CHAPTER 18: RESPONSE

7 3 0
                                    

HIS BIRTHDAY(7:11AM)

Ethan Miguel Clemente:
woi
anong account
HAHASHAHSHASHAHASHASA
WOI

Ethan replied to your message.

Ethan Miguel Clemente:
hindi ka stress and you know that
Thank you so much uWu
I'll really open it later.
Thank you ulit.

Hermione Elle Villanueva:
You're always welcome. Sana iopen mo kasi pinag-isipan ko yan ng mabuti. Enjooooy.

After ng chat ko ay hindi na siya nagreply pero nagreact siya ng heart. Okay lang Naman. Baka kasi busy rin siya since birthday niya nga. Sana di siya mastress ngayong birthday niya(crossed fingers). Lumipas ng mga oras at naisipan ko ulit magchat sa kanya. Tinanong ko siya kung nabasa na niya yung mga nakalagay sa account na iyon. Pagkalipas ng halos isang oras ay saka palang siya nagreply. Sinabi niyang hindi pa niya mabuksan dahil inaatake na naman siya ng anxiety niya. Wala talaga panama ang aking ginawang mga messages sa kanya. Hindi talaga effective kapag sa akin na nanggagaling ang mga bawat payo. Hays. I don't know what to do anymore. Nasa ganun akong pag-iisip ng biglang may sumulpot sa tabi ko na nakapagpagulat sa akin.

"Hoyyy! Tulala ka na naman. Sabi naman kasi sayo e, wag mo ko masyadong isipin e. Marupok pa naman ako." Nang-aasar na gulat sa akin ni Eion. Kahit kailan talaga tong lalaki na ito. Sobrang panira ng pagdadrama ko. Pano ko nga ba to naging kaibigan? Ay kaibigan ko pala to? Ewan ko na rin amp.

"Kapal naman po pala. Atsaka bakit nandito ka? Hindi ba kasama mo yung babae na may gusto sayo? Sino nga iyon? Nalimutan ko na ang pangalan." Pambabara ko sa kanya. Atsaka yung tinutukoy ko ay yung bagong nag-confess sa kanya. Iba rin pala tong lalaki na ito. Ang dami ring may gusto rito e. Kapag kasama ko nga to napakasama ng tingin sa akin ng may gusto rito e. Kaya minsan nalayo na rin ako. HAHAHAHAHAHA ayaw ko nga ng away. Hindi naman ako pinalaki para makipag-away. At mas lalong hindi ako nag-aaral para makipag-away. Oh diba, ang dami ko agad naisingit. HAHAHAHAHAHA pampahaba lang ng sasabihin(chos).

"Bakit mo naman natanong? Nagseselos kaba?" Taas-kilay na tanong niya sa akin.

"As if naman. Wala na talagang mas kakapal sa mukha mo, aney?" Naiinis kong sabi sa kanya. At ang loko'y tinawanan lang ako ng napakalakas. Talaga ito basta manalo sa asaran ay wagas kung tumawa. Napakasama talaga ng ugali huhu.

"Okay lang yan. Try mo rin mag-confess sa akin. Tingnan natin kung magugustuhan kita pabalik HAHAHAHAHAHAHA." Pagkasabi niya nan ay bigla na naman siyang tumawa ng nakakaasar.

"Kung makatawa ka naman wagas. Atsaka, never akong mag-coconfess sayo. Siguro ikaw may gusto sa akin ano? Matagal mo na kong binibiro ng ganyan." Seryoso kunyare kong pang-aasar. Ang loko ayun nag-iba ang itsura. HAHAHAAHHAHAHSHA ang epic ng mukha.

"Tara na nga. Gutom lang yan. Nag-iilusyon ka tuloy." Nauutal na sabi niya.

"E bakit nauutal ka? HAHAHAHHAAHHA ikaw pala. Nako nako. Sinasabi ko sayo. Ethan lang ako." Nang-aasar ko paring sabi sa kanya.

"Hindi ka naman gusto." Pabulong ngunit kinig kong sabi niya.

