkaroon ako ng sobrang daming crush ay babalik at babalik parin kay Ethan. After those days, trial lang pala yung moved on stage ko na naranasan kay Isaiah. Though nasaktan ako sa kanila ni Dayne, feeling ko talaga nasaktan lang ako doon kasi naulit lang ang kaganapan nung nakaraang taon.
"Hoy teh, tuleley ka na naman." Biglang sabi ni Jeymie habang nagdadrama na naman ako. Oo nga pala, nasa klase nga pala kami. Buti nalang di ako tinatawag ng aming teacher. Nakakahiya baka wala akong maisagot.
"May iniisip lang ako. Hindi naman ako tinawag diba?" Though, sigurado naman ako ay nagtanong parin ako.
"Hindi naman teh. Pero kanina kapa napapansin ng lahat." Agad naman na sabi ni Jeymie. Nag-ngiti nalang ako at nakinig na sa aming guro na nagtuturo sa unahan. Okay lang naman pala. Math nga pala subject namin. Kahit pala hindi ako makinig ay keri lang. Hindi naman sa ano pero paborito ko kasi ang subject na to. Gusto ko kasi ng challenge parang siya. CHAROOOT!
Mabilis natapos ang oras ng Math. Wala kaming kasunod na subject kaya naisipan nalang nilang kumain. Tumanggi na agad ako dahil inaantok ako. Sabi naman e basta bakante ay either nakain or tulog ako pero mostly natutulog ako. Kaya pagkatanggi ko ay agad na nagpaalam na mga kaibigan ko. Dadalhan nalang daw nila ako ng makakain. Agad ko namang pinatong ulo ko sa bag ko na nakasandal sa lamesa. Agad ako pumikit pero nung ilang minuto na ay hindi ako makatulog. Sinubukan ko ulit matulog pero hindi ko talaga mahanap ang aking tulog. Pisteeeee! Bakit ngayon pa nawala antok ko? Kung kailan naman kailangan manahimik ng utak ko e. Hayss. Nag-angat na ulit ako ng ulo at saktong pagtingin ko sa hagdan ay natanaw ko si Ethan kasama ang kanyang mga kaklase. Hays, ang daming dahilan para magustuhan ka pero alinman dun ay hindi yun ang lumalabas na rason kung bakit gustong-gusto kita. Bakit nga ba gustong gusto kita? Ilang beses mo na akong sinaktan. Ilang beses mo na akong nireject. Ilang beses na ko sumubok mangalimot. Ilang beses na kong tumigil. Pero laging nawawala yung pagsubok ko sa paglimot. Makita ko lang talaga mga posts, tweets, at iba pang may kinalaman sayo ay agad kitang nichachat. Tinatanong kung okay ka lang ba. Kung kumain kana ba. O di kaya sinesendan kita ng mga messages to cheer you up. Na paulit ulit mong sinasabing naaappreciate mo. At, nararamdaman ko naman na naaappreacite mo yun. Sabi ng mga kaibigan ko, ikaw ang pinakamabait at pinakaapproachable sa lahat ng nagustuhan ko. Pinakamabait kasi kahit na ilang beses mo ko nirereject ay nandyan ka parin. Pinakamabait kasi napakahonest mo sa nararamdaman mo towards me. Na you're willing to reject me para hindi ako umasa sayo. At ikaw pinakaapproachable kasi kahit halos lahat ay kilala ka bilang gusto ko ay hindi ka nagagalit or naiinis sa kanila. And, hinding hindi ko pagsisisihan na ikaw nagustuhan ko. Sana dumating yung araw na malaman ko yung dahilan kung bakit ikaw. Kung bakit ikaw ang gustong-gusto ko. Kung bakit sa kabila ng rejections ay ikaw lang. Dami ko tuloy naiitweet. Lahat naman yun ay tungkol sayo. Basta kahit na anong mangyari sa ngayon, alam kong ikaw ng ikaw lang ang pipiliin ko. I may not be in your choices, pero ikaw parin. Ay mali, ikaw lang ng ikaw. Stucked na ako sayo, Ethan. Ikaw lang talaga. Hindi ko na alam kung paano makakamove on sayo.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
Teen FictionElle started having a crush on Ethan but eventually falling deeply. She will only experience rejections to the guy he love that will lead her to eventually forget her feelings.