CHAPTER 8: MOVING ON STAGE

17 2 0
                                    

Matagal tagal na rin simula ng hindi ko nakakausap si Ethan pero si Dayne ay lagi kong kausap. Kinakamusta niya ko palagi eh. Alangan magkaibigan kami, remember? So ayun nga, okay na okay na ako. Napagpasyahan ko kasi dati na sa Role Play World(RPW) nalang muna ako dati. Ilang months na nakakalipas simula yung nangyari pero wala parin akong matinong jowa HAHAHAHAHAHAHA. Pano ba naman kasi, kada isang linggo ay paiba-iba yung nagiging jowa ko sa rpw.

Convo with my friends;
FIRST WEEK NA MAY JOWA

Me: May jowa na ko, Triz.
Triz: Sino? Ang daya mo ah. Bakit hindi mo pinapakilala sa amin? Nako ka. Yari ka sa buong squad. Di kana marunong magkwento.
Me: Kumalma ka nga. Ngayon palang to baliw. Siya si Ice. Nakilala ko sa rpw tapos taga Caloocan siya.
Triz: Aba naman. Ang layo naman nan, Elle.
Me: Ayos na rin to. HAHAHAHAHAHAHA di ko naman kilala tas di ko rin alam itsura.
Triz: Basta ingat ka sa mga nakakausap mo ha? Suportado ka namin sa lahat ng gusto mo kesa sa nagmumukmok ka.
Me: Salamat, Triz. I'm going to tell na sa iba.
Triz: Go, girl. We got you always.

AFTER A WEEK...

Me: May jowa na ako ulit.
Shane: Taga saan na naman iyan?
Me: Taga Rizal? HAHAHAHAHAHAHA
Shane: Nako naman, Elle. Pangalawa na iyan ha.
Me: Hayaan niyo na. Atleast di na umaasa sa napatol ng kaibigan. CHOUR.
Shane: Elle naman. Pero ano ba magagawa namin? Syempre support ka namin. Pero sana itigil mo na rin yan. Ginagamit mo iba para mawala yang totoo mong nararamdaman kay Ethan e.
Me: Sige, Shane. Banggitin mo pa:(( JOKEEEEE! Madali naman ako maattach kaya keri na to. Atsaka hindi naman ako nagloko dun sa taga Caloocan. Aba, malaman laman ko ba namang may gf pala sa rw amp. Okay lang sana kung yung kasalananan niya ay yung hindi pagsasabi sakin ng real account niya lang. Kaso kaya pala sinabing yun yung real account niya kasi may gf sa rw. Balak hiwalayan niya raw. Naghihintay ng chance makipaghiwalay. LOL. Alam ko yun. Nikakausap nga ako. Balik na raw ako amp. Sorry pero di ako nag-uulit ng lalaking nanloloko. Galit ako sa kabit kaya never ako magigng ganun amp.
Shane: Kalma. HAHAHAHAHAHAHA awit kay Ice. Sige basta ingat ka parin ha? Sabihan mo kami kapag may problema ka sa bago mo.