"Grabe to. HAHAHAHAHHAA pero ang epic ng mukha mo. Tara na nga kain na tayo. Baka mamaya mapaamin ka agad sa akin." Tatawa-tawa kong sabi habang naglalakad na papuntang canteen. Naiiwan ko na siya ng konti dahil natigil siya ng bahagya sa kanyang pwesto. Nagsunod na naman siya nung nakita niya na napansin kong wala na siya sa likod ko.

Nag-order na ng pagkain si Eion samantalang ako ay naghahanap ng mauupuan namin. Medyo nahirapan pa nga ako kasi ang daming estudyante ngayon sa canteen e. Pero nakahanap parin naman ako. Pagkaupo ko ay saktong dating naman ni Eion. Kaya pagkaupo niya ay nagsimula na agad kaming kumain. Malapit na rin magsimula ang time namin e. Meron nalang kaming thirty minutes para kumain. Naubos kasi yung oras namin sa asaran kanina e. Napakadaldal at mapang-asar kasi. Ayan tuloy, naubos na oras para sa pagkain.

"Ay shet!." Napalakas kong sabi. Nagulat pa nga yung katabi naming nakain kaya agad akong nag-peace sign.

"Anyare sayo? Nigulat mo mga nakain. Kakahiya ka woi." Sabi ni Eion habang nanguya pa. Kahit kailan ito, kain is life. Kahit may pagkain ay iimik parin.

"Sorry na nga. May naalala ako e. Wag mo kong intindihin. Mas kailangan mo kumain kasi baka magkasakit ka. Alam ko namang love na love mo ang kumain." Sagot ko pabalik sa kanya. Nagtaka kayo bat ako napalakas ang boses,aney? E kasi nakalimutan ko na hinihintay ko nga pala reply ni Ethan. Epal kasi tong lalaking kasama ko. Napakadaldal daig pa ako. Pagkasubo ko ng nasa kutsara ko ay agad kong binuklat ang bag ko para hanapin ang aking cellphone. Hindi naman mahirap hanapin yun kaya agad ko ring nahanap. Agad kong nilagyan ng password ito at nag-on ng data para icheck kung may reply na si Ethan sa nga messages ko nung birthday niya. At hindi nga ako nagkakamali. May mga messages na nga siya na iniwan. Agad ko iyong binuksan at binasa.

Ethan Miguel Clemente:

Elle
Thank you so much
Super sweet ng ginawa mong ito
You deserve the happiness that you want
But I can't be the source of that
I am more than ever suicidal and more evil than before
I'm really sorry
Pero I'm very greatful for what you did
I really appreciated it
More than you think
From the 18 messages up to the point where you share things written in your diary
I like the idea

Pagkabasa ko ng kanyang reply ay agad napalitan ng malungkot na ngiti ang mukha ko. Agad akong naggawa ng reply ko rin sa kanya.

Hermoine Elle Villanueva:

Okay lang naman
Gusto ko lang ipabasa sayo kasi may mga messages din doon na ginawa ko to cheer you up
I'm not expecting anymore
I want you to be happy
Free yourself from that suicidal thoughts
Gift nalang sana ibibigay ko
But then again, I realized na you needed those
Messages that can cheer you up a little bit
Na messages from someone you know
And I hope na kahit ganan lang
Na feel mo kung gaano ka kahalaga sa akin
I really hope for your true happiness

Pagkatapos ko magsend ay nakita kong naseen niya agad mga mensahe ko at agad siyang nagtype ng reply.

Ethan Miguel Clemente:

Thank you:>>>>
I hope that it would find me too

Habang nag-iisip pa siya ng sasabihin niya ay agad akong nagreply muna.

Hermoine Elle Villanueva:

You will
Not now but very soon
So cheer up, oke?

Ethan Miguel Clemente:

I will
Sana ikaw din
Salamat sa lahat

Nagreact nalang ako sa last messages niya. Hindi ko na kayang magbasa e. Mamaya magtaka itong si Eion kung bakit ako naiiyak e. Pagkatunghay ko kay Eion, nakita kong tapos na siya kumain. Hindi na siya nagtanong at hinayaan nalang niya akong tapusin ang kinakain ko. Kaya agad ko na yung inubos para hindi kami malate. Sakto lang ang dating namin sa room. Kararating lang din ni Ma'am.





Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon