CHAPTER 16: REPLY

6 3 0
                                    

Pagkatapos ko isend lahat ng nilalaman ng aking diary ay pinatay ko na muna cp ko. Alam ko naman kasing hindi agad agad magrereply iyon sa akin. Sa sobrang negatibo na niyang tao, madalas na rin siyang mang-inbox. Atsaka naiwas din daw siya kasi ayaw niya akong umasa sa wala. Kaya ayun, nagfocus nalang ako sa school habang naghihintay ng kanyang reply.

"Nabasa naba niya yung diary mo?" Tanong ni Alli pagkapasok namin ng aming classroom.

"Hindi pa nga e. Hayaan na muna natin. Ganun naman talaga siya e." Agad kong tanggi kay Alli.

"Ang tagal mo na minessage yun ah? Bakit hindi parin niya binabasa? Grabe naman. Sobrang effort mo na. Sobrang bait mo pa. Tapos binabalewala ka lang ni Ethan? Ano ba naman siya?" Nagtatakang sabi ni Alli habang naglilinis kami ng classroom dahil cleaners kami.

"Hayaan na muna natin. Atsaka hindi ko naman siya nirerequired na gustuhin ako pabalik e. I'm more than willing to love him kahit na hindi niya maappreciate or what. Sa ngayon, ayusin na muna natin ang paglilinis dahil parating na yun si Ma'am." Nang-iiwas ko sa pwede pang ikalalim ng usapan namin ni Alli. Sorry, Alli. Hindi ko kaya yung pinag-uusapan natin e. Sobrang sakit kasi nun. Yung ako nandito pero never ako ginusto. Atsaka hindi ko rin naman alam kung kailangan babasahin or babasahin ba niya yun. Maghihintay nalang ulit ako tutal naman ay sanay na sanay na akong maghintay sa mga bagay at lalo na sa taong walang kasiguraduhan. 

Agad na naming tinuloy ang paglilinis. Saktong pagkatapos namin ay bigla na lang dumating si Ma'am. Agad na kaming bumalik sa aming kanya kanyang upuan. Habang nagdidiscuss ng lessons ay lumilipad lang ang aking utak.

"Ma'am, pasensya na po. Masama po ata yung pakiramdam ni Elle." Nakapagbalik sa katinuan ko ang sinabi ni Eion.

"Ma'am, bakit po?" Nagtatakang tanong ko ng makita ko na halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sakin.

"Kanina pa kita tinatawag. Hindi ka naman naimik. Hindi mo pinapansin ang bawat tawag ko. Ayos ka lang ba, Ms. Villanueva?" Nag-aalalang sabi ng aming guro. Buti nalang sobrang bait nito dahil kung hindi ay baka sumabog na ito sa galit HAHAHAHAHA. Hanla ang sama tumawa.

"Ma'am, samahan ko na po si Elle sa clinic. Mukhang masama po ang pakiramdam niya e." Pagpapaalam ni Eion sa aming guro na nakapagpagulat sa akin at hiyaw para sa mga kaklase namin. Kahit kailan talaga tong mga ito. Parang sasamahan lang ako sa clinic e. Hays, mga utak talaga nitong mga ito.

"Excused po, Ma'am. Salamat po ulit. Punta na po kami sa clinic. Ako na pong bahala kay Elle." Dagdag na sabi ni Eion bago nilapitan ako para akitin na lumabas ng classroom. Nang makalabas na kami ay hinatid niya lang ako sa clinic at nawala na siya bigla. Hindi ko nalang siya pinansin at humiga nalang muna ako para magpahinga. Sa sobrang pag-iisip ko habang nakatulala ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kung hindi lang ako nagising sa mabangong amoy na pagkaing dala ni Eion.

"Okay kana ba? May masakit paba sayo? Napano kaba kasi?" Kitang kita ang pag-aalala sa kanya. Napano kaya ito?

"Okay na ako. Akala ko bumalik kana ng room kaya ka nawala kanina. Ayun natulog nalang ako. Medyo natuluyan sama ng pakiramdam ko kasi e." Agad kong sagot sa tanong niyang marami. Hindi ko nga maalala na close kami nito e. Charot HAHAHAHHAAHA. Nasa ganyang eksena ako ng biglang magvibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha. Bumungad sa akin ang messages ni Ethan. Matagal kong hindi nakita to sa notification ng aking messenger ah.

Ethan Miguel Clemente:

Slr tulog na ako ng mga oras na yan hahahah

Hey, kababasa ko lang ng lahat

Ang sweet at ang thoughtful 😊

Ramdam ko yung pagkakasabi mo

Yes I know my worth though sometimes I wish I could dissappear and wish my entire existence were erased.

Sorry If I couldn't comfort u when u needed comforting from someone, it's because nag da doubt ako na kapag ginawa ko un mas lalo kang mahirapan. Kaya ako naging cold sa chat

To help you see na im not worth your time, and for you to move on.

Don't worry it wouldn't be hard now since may bago kang crush and I'm glad from the exact moment i saw your tweets on having a new crush kasi it means na you can be genuinely happy

Thank you so much for making me feel like i was unique.

And that's it. HAHAHAHAHAHA sana all may crush. Trial na nga lang yun tapos wala rin. Sa kaibigan ko parin napunta. Wala talaga, Ethan? Seryoso kana dyan? Hindi naba magbabago desisyon mo? Habang nagdadrama ako ay hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Nagulat nalang ako ng may mag-abot sa akin ng panyo. Pagtingala ko ay nakita ko si Eion. Nandito pa nga pala ito. Nakakahiya naman. Nakita niya pa ang pag-iyak ko huhuhu. Dobleng kahihiyan to:((

"Nagreply na siya sa diary mo?" Tanong niya na nakapagpagulat sakin. Teka bakit alam niyang nagawa ako ng diary para kay Ethan?

"Oo pero teka nga, bakit alam mo yun?" Nalilito ko talagang tanong pabalik sa kanya.

"Ha? Ah eh. Syempre diba alam ng lahat na may gusto ka kay Ethan? Tapos parang narinig ko na may ginawa kang sulat na diary para sa kanya." Nauutal na sagot niya. Hayaan na nga. Hindi naman importante yun. Atleast, may kasama ako ngayong malungkot ako.

"Tutal alam mo na naman. Yes, nagreply na siya." Pagsagot ko sa unang tanong niya kanina.

"Anong sinabi sayo? Ay, sorry ang daldal ko na ata masyado. HAHAHA." Biglang napapakamot sa ulo na nahihiya niyang sabi.

"Ang cute mo. HAHAHAHAHAHA okay lang magtanong ka tungkol don. Nakita mo na nga ako umiyak e. Salamat pala atsaka sorry din kasi nakita mo kong nasa ganitong sitwasyon." Buong puso kong pagpapasalamat sa kanya. Napansin ko pa nga ang pamumula niya e. Ang cute naman pala nitong si Eion. Pero syempre, wala paring tatalo sa Ethan ko.

"Tara na? Uwian na rin e. Sabay na tayo maglakad." Pang-aakit niya pauwi. Oras na pala ng labasan? Hindi ko napansin yun ah. Sabagay nag-enjoy naman ako kahit papaano sa ginawang pagsama sa akin ni Eion. Nauna na si Eion maglakad pagkatapos niya ako alalayan tumayo ng higaan sa clinic. Kinuha lang namin ang aming mga gamit na nakapatong sa sofa. Nakuha na raw niya kanina bago siya bumalik kasama yung pagkain e.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon