Ilang linggo na mula ng malaman ko na ang tinutukoy ni Dayne na boyfriend niya ay ang taong gusto ko pala. Grabe na naman yung sakit. Para lang naman kasi naulit yung dati sa 6yrs kong nagustuhan. Kaya ayun, mag-iilang linggo ko na ring hindi kinakausap si Ethan. Nagchachat siya sakin para magsorry.
Ethan Miguel Clemente sent you a message...
Ethan Miguel Clemente: Nabanggit sa akin ni Dayne na alam mo na raw yung tungkol sa amin. Sorry, Elle. Sorry kasi hindi ko agad sinabi sayo. Alam ko rin na kaibigan mo siya kaya di ko sinabi. Baka kasi dahil sa akin ay masira pagkakaibigan niyo.
Pero syempre hindi ko siya nireplyan. Kailangan ko munang magpahinga. Ipagpahinga yung puso kong palagi nalang umaasa sa wala. Paulit-ulit na pangyayari nalang to. Lahat nalang ng gusto ko iba ang gusto. Lahat nalang ng gugustuhin ko ay siyang kaibigan ko ang nagugustuhan. Sanaol talaga. Sanaol maganda. Sanaol pinili. Yun nalang ata role ko sa buhay. I know na I'm still young for this pero wala e. Masakit talaga sa part ko yun. Atsaka sa ugali ko kasi, mas mahalaga parin ang friendship sa akin.
"Hoooyyy! Mukha kang nalugi dyan." Pagbabalik sa akin sa realidad ni Maris.
"Nako, teh. Broken na broken ka aney? Totoo ba yun? Si Dayne yung girlfriend ni Ethan?" Tanong ni Jey. Si Jey yung kaibigan kong bakla.
"Oo nga teh. Kaya nga ganan yang ate mong girl e." Pagsagot naman ni Zyd. Isa pa naming baklang kaibigan. Nag-uusap usap sila pero wala kong maintindihan. Hanggang sa pumasok kami ng room ay ganun parin yung bigat na nararamdaman ko. Walangya naman. Hindi pwede ito. Maaapektuhan yung grades ko. Pero wala talaga ako sa mood:(( Paano na ito? Ito pa naman pinakaayaw kong subject ngayong Grade 9. Inaantok ako rito palagi. Paano pa kaya ngayong masama loob ko? Edi lalo akong inantok? Hays. Ayaw ko na:(( Habang nikakausap ko sarili ko ay biglang nag-vibrate ang aking cellphone. Sino naman kaya tong nagmessage na ito? Hindi ba niya alam na baka nagkaklase ako? Duh, school hours ngayon. Pero nagulat ako ng makitang si Ethan yun. Hindi ko sana sasagutin kaso nakita ko yung reply niya e. Ayaw ko nga ng isyu.
Ethan Miguel Clemente: Kausapin mo na ako, please? Sorry kasi friendship lang talaga gusto ko sayo. I like you pero walang circumstances na maglelead as mag-jowa. Sana maintindihan mo.
Hindi sana ako magrereply pero takte ano bang gusto nitong circumstances. Akala ko nagmomove on lang sa past niya, yun pala iba na agad ang nais. Parang minsan lang ay yung dati niyang kaibigan ang gusto niya tapos ngayon kaibigan ko na. So, ang ending nireplyan ko na.
Hermoine Elle Villanueva: Okay lang yun. Hindi naman ako galit. Sadyang busy lang talaga ako sa school. Naprepressure kasi ako ganern. Huwag mo na yung isipin masyado.
Sana naman ay umalis na yun. Baka kasi magka-issue pa ko sa kanya jusme. Atsaka nasa labas lang namin yung section ng kaibigan kong si Dayne. Mas lalong awkward iyon. Atsaka ayaw ko maging dahilan yun ng away namin. Kaya hangga't maaari ay ako nalang ang iiwas. Masakit man pero kakayanin para sa gusto ko at para sa kaibigan ko.
"Oy sis. Sobrang tamlay mo ah? Hindi mo pa nasagot mga tanong sayo sa recitations sa iba't ibang subjects. Hindi parin gumagaan kahit papaano pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Jami. Bakante namin kaya magpapahinga na sana ako kaso biglang tumabi sa akin si Jami.
"Luh HAHAHAAHHAHAAHHA baliw. Ayos na ayos naman ako. Ewan ko ba para akong lalagnatin. Sobrang sama ng pakiramdam ko kasi. Hindi naman ako nilalagnat pero parang magkakalagnat ako. Pero don't worry, wala tong kinalaman sa kung anong nangyari nung math camp. Sige tutulog muna ako ha?" Agad kong pagtanggi. Ayaw ko kasing mag-alala sila lalo. Okay lang na solohin to. Atsaka ang drama naman masyado if magiging sobra ang pagiging broken ko. Hindi naman naging kami. Kaya malalampasan ko rin ito agad.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
Teen FictionElle started having a crush on Ethan but eventually falling deeply. She will only experience rejections to the guy he love that will lead her to eventually forget her feelings.