Paulit-ulit lang ang nangayari. Ilang beses ako nagpalit-palit ng jowa. Pinakamatagal na ang isang linggo at isang araw ang pinakamaikli. Nagpaulit-ulit hanggang sa mapagod ako sa pakikipaglaro sa mga tao sa RPW. Naging inactive ulit ako don. Hindi ko na ulit binuksan account ko. Inabala ko nalang sarili ko sa mga bagay na magiging busy ako panigurado. Okay naman ako kapag umaga hanggang bago mag-gabi pero once na gumabi ay kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak ko. Nilalamon na naman ako ng kalungkutan. Nilalamon ako ng pag-ooverthink. Nilalamon nito ang buong sistema ko. Gabi-gabi ganoon ako. Walang gabi ang nagdaan na hindi ako nakaramdam ng lungkot. Walang gabi na hindi ako umiyak. Walang gabi na hindi ako nagbackread sa dati naming usap. Walang gabi na hindi ko naalala kung paano ako umasa sa wala. Walang gabi na hindi ko inisip kung bakit hindi niya ako nagawang piliin. HAHAHAHAAHHA alam ko namang pangit ako pero hindi naman yun ang dahilan panigurado. Kilala ko si Ethan. Kahit ilang buwan palang kami magkakilala ay mabait yun. Alam kong never siyang magbabase sa itsura though puro magaganda nabanggit sa akin ni Chel na gusto raw ni Ethan. Bata pa ako. Marami pa kong makikilala pero siya parin gusto ko. Hindi ko siya madalas makita pero soya parin gusto ko. Hindi ko siya madalas kasama pero siya lang gusto ko. I tried so hard to forget him pero I can't. Naiwas ako sa kanya para mabawasan yung feelings. Pero taena naman talaga. Imbes na mabawasan ay lalong nadadagdagan yung feelings ko for him. HOW TO MOVE ON????!!! Sa sobrang pag-iisip ko nakakalimutan ko na mag-aral ng mabuti. Makagawa na nga lang ng tula. Yun naman pinagagawa sa amin sa dalawang subject e. Filipino at English yun. Walang paksa na binigay. Alam na this. Alam ko na kung ano isusulat. Tingnan mo to, Ethan. Ikaw parin laman ng mga tula ko. Ikaw at ikaw lang.

POEM(ENGLISH)

"THE DIFFERENCE BETWEEN I AND SHE"

I
I like you,
You like her.
I miss you,
You miss her.

II
I'm here for you,
You need her.
I stayed beside you,
You look for her.

III
I waited for you,
You waited for her.
I chose you,
You chose her.

TULA(FILIPINO)

PERO

I
Gusto kita,
Pero gusto mo siya.
Miss na kita,
Pero miss mo siya.

II
Ako nasa tabi mo,
Pero siya ang kailangan mo.
Nanatili ako,
Pero siya ang hinahanap mo.

Takte. HAHAHAHAHAHAHAHA halatang halata na may pinagdadaanan ako rito ah? Pero keri lang, totoo naman kasi.

KINABUKASAN...

Teacher: Read your poems infront. Let's start with the last surname in girls then follow until the first one in boys. Gets niyo? Dapat kung masaya yung theme ng poem ay mahahawa kami. At kung malungkot naman ay dapat malulungkot din kami. Start na, Villanueva.

Nananadya ba sila? Bakit ako una? Wengya naman. Unang una ako tas baka maiyak pa ako. Hays. Bahala na nga ito. Basta kailangan with proper emotions and feelings pa.

Me: Good morning, everyone. This poem made by me is entitled "The Difference Between I and She." I'm not good at making poems but I hope you'll like it. So, I'll start now. I like you, you like her. I miss you, you miss her. (Shet naman. Miss na kitang kulitin.)

I here for you, you need her. (Ako nandito pero bakit siya parin? Bakit hindi nalang ako?)

I stayed beside you, you look for her. (Ako nanatili sayo pero bakit siya nipili mo?)

I waited for you, you waited for her. (Akala ko hinihintay mo sarili mong makamove-on. Yun naman pala ang hinihintay mo ay sagutin ka ni Dayne.)

I chose you, you chose her. (Kahit hindi ako ang pinili mo, paulit-ulit kitang pipiliin. Kahit walang pumili sayo, nandito lang ako patuloy at walang sawa kang pipiliin.)

Me: That's all thank you for listening. I hope you like the poem po. Hindi talaga ako marunong.

Nagulat ako dahil pagkaupo ko ay bigla nalang silang pumalakpak. Nag-ngiti mga kaibigan ko at teacher namin sa English. Yes, naitawid ko ng ayos ang aking tula. Sana mamaya rin, tutula. PAYTINGGGG! 




Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon