CHAPTER 6: MATH CAMP

10 2 0
                                    

Sobrang busy ko naman ngayon. Di ko na tuloy nakikita si Ethan. Sana kasama siya sa Math Camp para naman worth it lalo ang overnight ko rito sa school as Math Club officer. Si Chel kasi hindi kasama e. Tapos yung mga kaibigan ko kulang rin. Hindi rin kami kumpleto. So, si Ethan nalang talaga ang pag-asa ko. Hays:(( Mamaya na nga lang ako magdadrama. Tutulong muna ko sa pag-aayos ng kakailanganin namin mamaya. Papunta pa pala kong bayan. Buti nalang hindi ko na kailangang umuwi para sa gamit ko pang-overnight.

"Elle, bili ka naman ng pagkain dun sa may 7/11" Pakiusap ng aming president sa Math Club.

"Sure, Pres. Ano-ano ba bibilhin ko, Pres?" Agad kong pagpayag sa pakiusap ni President. Syempre kahit hindi kami magkaklase nan ay close na rin kami e. Kaya susundin ko talaga agad.

"May pupuntahan lang ako. Tapos ano umili ka nalang muna ng pagkain nating lahat. Ibawas mo sa pera na naipon natin sa mga tickets. Isama mo na tong si Shin para may katulong ka taga-bitbit." Nagmamadaling utos niya sabay alis dahil may tumawag sa kanya.

Pagkaalis ni President ay agad naman kaming kumuha ng pera sa garapon. Nagdiretso na rin kami ni Shin papuntang 7/11 matapos naming tanungin kung ano ang gustong kainin ng iba pa naming kasamahan. Habang papalabas kami ay nagsilaglagan yung barya na kapit namin. Pinulot namin yun isa isa ni Shin. Ang dami pa sa ilalim ng kotse. HALAAAA! Ayan. Buti nakuha ni Shin. Savior talaga to. Palinga-linga kasi ako e. Hinahanap ko si Ethan. Ayan tuloy nahulog yung mga barya. Sorry na hehe. Ayun nakabili na kami ni Shin pero di ko parin nakikita si Ethan. Tanungin ko nga yung kaibigan ko if nakita niya. Pero mamaya na. Busy pa nga pala ako:(( Pagkabalik namin ay naabutan namin si President na nasa room na at hinihintay kami. May dala pa nga siyang softdrinks e.

"O, nandyan na pala kayo." Bungad na sabi ni President pagkalapit namin sa kanila.

"Opo HAHAHAAHHAHA. Pasensya na medyo natagalan, Pres. Ito na nga po pala yung nabili naming pagkain natin. Buti hindi kami bumili ng inom. May dala pala po kayo e."

"Oo. Pinabigay sa atin ni Mrs. Crea. Bait talaga nun ni Ma'am." Patungkol niya sa softdrinks na dala niya. Agad na naming kinain ag binili naming pagkain ni Shin. Kumain kami habang nagkwekwentuhan ng mga pangyayari sa amin na bawat isa ngayong taon na ito. Mas nakilala ko sila dahil dito. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ulit si Pres at nagpasya muna kaming bumisita sa room na tutulugan namin. Magkahiwalay syempre ang babae at lalaki. Pagkapasok ko ng room ay naabutan ko ang makakasama kong kaibigan na naglalapag na ng kaninang dalang gamit para mamaya. Nung makita nila ako ay inakit nila ako kumain. Kahit kakakain ko lang ay gora lang. Nagugutom pa syempre ako. Diba nga? Matakaw akong kumain. Kaya kong umubos ng mag-iisang rice cooker na may kanin. Habang nakain kami ay may naisip si Trix na agad nakapagpalungkot sa akin.

"Hooyyy! Kasama ba si Ethan sa Math Camp?" Tanong ni Trix.

"Ay nako teh. Alam ko na. Hindi kasama ang kuya niyong Ethan. Tingnan mo naman face ng ating Elle, napakalungkot. Daig pa ang nalugi sa negosyo." Pang-ookray ni Ali sa akin matapos makita ang nakasimangot kong itsura.

"Hindi naman sa ganun. Kaya lang naman ako ganito bukod sa hindi ko pa siya nakikita ay hindi ko pa siya nakikita simula kahapon:((" Nalulungkot kong sabi talaga. Nakakalungkot naman kasi. Paano kung hindi pala siya kasama sa Math Camp? Tapos hindi ko pa siya nakikita. Awit naman:((

"Ay tara na. Hanapin natin. Mukha ka talagang nalugi." Tawang-tawa na asar ni Sien sa akin. Kahit kailan talaga tong babaeng ito.

Binilisan na namin ang pagkain lalo na sila dahil hahanapin daw namin si Ethan. Bukod dun ay naisip nila na magpicture ulit kami ni Ethan para kahit hindi siya kasama sa Math Camp ay happy parin ang Math Fair ko. I'm so blessed with these friends of mine. Nag-ikot ikot kami sa buong Grade 10 buildings at nakita namin siya sa may puno ng narra. Nakaupo silang magtotropa. Agad namang lumapit yung apat kong kaibigan kay Ethan. Mula rito ay rinig na rinig ko ang kanilang sinabi kay Ethan.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon