CHAPTER 12: PARK

13 3 0
                                    

Makalipas ang ilang araw ay nalaman ko na agad ang pangalan nung bago kong crush. HAHAHAHAHHAAHAHA taray crush agad, aney? Tapos swerte pa nga dahil kaklase siya ni Chel. Auto-bigay ng cp para sa palihim na picture kay crush. Impyernes ha, ang gwapo rin ng isang Isaiah Ross Servano. Pero syempre lamang parin si Ethan. CHAAARAAAAN! ISSSAAAPRAAANK! Sus, Ethan hu? I only know Isaiah. Dejoke. So ayun, nandito kaming magkakaklase sa may senior high building para sa aming tv journalism na subject. Tamang hintay lang dito sa first floor kay Ma'am. Baka kasi mamaya wala na naman si Ma'am e. Edi nasayang yung akyat ng mga kaklase ko. Oo, akyat lang nila. Worth it akyat ko palagi e. Syempre, dun din nagkaklase malapit sina Chel and Isaiah mah crush e. HAHAHAHAHAHAHAA edi may inspiration ako. Hays, ako lang to guys. Yung hindi pinili ni Ethan. Joke lang ulit. Nakamoved-on na sabi ako. Ako paba? Strong kaya ako. After ko maging baliw kakausap sa sarili ay dumating na ang aming kaklase para sabihing may klase. Dumiretso na agad kami sa ikatlong palapag. Doon room namin e. Tapos sa ikalawang floor naman sina Chel ngayon. Pero ang alam ko bakante nila kaya baka makasalubong ko rin sila hihi. And speaking of, nakikita ko na naglalakad ang buong section nila Chel. Nung makasalubong at makita ako ni Chel ay agad ko siyang nilapitan saglit sabay abot ng aking cellphone.

"Psst, Chel. Cellphone ko oh. Ikaw na bahala sa picture ni Isaiah ha? Hihi." Bumubulong kong sabi kay Chel. Natawa lang naman si Chel sa sinabi ko. Pagkatapos ko ibigay ay tumakbo naman ako agad paakyat dahil medyo nahuli na ako sa pag-akyat. Pero bago ko makaakyat ng tuluyan ay may narinig akong tumawag sakin.

"Elle!" Tawag ni Ethan. Pero imbes na tumigil ay dumiretso nalang ako papunta sa room namin. Mahirap na baka masaktan lang ako ulit. Puro sorry na naman sasabihin nun e. Nakakasawa na. Tigil na rin siya. Hinahayaan ko na nga sila ng kung sino man ang gusto niya ngayon e. Sana naman makisama siya sa ginagawa kong pagkalimot. Ako nga nakisama nung araw na nalaman ko na sila pala ng kaibigan kong si Dayne e. Hindi yung magpaparamdam siya basta basta na parang wala lang yung nangyari. Habang nagbabalik-tanaw ako sa sakit ng nakaraan ay hindi ko namalayang nasa tapat na pala ko ng room namin. Actually, katabi ko na nga si Ma'am e. Nakatingin siya sakin. Sinusuri kung anong nangyayari sakin. At kung bakit hindi ko pa binubuksan ang pintuan.

"Ayos ka lang ba, Elle?" Nag-aalala ngunit may halong pagtatakang tanong ni Ma'am Heart.

"Ayos lang naman po ako, Ma'am. Medyo sumakit lang po tagiliran ko kaya po napatigil po ako. Pasensya na po, hehe." Agad kong sagot kay Ma'am. Pagkatapos nun ay dali-dali kong binuksan ang pintuan at pinaunang pumasok si Ma'am sa room tapos ako naman ang pumasok. Nagdiscuss lang ng konti si Ma'am bago nagpaalam na siyang aalis dahil may meeting daw ang teachers buong maghapon. Kaya ang ending ay half day lang pala kami ngayon. Dapat pala hindi na muna ako kumain. Wala na akong pera. Mamayang gabi pa naman ako makakauwi dahil magsisimba kami tapos sabay na ko pauwi sa kanila. Thursday nga rin pala. Ang malas naman huhu.

"Hoy, Elle. HAHAHAHAHHAHAHAAHA anong itsura yan? Para ka namang nalugi." Natatawang tanong ni Sien. Wala ka talaga sa tamang timing.

"Gagi, huwag mo na badtripin yan. HAHAHAHAHAHA narinig ko tinawag yan ni Ethan kanina." Natatawa namang singit ni Ali.

"Tigil na nga kayo. Nagmomove on yan oh. Tingnan niyo naman may bagong crush yan. Ano nga ulit pangalan nun, Elle?" Pag-awat ni Triz sa dalawa naming kaibigan. Buti pa to napaka-neutral. Si Ali kasi minsan lang.

"Isaiah Ross Servano. Ganda ng pangalan, aney? Ako lang to, guys." Nagmamalaking sagot ko sa tanong ni Triz.

"Oo, ikaw lang yan! Yung hindi pinili." Sabay-sabay naman nilang sabi sabay tawa. Talaga naman. Binabawi ko na po sinabi ko kay Triz huhu. Isa pa pala itong mangtitrip.

"Uuwi naba tayo o tara kina Triz?" Pag-iiba ni Maris ng topic.

"Ako kasi ay mamaya pang gabi uuwi. Diba nga, Thursday ngayon. Simba time. Pero kayo if gusto niyo kina Triz gora lang ako. Or kung uuwi kayo ay sa bayan nalang muna ko. Doon muna ako sa aking tito" Ako na ang unang sumagot ng tanong ni Maris.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon