CHAPTER 4: REJECTION

19 3 0
                                    

"Uuwi na kami, Ethan. Mukhang masama pakiramdam nitong si Elle. Atsaka baka pagod na rin to. Pasensya na. Sa ibang araw ka nalang magpatulong sa kanya. Babush." Sunod sunod na sabi ni Chel kay Ethan. Pagkaalis na pagkaalis namin sa kainan ay agad na kaming umuwi ni Chel ng bahay. Oo, bahay. Magkasama kami sa iisang bahay. Di ko nga pala nabanggit. Nalaman ko kasi sa lola ko na pinsan ko pala tong si Chel. Ayun, pinilit ko si lola na dito nalang din si Chel sa amin. Buti nalang pumayag. Pagkadiretso namin ng kwarto namin ni Chel na pinsan ko pala, ayun na naman ang parang nananakit niyang tingin.

"Ang sama mo naman makatingin, Chel. Napapaano kaba? Kanina kapa woi." Tanong ko pagkahiga ko ng kama. Hindi ko matagalan tingin niya kaya humiga nalang ako e.

"Bakit ba kasi ang tagal niyo? Duh! Bukod sa pinaghintay niyo ko ng matagal ay akala mo hindi ko napapansin nung nakaupo na kayo na magkatabi pa? Habang nagmumuni- muni ka nakatingin ka kay Ethan. Malungkot na malungkot itsura mo. Sinabi ko naman kasi sayo e. Kalimutan mo na kasi siya. Ikaw lang naman nasasaktan e." Panenermon ni Chel. My overprotective bestfriend/cousin.

"Sorry na nga e. Medyo natagalan nga kasi yung laban. Nakapag-explain na naman ako kanina diba:((" Medyo napapagod kong paliwanag.

"O siya, matulog kana. Alam ko namang pagod na pagod kana. Magdasal ka baka bangungutin ka dahil sa pagkabroken mo." OA na paalala ni Chel. Kahit kailan talaga to. Napaka-OA.

"Oo na, nay este Chel. Labyuuuu. Good night. Pasensya na. Babawasan ko na po ang pag-iisip."

FLASHBACK...

Nasan na kaya si Chel? Kanina ko pa hinahanap yun ah. Napakaboring naman kasi sa room. Kanya kanyang ginagawa na hindi ko maintindihan. Dun nalang ako kina Chel baka sakaling makita ko pa si Ethan. Makapunta nga sa tapat ng room nila.

"Hi po, Kuya. Diba kaklase niyo po si Chel?" Tanong ko dun sa nakikita kong lalaki dun sa room nila Chel.

"Si Chelsea ba? Kung siya ay nandun ata sa may canteen." Sagot naman agad niya sa aking tanong.

"Ah ganon po? Sige po. Maraming salamat po, kuya. Pasensya na po sa abala." Pagkatapos ko magpasalamat ay dumiretso agad ako sa canteen. Wala naman kaming klase hanggang alas tres e. Ayan nakita ko na rin ang aking kaibigan.

"Woi, Chel. May klase kapa? Sama naman ako sayo kapag wala. Pwede ba? Mamaya pa kasi klase namin na alas tres e. Please?:((" Sunod sunod kong sabi sa kanya pagkalapit na pagkalapit ko.

"Oy, Elle. Kumain kana? Tara. Mamaya pa namang alas kwatro klase namin ulit. Tayo'y uuli or lalabas?" Pagpayag naman agad niya since sawa na rin naman daw siya sa itsura ng mga kaklase niya na kasama niya since Grade 7 sila.

"Labas tayo. Mahaba pa naman yung ating bakante. Ala una palang naman eh. Malapit lang rin naman mall dito sa LIS." Agarang pagdedesisyon ko habang nabili ako ng makakakain. Gutom na gutom na ko e. HAHAHAHAHA sorry naman. May dragon ata tiyan ko. Hindi kasi ako mabilis mabusog. Ilang segundo ang lumipas ng matapos na rin ako kumain. Habang si Chel naman ay kanina pa tapos. Nilibre ko nalang ng inumin since kanina pa naman daw siya dun kumakain. Pagkatapos na pagkatapos ko kumain ay agad na kong nag-akit kay Chel umalis. Sumakay na kami ng jeep para pumuntang mall. Magpapahangin o di kaya maghahanap ng libro. Baka nandun na paborito kong libro e.

"Nakita mo si Ethan kanina? Nasa room ata namin yun ah?" Biglang tanong ni Chel habang bumababa kami ng jeep.

"Hindi nga e. Nandun siya? Sayang naman. Hanggang doon lang kasi ako sa may tapat ng room niyo. Nakakahiya kayang pumunta mismo sa may room niyo." Nalulungkot na pagsagot ko. Hays:(( Nandun pala si Ethan. Sayang naman. Kelan ko kaya siya makikita ulit? Kapag di ko siya nakita ngayon. Ichachat ko nalang ulit siya mamayang gabi.

"Nako, Elle. Alam mo broken parin yun. Gusto parin niya si Cess." Pandidiretso ni Chel. So, si Cess parin pala:(( Awit naman.

"Tara na. Tawid na tayo. Ang init na rito sa labas e." Pag-iiba ko ng topic. Bigla kong nawala sa mood e. Bumigat aking pakiramdam. Pagkatawid namin ay dumiretso agad kami sa may National Bookstore para bumili ng wattpad books na hinahanap ko. Maya-maya pa ay biglang nag-imik si Chel.

"Oy! Okay ka lang ba? Sorry na, Elle. Dapat si Ethan nalang nibanggit ko. Sorry na:((" Nalulungkot na paghingi niya ng tawad. Hindi naman ako nagagalit kay Chel e. Bumigat lang pakiramdam ko kasi yung gusto ko nasasaktan na naman dahil sa iba. Hays. Bakit kasi hindi nalang ako?

"Baliw to. Okay lang yun. Hindi naman ako galit rin." Paniniguro ko na hindi ako talaga galit sa kanya. Nagtitingin-tingin na kami ng libro. Nakabili naman ako ng paborito kong libro. Ayun, nag-uuli kami ng konti bago napagdesisyunan naming bumalik ng school dahil biglang hinahanap daw ako ng teacher namin. Pagkadating namin ng school ay nagpaalam na rin sakin agad si Chel dahil nihahanap na rin daw pala siya ng mga kagrupo niya. Tapos ako naman ay dumiretso sa kung nasan ang aking mga kaklase.

"Oh? Nasan na raw si Sir?" Agad na tanong ko sa nagchat sakin na hinahanap daw ako ni Sir M na teacher namin sa broadcasting.

"Gaga, san ka galing? Atsaka hindi ka naman nihahanap ni Sir. Pinagtitripan ka lang nan. Alam mo namang loko loko yang mga boys na iyan. Atsaka sa totoo nga ay baka wala na rin tayong klase e. Wala raw kasi si Ma'am. Hinihintay lang yung gagawin natin tapos pwede na tayong umuwi." Sabi ni Trix. Isa sa aking matalik na kaibigan sa LIS. Naghintay kami ng ilang minuto bago kami pinayagang umuwi. Bigla nagchat sakin tita ko para sabihin na magkita raw kami pagkalabas ko. So ayun, sa may greenwich na raw kami magkita. Pagkadating ko sa tapat ng kitaan namin ay naghintay lang ako ng ilang minuto bago dumating si ate. Nag-akit munang kumain si ate. At syempre libre niya kaya go lang ako. Habang naghihintay ng order ay naisipan kong magchat kay Ethan. Desidido na talaga akong magtanong nito e. HAHAHAHAHAHA sana naman. Kapag failed, edi failed.

Your friend Ethan Miguel Clemente is online.

Hermoine Elle Villanueva: Last na tanong tas kapag rejected parin, titigilan na talaga kita. As in wala na.
So ayun
Wala ba talagang chance na magkagusto ka pabalik sakin?

Ethan Miguel Clemente: :<<<

Hermoine Elle Villanueva: Alam ko medyo ano yung tanong
Pero kasi, bat di mo lang subukan? HAHAHHAHAHAHAHAHHA wala naman mawawala e.
But then again, if wala talagang chance edi maghintay ng chance hanggang sa makamove-on na wala ka paring binibigay na chance

Ethan Miguel Clemente: :<
Elle namannn

Hermoine Elle Villanueva: yeah I know your answer
Sorry:>

Ethan Miguel Clemente: Elle
Sorry talaga

Hermoine Elle Villanueva: don't need to say sorry
Alam ko naman
Sadyang masakit lang
Pasensya na sa abala.

Ethan Miguel Clemente: Someday, the pain will go away, and when that day comes be sure to wave again. I'll keep in touch with you gago hahahah. Alam kong di kita pinili pero there's someone out there for u.

Pagkabasa ko ng huling mensahe niya ay hindi ko na ulit siya nireplyan. Maybe he really loves Princess. Sana ol talaga, Cess. Ang swerte mo kasi gusto ka ng gusto ko:(( Why can't I have you?



Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon